Iris POV "But today is Sunday. Bonding day po natin. . . " reklamo ni Isagani sa Tatay niya nang sabihin nito na hindi ito makakasama sa paglabas namin ngayon. Tahimik na pinanood ko naman na magdiskusyon ang mag-ama. Tumingin ito sa akin, "something came up in the office. Kailangan kong asikasuhin iyon." problemadong imporma nito sa akin. Kitang kita naman na ayaw niyang umalis at samahan na lang ang anak niya ngayong araw pero hindi niya magawa dahil mukang importante rin ang gagawin niya. "Anak, please, understand? Kailangan talaga ako sa office. Susubukan kong humabol ah?" pagpapaliwanag nito sa anak niya na nakasimangot na. Syempre, ngayon na nga lang sila uli nagkasundo pero hindi agad nakabawi ang ama niya. Pero makalipas ang ilang pagpapaliwanag ni Mr. Andrado sa anak ay tum

