Iris POV Mas maaga akong bumangon ngayon keysa sa nakasanayan ko. Natulog ako sa dating kwarto na tinutuluyan ko. Nagluto ako ng garlic fried rice, ham, bacon, at sunny side up na itlog. Nagtimpla ako ng milk at black coffee. Nagluto rin ako ng pancake para kay Isagani. Inayos ko ang mga 'yon sa magkahiwalay na tray. Ang isa ay para sa amin ni Isagani, samantalang ang isa ay para naman kay Mr. Andrado. Kumuha rin ako ng cookies na na-bake ko kagabi, para iyon sa aming dalawa ni Isagani. Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa nahanda kong almusal. Pakiramdam ko ay ginagawa ko 'to sa asawa at anak ko. D-mn. Sana. . . sana sa hinaharap, pagbigyan ako ng Panginoon at swertehin ako kahit sa pag-ibig man lang para makabuo ako ng pamilya na maihahandaan ko ng ganitong pagkain

