Iris POV Kapatid talaga, Isagani? Bakit iyon hiningi mo sa amin? Pwede namang bahay na lang at kaya namang ibigay 'yon ng Tatay mo sayo. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pag-iinit ng buong muka ko, lalo na ang batuk ko. Hindi ako maka-move on. Kanina pa kasi kami tapos sa kusina. Na-bake ko na ang dalawang flavors ng cookie. Isang chocolate at strawberry. At nasa sala kami ngayon, nanonood ng pang-batang panood sa iPad ni Isagani. Nagpapa-antok pa ang bata. Bigla ko ngang hiniling kanina na hindi pumayag si Isagani na makisali sa amin si Mr. Andrado pero nabigo ako dahil tahimik na tumango ang bata nang tinanong siya ng Tatay niya na kung pwedeng tumabi. Mabuti na lang hindi na uli nabanggit ni Isagani ang bagay na 'yon habang nanonood kami. Nawili kasi siya sa pinapanood. Nagul

