Iris POV "Sir, wala talaga akong planong kidnappin ang anak no'n. Sir! Maniwala naman kayo." sigaw ko. Nasa tanggapan pa lang ako ng station nila, nakaposas ang mga kamay ko at iyan ang sinasabi ko sa bawat pulis na dumaan sa harapan, sa tabi, o sa likuran ko pero hindi nila ako pinapansin. Nangangati na ang kamay ko dahil may allergy ako sa metal. Kanina pa ako nagkukulit sa kinauupuan ko kaya medyo nakakaskas siya sa balat ko at ramdam ko ang hapdi at init no'n sa balat. Magkakalahating oras na ako rito pero walang umaasikaso sa akin. "Sir! Ano ba! Ganito ba talaga makulong?!" inis na sabi ko pero tinignan lang nila ako. Binagsak ko ang ulo ko sa mesa at napabuntong hininga. "Sir, p'wedeng alisin niyo ang posas ko? Kating kati na kasi ako eh. May allergy ako sa metal, kapag ako, na

