Iris POV Lumipas ang isang Linggo na hindi ko na muling nakita si Mr. Andrado. Bumalik sa dati ang buhay ko. Boring, lifeless, loveless, and broke. Nagtuturo ako at wala ng kaba at inaalala. Hindi na rin ako bumalik sa pagsasayaw sa bar. Nagtatago pa rin naman ako sa mga naniningil ng utang sa akin. Nagpapakita lang ako kung may pera na ako. Kay Madam Nazar pa rin ako nakikitira. Gusto kong umalis pero hindi niya ako pinapayagan. Sabi niya ay umalis na lang ako kapag may ipon na ako na malabong mangyari. Pauwi na akong galing sa school. Totoo ngang bumalik na ako sa dating buhay ko na ang problema ko lang ay pera. "Iris!" nagulat ako nang biglang sumulpot ang kinilala kong magulang noon sa harapan ko. It's weird for me to call them Mom and Dad again. Napatitig ako sa kanila. Mas

