Iris POV "I really hate them." usal ni Mr. Andrado habang pinapanood namin ang mga katapid niya naliligo kasama si Isagani sa pool. Naka-upo kami ngayon sa bench malapit sa pool. Inaya nila ako kanina na maligo pero ayaw ko sa tubig ng pool kaya tumanggi ako. Sinamahan na lang din ako ni Mr. Andrado at magkayakap kaming nakaupo habang nakatingin sa tatlo. Naglalaro sila ng taya tayaan, kung saan magiging taya ka kung ma-i-ta-tap mo ang ulo ng kalaro mo habang hindi ito nakaloblob sa tubig, hindi mo pwedeng i-tap ang ulo ng kalaro mo at tayain kung nasa tubig pa rin ito. At syempre. . . laging natataya si Isagani. Hindi ko man lang marinig ang reklamo niya at enjoy na enjoy lang siyang naglalaro. "Eh?" natatawang nilingon ko si Mr. Andrado. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya

