bc

Love At First Sight

book_age18+
199
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
badboy
heir/heiress
tragedy
straight
others
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Sandy ay hindi naniniwala sa Love at First Sight not untill, ng makilala niya ang misteryosong lalaki na si Williard Galves ang taga-pagmana ng mayaman niyang angkan sa Switzerland.

Ngunit nagrebelde ito at naglayas at umuwi sa pilipinas upang doon na manirahan. Hanggang sa, pagtagpuin ang landas nila ni Sandy ang babaeng matagal na pala siyang lihim na hinahangaan at minamahal.

Hanggang saan makakaya ni Sandy na ipaglaban ang pagmamahal niya para sa lalaki gayung naipagkasundo narin pala ito sa mayaman din na kagaya nito.

Written By Apple gugulan

Copyright © 2020

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter 1 Araw iyon ng lunes ng una ko siyang makitang nagbabasa sa paborito kong rentahan ng mga libro. Simula ng araw na 'yun parati na kong naglalaan ng oras upang doon magbasa at syempre, para na rin makita ko siya. Subalit lumipas ang ilang araw na hindi ko na siya napagkikita na. Kaya naman tumatamlay ang araw ko tuwing hindi ko man lang siya nasisilayan sa lugar na 'yon. Lumipas pa ang mga linggo, buwan at tuluyan ko ng hindi siya nakita pa sa library. Kaya naman madalang narin akong bumisita pa roon para magrenta ng mga libro. "Hoy! Sandy, anong ginagawa mo di'yan?" tanong ng kaibigan kong si Sheena. Subalit tila wala akong naririnig sa mga pinagsasabi niya sa'kin. Habang tulala lamang akong naghihintay sa may hagdanan ng aming eskwelahan. Kung saan nagbabakasali akong makikita ko siya muli doon. Ang lalaking bumihag ng aking puso. Minsan pa ay inalala kong maigi ang kanyang Pigura. Mayroon siyang malapad na likuran, medyo katangkaran ang height, itim na itim na kulay ng buhok na hanggang balikat ang haba at makinis at maputing balat. Lalo pang nakapagpadagdag ng kanyang Karisma ang matangos na ilong, at kulay brown na kulay ng mata, pati narin ang manipis, at makipot nitong labi. Nasa ganoon akong pagiisip ng biglang napukaw ang atensiyon ko ng malakas akong tinapik ng aking kaibigan na si Sheena sa aking balikat. "Ghorl, okay ka lang ba? tell me, pinagalitan ka na naman ba ng Step mother mo at tulala ka, diyan?" "Hindi, wala ito friend." tipid kong sagot kay Sheena. "Kung ganoon, hindi ka pa siguro naglulunch tama ba?" tanong muli ni Sheena. "Kakatapos ko lang mag lunch." tipid ko muling sagot. "Lilibre sana kita kung hindi ka pa naglulunch eh" Bigla ay tapik nito sa'kin balikat. "Huwag na friend, nakakahiya naman" sagot ko rito. " Okay nga pala, mayroong magaganap na Beaucon sa baranggay natin baka gusto mo na sumali?" tanong nito. "Naku! alanganin ako diyan sheena, baka kagalitan na naman ako ni tita Fe," Paliwanag ko kay Sheena. "Okay ikaw bahala, basta kung magbago man ang isip mo, sabihan mo lang ako para maipalista kita agad" Matapos ang klase namin ng araw na 'yun ay agad na akong umuwi sa'min at agad bumungad sa'kin ang aking Step mother. Batid kong pagagalitan na naman niya ako kahit na wala naman akong maling ginawa. Sadyang mainit lang palagi ang ulo niya kaya naman nasanay narin ako. "Sandy! dalian mo ng magpalit ng damit at magluto ka na sa kusina" Galit na utos ng aking Step mother. Dinig na dinig ko ang malakas na boses nito mula sa aking kwarto. Kaya naman minadali ko ang pagpapalit ng aking damit pambahay at dali-dali na akong tumungo sa aming kusina. Isa-isa kong inilabas mula sa freezer ang aking lulutuing ulam para sa'ming hapunan. Hindi sinasadya ay bigla kong nabitawan ang supot ng ulam na aking hawak. Kaya naman nagdulot ito ng ingay at agad itong narinig ng aking madrasta. Maya-maya pa ay sumugod na ito sa kinaroroonan ko. "Hoy! Sandy, ano na naman ba ang kapalpakan na ginawa mo? Kay simple-simpleng pagaasikaso ng ulam hindi mo magawa ng maayos!" singhal ng aking madrasta sa akin. Kaya naman, agad akong humingi ng pasensiya sa kanya at pagkuwa'y itinuloy ko ang pagaasikaso ng aking lulutuing hapunan. "Umayos ka! Sandy, pag hindi ako nakapagtimpi pa sa'yo palalayasin kita dito sa pamamahay ko!" bulyaw muli ng aking madrasta. "Opo tita Fe, pasensiya na po ulet," habang pinagpapatuloy ko ang paghihiwa ng aking lulutuin. Hindi nagtagal at lumabas na ito ng kusina habang wala parin itong tigil sa kakadakdak sa'kin. Masama man sa aking loob ang malamig na pakikitungo nito palagi sa'kin ay pinilit ko parin siyang inuunawa at iginagalang bilang pangalawang ina. Kahit na minsan ay hindi ko naramdaman ang kahit na katiting na pagmamahal niya sa akin. Bigla ay tumulo ang mumunting luha mula sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan naalala ko tuloy kasi ang aking Ina. Noong kasama pa namin siya ay nagbalik sa aking alaala ang mga pagaarugang ginagawa niya sa akin. Limang taon na rin kasi ang nakakalipas simula ng iwan niya kami ng aking ama ng hindi man lang nagpapaalam sa'min. Masakit man ang ginawang pagaabandona niya sa'min ay kinailangan naming umusad at magpatuloy sa buhay. Hanggang sa makilala ng aking ama ang madrasta kong si tita Fe. Batid kong sa umpisa pa lang ay hindi na niya ako gusto. Ngunit hindi niya ito ipinakikita kapag kasama namin ang aking ama. Inilalabas lamang niya ang pagkasuklam sa'kin kapag kaming dalawa lamang ang nasa bahay. Kaya naman hanggang ngayon ay inakala ng aking ama na maganda ang pakikitungo nito sa akin. Kahit na ang totoo ay labis akong kinamumuhian ng aking madrasta sa hindi ko malaman na dahilan. Pasado alas diyes na ng gabi ngunit hindi parin ako dalawin ng antok. Kaya naman napagdesisyunan ko munang magbasa ng aking mga nirentahang babasahin. Hanggang sa nalibang din naman ako at hindi na lalo namalayan ang paglipas ng bawat oras. Gulat na gulat akong napatingin mula sa wall clock ng aking kwarto ng makumpirma ko na pasado alas dos na pala ng madaling araw. "Shocks! patay na naman ako nito sa first subject ko bukas," naiinis na wika ko sa aking sarili. Kaya naman mabilis kong ibinalik sa aking book shelve ang binasa kong libro at pagkuwa'y inilagay ko ang blind fold sa aking mata upang makatulog ako ng maayos. Kinabukasan, nabulabog ang pagtulog ko ng mag alarm ang aking orasan na nakapatong sa side table ng aking kama. Dali-dali ay agad ko itong pinatay at kahit na inaantok pa ay pinilit kong bumangon at tumungo agad sa banyo para maligo. Nakapagpagising lalo sa akin ang malamig na tubig na siyang dumampi sa aking balat. Kaya naman hindi ko maiwasang mapatili sa lamig. Tulad ng araw-araw na kaganapan sa amin ni tita Fe, ay bumungad muli sa'kin ang mainit niyang ulo lalo na ang pagsasalubong ng dalawang kilay nito Lalo na ng makita na naman niya ako ngunit magkagayunman ay nagpaalam parin ako sa kanya ng maayos. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa aking eskwelahan isang tila pamilyar na imahe ang nahagip ng aking paningin. Ng makumpirma ko kung sino ang imaheng iyon ay hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong lumapit dito. Ngunit tila natuod ang aking katawan pati narin ang aking mga paa ng makita ko siyang tumingin sa'kin na may pagtatantiya. "Why? do i know you? may kailangan ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Kaya naman hindi ko malaman ang aking isasagot ng makausap ko na siya ng harapan. Tanging mabilis na t***k ng aking dibdib ang naririnig ko ng mga sandaling iyon. "Miss, i said ano ang kailangan mo?" tanong muli nito sa akin. Nang makakuha ng lakas ng loob ay agad akong huminga ng malalim para makasagot ng maayos. "A-ano kasi, itatanong ko lang sa-sana kung nag-aaral ka din sa Saint Martin University?" bigla ay ito ang tanong na lumabas sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na tataasan niya lamang ako ng kilay at tatawanan. Kitang-kita ko ang pagsilay ng magandang labi nito pati narin ang mapuputing ngipin na lalong nagpatulala sa'kin. Tila naman ako nainsulto sa ipinakita niyang kagaspangan ng ugali. Kaya naman bigla ako nagising sa katotohanan at pagkuwa'y mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya. "Ano ba ang ginagawa mo Sandy!" galit na paninita ko sa aking sarili habang tumatakbo papalayo sa kinaroroonan ng lalaki. Hanggang sa narating ko na ang entrance ng aming eskwelehan ay patuloy kong kinagagalitan ang aking sarili. Kaya naman kahit nasa kalagitnaan ako ng aming klase ay patuloy ko paring iniisip ang imahe ng lalaking iyon at ang naging paguusap namin kanina hanggang sa matapos na ang aming klase. "Sandy, mayroon tayong group project mamaya kila martina sasama ka ba?" bigla ay tanong ni Sheena sa akin. "Naku! hindi ko alam kung makakasama ako, may pasok kasi ako mamaya sa convenience store," paliwanag ko dito. "Ganoon ba, oo nga pala weekend na pala bukas, kaya raraket ka na naman pala." ani Sheena. "Yup, kaya mabuti pa mauna na ako sa'yo bye Sheena!" paalam ko dito at pagkuwa'y nagmamadali akong pumunta sa aking papasukan. Ng marating ko na ang Convenience Store na aking papasukan. Tumambad sa'kin ang katrabaho kong si Jake na wagas kung makangiti. "Hi Miss Beautiful, tulungan na kita di'yan," bungad nito sa'kin habang nakikipag-agawan sa mga bitbit kong mga libro at bag. "Ano ka ba Jake, kaya ko na ito," Iritable kong sagot. Hanggang sa hinayaan na lamang niya ako ang maglagay nito sa locker ko. Pagkatapos kong magpalit ng uniporme ay mabilis agad akong bumalik sa counter. Upang tulungan ang katrabaho kong si Jake sa pagtatali ng kinita ng araw na 'yun. Batid kong tinititigan na naman niya ako habang nagbibilang. Kaya naman sa inis ko ay siniko ko ang tiyan niya. "Hayan ka na naman nanakit ka na naman tuwing magkikita tayo." Pagtatampo nito. "Eh, paano kasi ang lagkit mong tumingin, kung naging yelo lang ako, kanina pa ako natunaw," Paliwanag ko kay Jake. "Paano naman kasi, hindi ko mapigilan hindi tignan ang napakaganda, at maamo mong mukha." "Sige na, umuwi ka na lang at ako na ang bahala dito." "Hindi pa ako uuwi, mag-o-overtime ako today, pandagdag sa gamot ni Mama," Paliwanag nito at tila lumungkot ang mukha. Kaya naman agad akong nakaramdam ng habag para kay Jake. Batid kong kagaya ko ay iniwan din sila ng kanyang ama. "Sige, ganito na lang, treat kita ng dinner mamaya para hindi mabawasan ang sahod mo." "Naku! Sandy, huwag na, may baon naman ako." Mabilis na pagtangi nito sa alok ko. Maya-maya pa ay napukaw ang atensiyon namin ng pumasok ang grupo ng kalalakihan na tila may giyera sa ingay ng mga ito. Ngunit laking gulat ko ng makita ko ang lalaking kanina lang ay pinagsungitan ako. Kaya naman bigla ay bumilis sa pagtibok ng aking dibdib. Hindi ko mawari ngunit kahit na pinakitaan ako ng kagaspangan ng ugali nito. Ay patuloy parin ako sa paghanga sa lalaking iyon. Mas lalong dumoble ang bilis ng t***k ng dibdib ko ng lumapit siya upang bayaran ang mga binili niya. Kaya naman tinamaan ako bigla ng hiya sa sarili lalo na ng maalala ang kaganapan sa amin kanina. "Miss, you look familiar? diba ikaw 'yung babaeng nagtanong sa'kin kanina?" tanong nito sa akin. Kaya naman agad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi nito. "Ah, oo a-ako nga," sagot ko sa kanya. Subalit ng sulyapan ko siya ay muli na naman niya akong tinawanan at ipinilig-pilig ang ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook