Bata pa lang si Brielle ay maaga na silang naulila sa ina ng kanyang nakababatang kapatid. Ngunit magkaganun man ay hindi sila pinabayaan ng kanilang ama at lalo pa itong nagsumikap para kahit paano ay gumanda ang kanilang buhay.
Kaya naman ng makagraduate siya sa kursong architecture ay agad siyang sumabak sa pagtatrabaho. Hanggang sa isang araw ay hindi niya namamalayan na humahanga pala siya sa isang kilalang Tv endorser na si Nathan Dela Torre .
Ngunit sa isang iglap ay agad nagbago ang buhay niya sa hindi niya inaasahang pangyayari.
Ngunit si Nathan Dela Torre na nga ba ang lalaking nakatakda sa kanyang buhay?
Bata palang ay magkakaibigan na sila Nicko valderama, Yohan San miguel at Edward Delos reyes. Silang tatlo ay ipinanganak na talaga namang walang tulak kabigin dahil sa gandang lalaki na tinataglay nilang tatlo.
Ngunit isang araw ay biglang mababago ang kanilang buhay ng aksidente nilang mapulot ang isang sangol na iniwanan nalang ng kung sino sa labas ng bachelors pad na kanilang tinutuluyan.
Sa isang iglap ay agad nagbago ang kanilang buhay ng hindi nila inaasahan. Dahil ito pa naman ang kinaaayawan nilang tatlo ang magkaroon ng responsibilidad lalo na sa hindi nila kaano ano.
Dahil determinado nilang mahanap ang ina nito ay ginamit nila ang kanilang kanya kanyang koneksiyon.
Ngunit gugustuhin pa ba nilang ibalik ang bata kung makikilala nila kung sino ang tunay na ina nito.
High school noon si nikki ng makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso na si Jonathan Villafuego ang anak ng Mayamang si Don Fakundo at ang asawa nitong si Donya Esmeralda.
Hindi niya inaasahan na ang lalaking kanyang iniibig ay anak pala ng amo nilang mag ina. Ngunit ang pagkamatay ng Don ang naging dahilan upang muli sila ay pagtagpuin at ipagkasundo sa isa't isa.
Hanggang sa isang malagim na trahedya ang nangyari kay Nikki nang ito ay nagpunta sa bansang Italya upang magaral ,dahilan upang makalimutan niya ang binata
Ngunit muli kayang maibabalik ng tadhana ang kanilang pagiibigang dalawa sa dami ng trahedyang kanilang pinagdaanan.