Chapter Six

1626 Words
Habang naka duty ako ng araw na 'yon sa Convenience Store. Hindi mawala sa aking isip ang mga sinabi ni Williard sa akin. Paulit-ulit itong rumerehistro sa aking utak. Kaya naman kada bukas ng pintuan ng Store na aking pinapasukan ay napapatingin agad ako sa pagaakalang si Williard ang iluluwa noon. Hanggang sa natapos nga ang duty ko ng araw na 'yun. Ngunit walang Williard na nagpakita sa'kin. Dahilan ng pagkadismaya ko. "Sandy, huwag ka munang umasa okay," bulong ng malikot kong pagiisip. Kaya naman, hindi ko na siya hinintay pa at lumabas na ako ng Store. Maya-maya pa ay siya namang pag-ring ng aking telepono. Subalit ang numero ni Cyrus ang rumehistro doon kaya agad ko itong sinagot. "Hi, hello Sandy, pauwi ka na ba? galing kasi ako sa apartment niyo ni Sheena, kaso wala ka pa daw?" ani Williard sa kabilang linya. "Ah-oo pauwi pa lang ako ngayon, bakit? may kailangan ka ba?" tanong ko dito. "Just stay where you are, susunduin kita on the way na ko." Ani Cyrus. "Okay, ikaw talaga ang dami mong pakulo." Sagot ko. Kaya naman wala na akong nagawa pa at hinintay ko na rin siya. Subalit ang aking puso ay iba ang inaasam na dumating para mag sundo sa akin. Makalipas ang kalahating oras ay agad lumitaw sa harapan ko si Cyrus. Kung saan ako naghihintay at pagkuwa'y agad siyang bumaba ng sasakyan at nakangiting bumungad sa'kin. "Nainip ka ba? pasensiya na Sandy, medyo natraffic ako sa Highway" paliwanag nito. "Naku, huwag mo ng alalahanin pa 'yun Cyrus. Mabuti pa, dumaan muna tayo sa Korean Store. May bibilin lang ako sandali." Pakiusap ko dito. "Sure, no problem. Hindi ka parin talaga nagbabago paborito mo pa rin talaga ang mga Noodles doon." Ani Cyrus "Syempre naman. Alam mo 'yan." Sagot ko habang pinaniningkitan ko siya ng mata. Bago kami tuluyang makauwi ni Cyrus sa Apartment dumaan muna kami sa restaurant at pagkuwa'y umorder kami ng pagkain upang itake out. "May gusto ka pa bang orderin? sige na, pumili ka na di'yan. Don't worry ako ang taya." Nakangiting nguso nito habang itinuturo ang ibang menu. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at dinagdagan ko pa ang itatake-out namin. "Kumain muna kaya tayo Sandy, baka nagugutom ka na?" tanong ni Cyrus "Hindi na, sa Apartment na lang tayo kumain para kasabay natin si Sheena. Baka magtampo na naman 'yun kapag hindi natin siya isinabay sa pagkain." Paliwanag ko dito. Tila naman naunawaan ito ni Cyrus at pagkuwa'y tumango-tango na lamang. Maya-maya pa ay lumapit na sa amin ang waiter dala nito ang mga inorder naming pagkain. "Okay let's go Sandy." Ani Cyrus habang hawak na nito ang supot ng aming mga inorder. Kaya naman tumayo na rin ako at lumabas na kami ng restaurant. Ngunit laking gulat ko ng makasalubong namin si Williard na may kasamang babae. Na tila linta kung makalingkis sa katawan niya. "Sandy? what are you doing here? I thought nakauwi ka na. Pinuntahan kita sa Store kaso wala ka na daw doon." Agad ay paliwanag ni Williard. "Ah, oo pa-pauwi palang ako." Wika ko habang lumalakas na naman ang kabog ng aking dibdib. Kitang-kita ko ang malagkit na tingin ni Williard sa'kin. "Will, who is that girl?" bigla ay tanong ng kasama nitong babae. Kaya naman bigla akong napalunok at pagkuwa'y nakangiti akong tinitigan ng kasama nitong babae. "Oh by the way, trish. This is Sandy." Pagpapakilala ni Williard sa'kin. Ngunit naalala kong kasama ko pala si Cyrus. Nang lingunin ko ito ay siya namang akbay nito sa akin. Kaya naman tila hindi ako naging komportable sa ginawa nitong pag-aakbay. Bigla tuloy napakunot ang noo ni Williard ng makita niya ang ginawang pag-akbay ni Cyrus sa akin. Kaya naman dali-dali na akong nagpaalam sa kanila at pagkuwa'y niyaya ko na si Cyrus. Samantala ng lingunin ko muli si Williard ay titig na titig lamang itong nakatingin sa amin ni Cyrus. Bigla ay binagabag ako ng konsensiya at alalahanin sa magandang pakikitungo nito sa akin. "Sino 'yung lalaking 'yon Sandy?" tanong ni Cyrus sa'kin habang binabagtas namin ang biyahe pauwi. "Ah, kaibigan ko si Williard. Siya 'yung tumulong sa'kin sa operasyon ni Papa. Pati narin sa burol." Pag-amin ko dito. "Ganoon ba, mukhang mabait naman pala." Ani Cyrus habang nakataas ang isang kilay at seryosong nagmamaneho. Maya-maya pa ay narating na namin ang Apartment at agad kaming sinalubong ni Sheena. "Mabuti naman at dumating na kayo may sasabihin ako sayo Friend," ani Sheena. "Bakit ano ba 'yun Sheena?"bigla ay nagtataka kong tanong dito. "Hindi muna ako makakapasok mamayang gabi. Ikaw na muna Sandy, kailangan ko kasing umuwi sa bahay may emergency lang." Paliwanag nito. "Okay, naintindihan ko. Aalis ka na ba at tila ata bakabihis ka na? kailan ang balik mo?" nagaalala kong tanong kay Sheena. "Huwag kang mag-alala babalik din ako agad. Kaya habang wala ako dito, isarado at ilock mo lahat ng bintana at pintuan. Tatawagan kita kapag nakauwi na ako sa'min." Paliwanag nito habang tila nalulungkot ang mukha. "Okay, mag-iingat ka sa biyahe." Paalam ko dito at pagkuwa'y nagpaalam na si Sheena sa'kin. Habang si Cyrus naman ay gulat na gulat ng makita itong papaalis at bitbit ang maliit na traveling bag. "Woah! aalis ka? saan punta mo Sheena?" tanong ni Cyrus. "Uuwi muna ako sa'min, may emergency kasi. Ikaw na muna ang bahala kay Friendnie ko huh, bantayan mo muna siya. Mamayang gabi may pasok siya sa Bar baka pwede mo siyang ihatid at sunduin." Habilin ni Sheena. "Sus, Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata." Nakanguso kong singit sa paguusap nila. "Sige ako na ang bahala sa kanya, makakaasa ka di'yan" ani Cyrus at pagkuwa'y tila nagkasundo at nag apir ang mga ito. Kaya naman ng makaalis na si Sheena ay tinulungan ako ni Cyrus na ilabas na ang mga pagkaing binili namin. At pagkuwa'y inilagay ko sa refrigerator ang iba. "Anong oras ba ang pasok mo sa Bar? at saka, ano ba ang part time ninyo ni Sheena doon?" nagtatakang tanong ni Cyrus. "Wine ambassador. Nagaalok kami ng iba't-ibang klaseng wine sa mga customers doon." Paliwanag ko. Nang lingunin ko siya ay biglang kumunot ang ulo nito at kinagat ang ibabang labi na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Look Sandy, sa tingin ko hindi nababagay sa'yo ang ganoong trababo. Madaming part time job na pwede ninyong pasukin ni Sheena. Kung gusto niyo tutulungan ko kayo sa Company ni Tita." Suhestiyon nito. "Alam mo huwag mo ng problemahin pa 'yun Cyrus. Disente naman ang trabaho namin kahit papaano. At saka malaki ang sahod namin in just four hours duty na pag-aalok ng wine sa customers." Paliwanag ko. Tila naman hindi ito nasatisfy sa sagot ko at pagkuwa'y kumunot na naman ang noo. "What time ba ang pasok mo mamaya?" tanong ni Cyrus. "Before 6 pm dapat nanduon na ako. Mahigpit kasi ang Manager namin, ayaw niya ng nalalate kami. Gusto niya lagi kaming on-time." Muli ay sagot ko habang kumakain. Matapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay Cyrus na magaayos na at maghahanda sa pagpasok. Kaya naman iniwanan ko muna siya sa sala habang nanonood ng Tv. Makalipas ang kalahating oras na pagaayos sa aking sarili minsan pa ay tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang sa suot kong uniforme sa Bar. "Shocks! nakakahiya naman kung makikita ako ni Cyrus sa ganitong suot." Bulong ko. Subalit ng sipatin ko ang suot kong relo ay gulat na gulat akong napabalikwas. "Hala! 5:30 na pala." Gulat kong sambit at pagkuwa'y nagmamadali akong lumabas sa aking kwarto. "Cyrus! tara na! malalate na pala ako." Nagmamadali kong pagtawag dito. Subalit ng lumingon ito sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko ang tila pagkamanghang pagtitig nito sa akin. Kaya naman inulit ko muli ang pagtawag sa pangalan niya dahilan at bigla siyang nagulat at pagkuwa'y tumayo at hinarap ako. "So, 'yan pala ang uniform ninyo? Hindi ka ba lalamigin di'yan?" tanong nito habang seryosong sinisipat ang kabuuan ng suot ko. "Huwag ka ng mag-alala pa. Tara na! at malalate na ko." Pagyaya ko dito. Ngunit ang mga mata niya ay patuloy parin na titig na titig sa'kin. "I never thought na bagay pala sa'yo ang uniform mo huh?" wika muli nito. Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya. Subalit laking gulat ko muli ng makita namin si Williard na pababa ng sasakyan niya. "Ano'ng ginagawa niya dito?" bulong ko Kaya naman magtatago sana ako sa may malaking puno ngunit huli na at nakita na niya ako habang kasama si Cyrus. Kagaya ni Cyrus ay titig na titig lamang itong nakatingin sa'kin habang nakasandal sa sasakyan niya. "Sandy, can we talk?" bungad niya sa'kin. "Naku brad, it's not possible. May pasok pa kasi si Sandy at baka malate na siya." Si Cyrus ang sumagot. "Ah, pasensiya na Williard, pero tama si Cyrus may pasok pa kasi ako sa Bar. Dapat before 6 pm nanduon na ako mahigpit kasi ang Manager namin." Paliwanag ko dito. Ngunit bigla din nag iba ang timpla ng mukha nito sa hindi ko malaman na dahilan. "What do you mean? nagwowork ka sa bar?" kunot noong tanong ni Williard. "Ye-yes." tipid kong sagot sa kanya. At pagkuwa'y hinatak na ako bigla ni Cyrus at pinasakay ng sasakyan. Habang si Williard ay tila masama ang pagkakatitig kay Cyrus. "Sige, pasok na muna ako Williard." Paalam ko dito at tumango naman ito. Mula sa side mirror ng sasakyan ay kitang-kita ko itong nakatingin parin sa sinasakyan ko. Hindi ko mawari ngunit tila magkahalong pagkadismaya at guilty ang bigla kong naramdaman ng hindi ko man lang siya nakausap ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD