Makalipas ang dalawang linggo. Habang nasa eskwelahan ako tulala lamang akong nakatitig sa aming guro habang naglelecture siya sa'min. Hindi kasi mawala ang lungkot na nadarama ko lalo ng isiping wala na ang Papa ko.
"Sandy, gusto mo ng raket?" bigla ay bungad ni Sheena sa akin. Kaya naman bigla akong napatingin sa kanya.
"Sige, go ako di'yan Sheena, kahit ano pa 'yan, para may pang share naman ako sa renta ng bahay." sagot ko.
"Okay, mamayang gabi na ang start natin." Ani Sheena.
"Huh?! mamayang gabi agad? pe-pero ano ba ang magiging work natin kung sakali?" nagtataka kong tanong dito.
"Huwag kang mag-alala, legit naman ang magiging part time natin. Kailangan lang kitang ayusan ng bahagya. Tutal maganda ka naman." Ani Sheena muli.
"Hay naku Sheena, kinakabahan naman ako sa part time na 'yan. Ano ba kasing klaseng part time 'yon?" tanong ko muli.
"Wine ambassador Friend, magaalok tayo ng alak sa mayayamang customer ng bigating bar. " Paliwanag nito.
"Okay, anong oras ba tayo magsstart?" tanong ko.
"Dapat before 6 pm nandoon na tayo sa bar. Kaya mabuti pa umuwi na tayo at dadaan pa tayo sa agency para kuhain ang magiging uniform natin." Ani Sheena, kaya naman matapos ang subject namin ng umagang 'yon ay agad na kaming pumunta sa agency.
Pagkatapos ng aming interview at orientation ay nakapasa naman kami at pagkuwa'y ibinigay na sa'min ang aming susuotin na uniform.
Nang makauwi kami ni Sheena ay agad naming isinukat ang uniformeng kailangan naming suotin. Isang pares iyon ng maigsing palda na kulay dark blue at puting sando na fitted.
Kaya naman kahit hindi ako komportable sa aming uniforme ay wala na akong nagawa pa at isinuot ko na rin. "Tara na Friend, ayusan na muna kita ng buhok. Then light make up lang ilalagay ko sa'yo tutal naman at maganda ka na." Ani Sheena.
"Sus! nambola ka pa, sige na, gawin mo na ang gusto mong gawin sa'kin," nakangiti akong lumapit at umupo sa tapat ng tukador nito at sinimulan na nga niya akong ayusan.
"Wow! Sandy, grabe! ang ganda mo Friend, pang Super Model ang datingan mo. Alam mo kung ako sa'yo sumali ka na sa Beaucon sa Baranggay natin. For sure ikaw ang panalo." Ani Sheena.
"Naku! napakabolera mo talaga Sheena, mabuti pa, mag-ayos ka na rin at mag-aalas-singko na." Suhestiyon ko dito. Kaya naman agad itong nataranta at mabilis na inayusan ang sarili.
Matapos kaming magayos ay agad na kaming pumunta sa Bar at pagkuwa'y inorient kami muna saglit ng aming manager sa Bar na iyon.
Naiilang man ako sa suot ko ay nilakasan ko na lamang ang aking loob upang magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. At sinimulan ko ng alukin ng iba't-ibang uri ng wine ang mga customers na pumapasok.
Kaya naman agad akong naiilang kapag may customers na tinititigan ako at pagkuwa'y sinisipulan. "Sandy, kumalma ka lang. Kaya mo 'yan okay" bulong ko sa aking sarili upang kumuha ng lakas ng loob.
Hindi nagtagal at natapos naman namin ni Sheena ng maayos ang apat na oras namin na duty ng gabing iyon. "Hindi na masama Friend, diba? matik, may 1,500 tayo. Bukas ulit." Ani Sheena.
"Oo nga, kaso nakakainis lang 'yung ibang customers na inaalok ko." Sagot ko.
"Huh? why naman? may bumastos ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni Sheena.
"Wala naman, kaso naiinis lang ako kapag tinitigan nila ako, mula ulo hanggang paa. Tapos 'yung iba pinipituhan ako. Tapos 'yung iba naman kinukuha ang number ko." Sagot ko muli dito.
"Hay naku Friend, hayaan mo na lang maganda ka kasi. Basta wala silang ginagawang Action na nakakabastos sa'yo. Pasasaan ba at masasanay ka din. Remember, sayang ang kikitain natin." Ani Sheena.
"Sabagay, korek ka di'yan Sheena," sagot ko habang nagpapalit kami ng Damit sa Locker Area.
Habang naglalakad kami ni Sheena pauwi. Gulat na gulat kaming napatingin sa boses na tumawag sa'kin mula sa madilim na parte ng kalsada. "Sandy," sigaw nito.
Kaya naman upang maaninag namin ni Sheena kung sino iyon ay lumapit kami sa kinaroroonan nito na tila nakasandal sa nakapark na kotse.
Dali-dali itong tumapat sa ilaw upang maaninag namin. "Hi Sandy," nakangiting bungad sa'kin.
"Cy-cyrus?" pangungumpirma ko dito. At pagkuwa'y mabilis ako nitong niyakap.
Nang silipin ko si Sheena ay nakangiti lamang ito na pinagmamasdan kami ni Cyrus.
"Sandy, pasensiya na kung hindi man lang ako nakapunta sa libing at burol ni Tito Ferdie," ani Cyrus matapos niya akong yakapin.
"Sus! okay lang 'yun Cyrus, naintindihan ko naman." Sagot ko rito.
"By the way, doon ka parin ba nakatira sa Step-mom mo?" tanong muli nito.
"Hindi na, doon na ako tumutuloy sa apartment ni Sheena." sagot ko.
"Good! mabuti pa ihahatid ko na kayo ni Sheena sa Apartment." Suhestiyon nito at pagkuwa'y binati si Sheena.
"Kamusta Sheena, thank you at parati ka parin nakaalalay kay Sandy," ani Cyrus.
"Sus! wala 'yun! ano pa at magkaibigan kami, lalo ka atang gumagwapo ah, mukhang hiyang ka sa U.S huh? kailan ka pa umuwi dito?" sunod-sunod na tanong ni Sheena.
"Actually, kakauwi ko lang kanina. Kaya naman naisipan ko muna na dumaan sa Bar para magrelax." Ani Cyrus.
Matapos ang paguusap namin ay inihatid na niya kami sa Apartment. At pagkuwa'y iniabot ni Cyrus ang mga pasalubong na mga dala nito galing sa States.
"Ang dami naman nito Cyrus, talaga ba na para sa'min lang 'to ni Sandy?" ani Sheena habang iniinspeksiyon ang mga supot at paper bag.
"Syempre naman! pero 'yung malaking paper bag kay Sandy lang 'yon" ani Cyrus habang itinuturo ng nguso ang tinutukoy nito.
"Oo na sige na! alam ko naman na hanggang ngayon hindi mo parin nakakalimutan si Sandy, kaya mas special palagi ang ibinibigay mo sa kanya." Ani Sheena na tila may pagtatampo.
Kaya naman iiling-iling lang akong nakangiti sa mga ito. Matagal na din kasi namin naging kaibigan ni Sheena si Cyrus simula noong highschool pa lang kami ay kaming tatlo na ang palaging magkakasama.
Hanggang sa nahiwalay sa'min si Cyrus dahil sa kinakailangan nitong magaral sa amerika dahil doon na napiling manirahan ng mga magulang nito. Hanggang sa nakagraduate na ito ng kolehiyo doon ay patuloy parin ang pagbisita at pangangamusta nito sa amin ni Sheena.
Kinaumagahan nagmamadali akong naligo at kumain dahil may duty ako sa Convenience Store. "Uy! Sandy, huwag mo kalimutan ang duty natin sa Bar ah! baka naman makalimot ka?" ani Sheena.
"Opo! makaklimutan ko ba naman 'yon, laki kaya ng sahod natin. At saka hanggang 2 pm lang ako duduty sa Store." Sagot ko kay Sheena.
"Okay, sige ingat Friend, more money to come!" sigaw ni Sheena habang papalabas ako ng Apartment.
Habang nagaabang ako ng sasakyan bigla ay may humintong itim na kotse sa tapat ko at pagkuwa'y bumusina.
Nagtataka akong pilit inaaninag kung sino ang nakasakay doon. Maya-maya pa ay bumukas ang bintana ng sasakya nito at tumambad sa'kin ang nakangiting si Williard.
"Sandy, hatid na kita!" ani to. Kaya naman muli ay bumilis ang t***k ng dibdib ko. Lalo na ng makita ko na naman ang napaka gwapo nitong mukha.
"Ah-eh, huwag na Williard, magcocomute na lang ako tutal malapit lang naman dito 'yung Store na pinapasukan ko." Paliwanag ko dito.
"No! I insist, sumakay ka na baka malate ka pa sa work mo. Come on Sandy!" pag-pupumilit nito. Kaya kahit tila naiilang ako ay napilitan na rin akong sumakay at magpahatid sa kanya.
"Kamusta ka na pala? I know it's kinda hard for you to face na wala na ang Papa mo. But I wan't you to know, nandito lang ako kapag may kailangan ka. Don't hesitate to call or text me." Ani Williard.
"Naku! ikaw talaga, hindi pa nga ako nakakabayad ng utang ko. At saka baka naiistorbo na kita." Naiilang kong sagot.
"Ofcourse not! hindi naman ako naniningil. Basta if you need anything, I'am just here." Muli ay sagot nito at pagkuwa'y pinamulahan na naman ako ng mukha ng sabihin niya 'yun.
Nang marating namin ang Store na pinapasukan ko ay agad akong nagpaalam sa kanya. Ngunit tangkang bababa na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Kaya naman muli ay tila may kabayong naguunahan sa aking dibdib sa bilis ng t***k nito at pagkuwa'y napalunok ako sa tindi ng kabang nadarama ko.
Damang dama ko ang mainit at malambot niyang palad habang hawak niya ang kaliwang kamay ko. "Wi-wiliard, ba-baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko." Ninenerbyos kong wika dito.
Kaya ng makakuha ako ng lakas ay agad kong binawi ang kamay ko at pagkuwa'y lumabas na ako ng sasakyan niya. "Sandy, wait!" bigla ay sigaw nito.
Dahilan upang bumaling ako ng tingin sa kanya at napahinto ako sa paglalakad. Bumaba ito sa kanyang sasakyan at hinawakan ako sa aking braso.
"Sandy, I know it's weird. Ahm, can I pick you up later?" bigla ay tanong niya sa'kin na siyang ikinagulat ko.
Hindi ko tuloy alam kung paano at ano ang aking sasabihin. Dahil tila buo kong katawan ay biglang natuod sa sinabi niya. Kaya naman tulala lamang akong nakatitig sa mukha niya.
Ilan segundo din akong nasa ganoong senaryo at pagkuwa'y hinawakan niya muli ang kamay ko. Sa pagkakagulat ko muli ay huminga muna ako ng malalim upang makasagot ng maayos.
"Si-sigurado ka ba? l-i mean susunduin mo ako mamaya? pa-para saan?" nagtataka kong tanong.
"Yes! I am definitely sure, because I want to getting to know you more. If it's okay?" seryoso nitong tanong.
"Sandy, finally! makikilala mo na siya ng lubos pumayag ka na! diba ito ang gusto mo at matagal mo ng pinapangarap. Huwag mo ng pakawalan, pumayag ka na." Bulong ng aking sarili.
Kaya naman walang pagdadalawang isip ay agad akong pumayag at tumango sa kanya. "Okay then, see you later." Wika nito at pagkuwa'y nagpaalam na at sumakay na sa kotse.
Habang ako ay naiwang tulala at tila wala sa sarili.