Noong araw na iyon hindi parin ako makapaniwala na wala na si Papa. Ayaw parin tangapin ng aking isip na wala na ang kaisa-isang taong nagaaruga sa'kin.
Walang tigil sa pagpatak ang aking luha pati ang paghihinagpis ng aking puso ay wala din patid. "Friend, puntahan na natin si Tito Ferdie, sa morgue bago pa siya dalhin sa funeral" ani Sheena habang hinahagod nito ang aking likuran.
Kaya naman kahit nanghihina parin ako ay pinilit kong makatayo at maglakad ng maayos. "Nga pala Sandy, sabi ng lalaking kasama mo kanina tatawagan ka daw niya kapag naayos na niya lahat ng kakailanganin ni Tito Ferdie sa burol." ani Sheena muli.
Tanging pagtango lamang ang naisagot ko sa kaibigan ko at pagkuwa'y pumunta na kami sa morgue na kinaroroonan ng aking Papa.
Lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib ng makita ko na nakabalot ng puting kumot ang katawan ng aking Papa. Kaya naman unti-unti ay ibinaba ko ang kumot na nakatakip sa mukha nito at tumambad sa akin ang mahirap na dinanas nito mula sa operasyon.
Bigla ay nanginig ang buo kong katawan hanggang sa napahawak ako sa malamig na katawan ng aking Papa. Nang mga oras na 'yon walang patid sa pagbuhos ang aking luha at hindi parin matangap ng aking isip na wala ng buhay ang katawan nito.
Habang si Sheena ay patuloy lamang sa paghagod ng likod ko at pag-alalay sa'kin.
"Pa, gumising ka na di'yan please! huwag mo naman akong iwan mag-isa. Iniwan na nga tayo ni Mama, pati ba naman ikaw iiwan mo na rin ako." Humahagulgol kong wika.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakayakap sa malamig na katawan ng aking Ama habang walang tigil sa buhos ang aking mga luha. Hanggang sa bumukas ang pintuan ng Morgue at inuluwa noon ang dalawang Staff ng funerarya na kukuha sa labi ng aking Papa.
"Sa-sandy, friend, kukuhain na daw nila ang katawan ni Tito Ferdie, para maimbalsamo na." Ani Sheena habang tinatangal ang pagkakayakap ko sa katawan ng aking Papa.
Subalit hindi pa ako handang bitawan at ipaubaya ang labi nito. Kaya naman mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa katawan ni Papa.
Maya-maya pa ay pinilit ng kuhain ng dalawang Staff ng funerarya ang katawan ni Papa. Habang ako ay patuloy lamang na nakayakap sa malamig na katawan nito.
"Sandy, Friend, pakawalan mo na si Tito, para maiayos na ang katawan niya. Sige na Sandy," pakiusap ni Sheena sa akin.
Unti-unti ay niluwagan ko na ang pagkakayakap kay Papa. At pagkuwa'y mabilis itong kinuha at inilipat ng dalawang Staff sa Stretcher.
Habang nasa biyahe kami ng kaibigan kong si Sheena. Tulala lamang akong nakatitig sa kawalan at patuloy na umiiyak.
Maya-maya pa ay narating na namin ang bahay ng aking madrasta. Muli ay tumambad na naman sa'kin ang nakasimangot nitong mukha.
"Hoy! Sandy, alam mo na siguro ang gagawin mo ngayong wala na ang Papa Ferdie mo. Inilabas ko na ang mga gamit mo para naman hindi ka na mahirapan pa mag-impake." Nakapameywang nitong singhal sa akin.
"Pe-pero Tita Fe, wala po akong mapupuntahan pa sa ngayon." Paliwanag ko dito.
"Wala na akong pakielam pa sa'yo Sandy, hindi ko na problema pa 'yon kung saan ka pupunta o makikitira. Mula sa araw na ito wala na tayong koneksiyon sa isa't -isa." ani to.
Kaya naman tila lalo akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng marinig ang mga sinabi ng aking madrasta. Isa-isa kong kinuha ang mga gamit sa loob ng bahay nito at pagkuwa'y inilabas ko na.
Maya-maya pa ay siya namang dating muli ni Sheena galing sa kanilang bahay at nagtataka itong nakatingin sa akin habang papalapit.
"Friend, anong ibig sabihin nito? bakit nakalabas ang mga gamit mo? don't tell me pinapaalis ka agad ng maldita mong madrasta?" galit na tanong ni Sheena sa akin habang tumatango lamang ako sa kanya.
"Hindi bale Sandy, doon ka muna tumuloy sa apartment ko. Hayaan na natin 'yang madrasta mong bakulaw, at walang puso,at kaluluwa!" galit na sigaw ni Sheena.
Tila naman ito narinig ng aking madrasta at agad itong sumugod sa labas na kinaroroonan namin. "Hoy! Maldita kang babae ka, ano ang naririnig kong pinagsasabi mo di'yan sa'kin aber?" taas kilay nitong paninita kay Sheena.
"Well, kung ano man ho, ang narinig ninyo tama ho iyon." Ani Sheena na may paghahamon.
"Aba, ikaw talagang maldita ka! talagang sinusubukan mo ako huh?" galit na paghahamon naman ng aking madrasta.
Kaya naman tumayo na ako at pinigilan si Sheena sa gagawin nitong pagsugod kay Tita fe.
"Sheena, tama na, hayaan na lang natin siya. " Pakiusap ko dito. Dali-dali ay kinuha namin ang mga gamit ko at pagkuwa'y nilisan na namin ang bahay ng aking madrasta.
Kaya naman wala itong tigil sa kadakdak sa'min ng lisanin namin ang bahay nito.
Magkahalong pagod,puyat,antok at pagdadalamhati ang biglang naramdaman ko ng marating namin ang apartment ni Sheena.
"Sandy, magpahinga ka muna di'yan. Magluluto muna ako ng tanghalian natin." Suhestiyon ni Sheena.
Mabigat kong naibagsak ang pagod kong katawan sa kama ni Sheena at pagkuwa'y unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Subalit hindi pa man ako nakakaidlip ng biglang tumunog ang aking telepono.
Ng sipatin ko ito ay rumehistro agad ang numero ni Williard. Kaya naman kahit na pagod ang aking katawang lupa ay pinilit ko parin siyang kausapin.
"He-hello,williard," matamlay kong sagot sa kabilang linya.
"Sandy, Nasa funeral home na ang Papa mo, pumunta ka nalang doon kapag nakapagpahinga ka na." Ani Williard.
"Maraming salamat talaga Williard, pasensiya ka na sa abala huh, hayaan mo kapag naging okay din ang lahat mababayaran ko din lahat ng ginastos at naitulong mo sa'kin." Malungkot ko muling sagot.
"Don't mind that Sandy, as I said earlier, hindi naman kita sinisingil. I'am here to help you as my friend," ani Williard.
"Basta, maraming salamat talaga. Hindi ko ineexpect na sa ganitong sitwasyon pa tayo magkakakilala ng mabuti. Salamat talaga Williard," muli kong pasasalamat dito.
"Okay, enough to thank me, much better if you take a rest now. Para mamaya may lakas ka sa pagaasikaso sa Wake ng Papa mo okay, I'll go ahead na." Ani Williard muli at pagkuwa'y ibinaba na nito ang telepono.
Matapos ang ilang oras na pagtulog ko ay pasado alas tres na ng hapon ng magising ako. Dali-dali ay bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Agad naman akong nakita ni Sheena. "Naku! gising ka na pala Friend, hindi na kita ginising kaninang lunch para kumain. Kaya mabuti pa kumain ka na muna." Ani Sheena.
"Thank you Sheena," wika ko sabay yakap sa kanya.
"Sus, wala 'yon Sandy, ano pa at magkaibigan tayo kung hindi tayo magtutulungan. Mabuti pa kumain ka na para puntahan natin ang burol ni Tito Ferdie," ani Sheena sabay tapik sa balikat ko.
Matapos kong kumain at maligo ay agad ko ng niyaya si Sheena sa Funeral home kung saan nakaburol ang aking Papa.
Muli ay nanginig na naman ang aking buong katawan ng makita ko ang ataul na pinagsisidlan ng katawan ni Papa. Dahan-dahan ay lumapit ako at sinilip ang kaawa-awang lagay nito. Kaya muli ay pumatak na naman ang luha sa aking mga mata.
Hindi nagtagal at pinalis ko ang mga luha sa aking mukha. "Hayaan mo Pa, kahit nagiisa na lang ako ngayon. Magiging matatag ako para sa'yo. Pipilitin kong tapusin ang pagaaral ko para sa'yo. Kahit wala ka na magiging maayos ako." Bulong ko sa mga labi ni Papa.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga katrabaho ni Papa sa Construction site. At isa-isa nagbigay ang mga ito ng abuloy.
Kaya naman panay ang pasasalamat ko sa mga ito. Minsan pa ay narinig ko din ang mga itong nagbubulungan tungkol sa nangyaring aksidente kay Papa.
Gustuhin ko man alamin ang nangyaring aksidente subalit pinalagpas ko muna iyon. Dahil masyadong litong-lito at pagod na pagod ang aking isip.
Lumipas pa ang mga araw habang nakaburol parin ang aking ama ay tuliro parin ako. Lalo na sa pagaaasikaso ng mga naiwan kong trabaho at na-mis kong subjects sa School.
Mabuti na lamang at nariyan ang kaibigan kong si Sheena at Jake na tumulong sa pagrereport ko sa trabaho at school. Nagpapasalamat parin ako at mayroon parin mga taong nariyan para damayan ako.
"Sandy! Sandy!" bigla ay tawag ni Sheena sa'kin habang inaasikaso ko ang mga dumadalaw kay Papa. Kaya naman gulat na gulat akong napatingin dito.
"Friend, nandito ang bruha mong madrasta!" hinihingal na wika ni Sheena.
Nang marinig ko ang sinabi ni Sheena ay bigla akong nakadama ng galit sa kanya. Ngunit ng makita ko itong pumasok at sinilip ang labi ni Papa ay tahimik lamang akong nakamasid sa kanya.
"Friend, ano at naisipan niyang pumunta dito? at may gana pa siyang magpakita dito. Samantalang wala siyang ginawa noong nasa kritikal si Tito," naiinis na wika ni Sheena.
"Hayaan na natin siya Sheena, hindi ko naman ipagkakait sa kanya na makita si Papa. " Sagot ko.
"Hay naku! ang bait mo talaga Sandy, pero kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi siya makakatuntong o makakasayad kahit kuko niya dito." Muli ay galit na wika ni Sheena.
Sa halip na pagmasdan ko pa ang ginagawang pagdadalamhati ng aking madrasta. Minabuti ko na lamang na asikasuhin ang ibang bisita at alukin ng makakain.
Maya-maya pa ay siya naman dating ni Jake at tinulungan akong magasikaso ng mga pinamili niyang kutkutin ng bisita.
"Sandy, okay ka lang? pagod ka na ba? magpahinga ka kaya muna." Ani Jake
"Hindi, okay lang ako Jake, kailangan kong maging matatag. Ka-kahit na wala na si Papa" sagot ko habang may mumunting luha ang pumatak sa aking pisngi.
Kaya naman bigla akong niyakap ni Jake at pagkuwa'y hinagod ako sa likuran. Nasa ganoon kaming senaryo ng bigla naman dating ni Williard at tumikhim ito.
Gulat na gulat naman kaming sabay na napatingin ni Jake sa kanya. "I-ikaw pala 'yan Williard," wika ko habang pinapahid ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.
"Ah, I'm here, to check you. And brought some stuff." Ani Williard habang ibinababa ang mga bitbit nito.
"By the way, can I talk to you privately? tanong nito.
Kaya naman pinakiusapan ko muna si Jake na lumabas muna at siya na muna ang magasikaso sa mga dumadating na nakikiramay.
"A-ano pala ang paguusapan natin?" agad kong tanong sa kanya.
"I heard na pinaalis ka daw ng Step-Mom mo, Kaya naman gusto ko sana i-ofer sa'yo ang bakanteng bahay namin malapit lang dito." Paliwanag ni Williard.
"Naku! huwag na Williard, sobra-sobra na nga itong naitulong mo sa'kin. Pasensiya na pero, hindi ko matatangap ang inaalok mo. At saka may matitirahan na ako." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Okay, basta kung magbabago ang isip mo just text or call me. Palagi kang welcome na tumira doon." Ani Williard habang titig na titig na naman ito sa akin.
Kaya naman kahit na nagdadalamhati ang puso ko ay nagkaroon parin ito ng pagkakataong sumigla kahit papaano.