Chapter 6

1016 Words
LABIS na naapektuhan ang pag aaral ko sa mga sumunod na mga taon dala ng pinagdaanan ko, lagi nalang akong tuliro sa loob ng aming klase, na ang dating Rosa na laging masayahin ay biglang nanamlay at walang ganang gumawa ng kanyang mga homework at projects. Hanggang sa bumagsak ang aking mga grades, iyong average kong 95 dati naging 75. Nagtataka na ang mga guro ko lalo na iyong guro ko noong grade six pa ako. Magkalapit lang kasi ang high school at elementary at iisa lang din tinutulungan ang mga teacher kaya may pagkakataon na mapag usapan nila ang kanilang mga estudyante. Tuwing tanghali nakaupo lang ako sa isang sulok ng aming classroom habang ang mga kaklase ko ay masayang nag uusap at ang iba naglalaro ng patintero,at may naglalaro din ng chinese garter. Hindi ko alam kong sino ang kausapin ko dahil nawala na akong tiwala sa paligid ko, natakot ako na baka husgahan nila ako at lalong pang kutyain. Nandyan iyong gusto kong umiyak pero wala ng luha ang lumabas sa aking mga mata, napaisip ako at minsan tinatanong ko ang panginoon kong bakit nangyayari ito sa akin, at kong bakit ako pa? "Marami akong mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot, "bakit nabuhay pa ako"? Sinisi ko na rin ang mga magulang ko, na kong pwede lang mamili ng magulang hindi ko sila pipilin dahil hindi nila kami kaya bigyan ng magandang buhay. Dahil pinabayaan nila kami lalo na ako, alam kong mali pero ito ang nakaukit sa puso ko, naging mabait naman akong anak, masurin sa mga magulang pero bakit ganun pa rin ang nangyari sa akin na ang mga taong pinagkatiwalaan ko ay pilit nila akong ilinubog sa putikan. Gaano ba ako ka baba sa paningin nila? Mga tanong ng musmus kong isipan, porket ba wala akong maayos na damit, wala akong pera ganin na ka unfair ang mundo sa mga mahihirap? Hanggang sa isang araw ang dumating na ang akala ko ay isang magandang oportunidad. Pinuntahan ako ng bayaw ng ex boyfriend ko dahil iyong anak niya ay naging kaklase ko. "Rosa, gusto mo mag working student?" "Saan po ate?" tanong ko sa kanya na may kislap ng mata "Sa Talisay, dun malapit sa pinapasok ni Mai". " Ikaw ang papalit sa anak ko dahil pauwiin ko siya dito sa atin, 'di ko kaya malayo sa kanya,' di ako makatulog sa gabi". May umusbong na kirot sa puso at naiinggit ako sa kaklase ko. "Sige po ate, magpapaalam po ako kina tatay at nanay. Pumayag naman ang mga magulang ko sa kadahilanan na hindi na nila kaya suportahan ang aking pag aaral, dahil para sa kanila gastos lang ako. Mas mahal ni tatay ang kanyang bisyo kaysa kinabukasan ko. Sa paglisan ko sa aming probinsya umaasa ako na mababago ang takbo ng kapalaran ko, makalimutan ko ang masalimuot kong nakaraan at balang araw isampal ko sa mga tao, nang aapi sa akin. Pero mas lalo lang pala akong hamakin pagdating ko sa aking pinupuntahan. Dahil ang tingin nila sa akin na isa akong langgam na kaya nilang apak apakan. Sa una kong amo maayos ang pagtanggap nila sa akin, pero kinalaunan nag bago din ang ugali nila, isang araw bigla na lang nagalit dahil sa konting pagkakamali ko. At masaklap pa pinalayas nila ako, para akong basang sisiw na umiiyak nag hahanap ng masisilongan. Nakaupo lang ako sa isang gutter hindi ko alam kong saan ako pupunta dahil sa mga sandaling iyon wala akong ka pera pera dahil bilang isang working student, nag aaral ako sa gabi at nag tatrabaho buon maghapon. Papakainin nila ako at pag aaralin kapalit ng pag trabaho ko sa kanila at bibigyan lang ako ng allowance na 15 pesos. Sa kinse pisos ko na allowance may 7 pisos pa akong natira, at iniipon ko para ipapadala sa amin. HALOS mawalan na ako nag pag asa sa mga sandaling iyon, dahil medyo malalim na ang gabi at sumasabay pa ang sama ng panahon, dun ko naisipan si Mai na tawagan kahit alas dyes na ng gabi nilonok ko ang hiya pati pride dahil wala akong ibnag ma tatakbuha na iba pa. Si Mai ay kaklase ko siya mula elementarya at naging kaibigan nagka hiwalay langbkami ng landas nong nag trabaho at kinalaunan inalok din siya na pag aralin. Hindi naman ako na bigo dahil pinuntahan niya ako at sa tuwa ko ay talagang napapaiyak ako. "Kumain ka na, day" "Huwag kana umiyak, ang liit ng problema mo".pang aalo niya sa akin. "Bukas mag hahanap tayo ng bago mong amo". Tatanungin natin si ate Riza, kong may kakilala ba siya nag hahanap ng working student". Tatlong araw ako nanatili sa pinag ta-trabhuan ni Mai at tumutulong din ako sa kanya at tuwing hapon aalis siya dahil may klase pa siya. At kinausap ko siya na kong pwede sa kanila na lang mamasukan pero jindi pumayag ang amo niya dahil hindi daw niya kaya mag papaaral ng dalawa kahit pa wala naman sahod. "Doon ka nalang sa kasamahan naming teacher, nag hahanap din iyon ng kasambahay". Inporma sa akin ni Maam Riza. "Sige ma'am, maraming salamat sa pag patuloy mo sa akin dito. " Mag papakabait ka dun". Bilin ni ma'am Riza sa akin. PAMILYA CANADA Dun ako napunta masaya ako dahil nakapag aral na ako ulit dahil nka absent ako ng ilang araw. Sa unag linggo mabait pa sila sa akin. SI MRS Canada ay isang guro din at habang si Mr Canada ay isang ofw. May tatlo silang anak isang babae at dalawang lalaki, iyong panganay nila ang sama ng ugali tuwing mag bibigay ng allowance ang mommy niya sa akin kinukupitan niya ako lagi o tamang salita ay ninanakaw niya dahil ang katwiran niya ay pera naman ng mommy niya yon. Habang tumatagal ako sa kanila nag iba na din ang ugali ni Gng. Canada, lagi niya ako inaakusahan na malandi ako dahil lang umano nakita ako ng kapit bahay nila na kausap ko ang naghahakot ng basura. Hindi ako aware na pati pala sa syudad maraming chesmosa, nakakasama din ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD