Chapter 5

1440 Words
PAGKATAPOS ng graduation ko sa elementary, nagbakasyon ako sa bahay ng lola ko. Tumira ako ng dalawang linggo dun masyado akong nalibang kasama ko kasi ang isang pinsan ko nakaidad ko lang. Pareho rin kami ng ginagawa nag papastol ng mga alagang baka sa bukid, ang pagkakaiba lang ako kahit late na pumasok sa paaralan naging pursigido ako, siya pursigido naman pero iba parin ang iyong sapilitan siyang lumiban dahil wala nga mag alaga ng mga hayop kasi laging masama ang pakiramdam ng kanyang ina. Hindi ko alam kong masama ba talaga pakiramdam ng tita ko o inatake ng katamaran. Sila din iyong tiyahin ko na umampon ng kapatid naming panganay. Mula kasing umalis na ang aking kapatid sa poder nila, iyong pinsan ko ang naatasan sa gawaing bahay at sa iba pa. "Maaamaa!!!!!!, patigilin mo ang baka baba ako"! Sigaw ko sa kanya sumakay kasi sa likod ng baka habang pinapatakbo niya, "Ang hina mo namang kumilos", natatawang sagot niya. "Hindi ka katulad ni Jovy na ang liksi gumalaw", ganon sila lagi kinukompara nila kami sa iba pa naming pinsan. Buong buhay namin laging kinukompara sa mas nakakaangat, kapag nakita nila na dehado sila pa mismo ang mag down sa sarili nilang kadugo. Ang grand mother ko ay isang bulag ang kasama niya ang dalawa kong tiyahin na matandang dalaga iyong isa nabuntis na hindi niya alam dahil pumunta daw ng pagamutan at pinainom ng pampatolog. Marami silang mga pamangkin na inaalgaan, pero kapag lumaki na ay kusang umuuwi sa tunay na magulang o 'di kaya ay kinukuha ng magulang dahil pwede na nila itong mautusan. Pero iyong kapatid ko na panganay namin kusa siyang umuuwi sa amin dahil ayaw na siya paaralin ng mga toyahin namin dahil ang katwiran nila ang kalabaw nga nabubuhay na walang pinagaralan, ganun sila kakitid mag isip pero ganun pa man hindi nawawala ang respito namin dahil yan ang turo ng aming mga magulang. Lagi kaming binubusog sa mga pangaral, at lagi kami tinuruan mag dasal araw araw at tuwing kada alas sais ng gabi lagi kaming nag nonovina. Pero kahit gaano pala ka reliheyoso ng isang tao talagng susubukan ka ng iyong panampalataya dahil araw araw din sila nag aaway, iyong tiyahin kong isa madilta din kasi, ayaw mag patalo kaya nauuwi sila sa sabunutan at habulan ng itak. "May nobyo kana ba Rosa?" tanong ni tita Grace "Mayroon tita", proud kong sagot sa kanya. "Sino?" sabad ng isa ko pang tita na si Lina. "Daniel po ang pangalan niya, tita" Na shock silang dalawa, kasi hindi sila makapaniwala na ang ang syota ko ay dakila pa lang babaero. Ako naman na tanga at nabulag sa pag mamahal ayaw maniwala. Girlfriend pala niya ang ang pinsan ng isang pinsan ko sa mother side sa probinsya kasi kahit malayong lugar kakilala nila. Hanggang sa hindi ko inaasahan na ako ang mismong nakikita sa kanilang dalawa naglalampungan. Sobrang sakit dahil iyong lalaking kasama ng aking mga pangarap ay may kaulayaw na ng iba at kilala ko pa. At ang masaklap pa iyong kuya niya fiancee pa ng isa ko pang pinsan, talaga namang hindi ko sila basta basta maiwasan dahil sa tuwing may mga reunion makikita ko sila. Pero ganun pa man dinikap kong kalimutan pero sadyang baliw ang puso laging ko sila nakikita sa imahinadyon ko kahit saan ako tumingin. Natapos ang bakasyon ko, umuwi na ako sa amin at nag patuloy sa akingga ginagawa para sa preparation ko sa aking susunod na pag aaral sa high school. As usual ganun pa din ang routine ko nag gagapas ng damo sa iba, para makaipon pambili ng school supply. Pero isang araw galing ako sa aming bukid nag kakaingin, pauwi na ako sa aming kubo dinaanan ko lang aming baka para painumin ng tubig at masilungan nasanay na kasi ako na tuwing alas 10 ng umaga, dahil tulad natin nauuhaw din ang ang mga hayop at napapagod. Dumaan ako sa isang liblib na lugar pero alam kong sa pakiramdam ko na safe ako dahil ang lugar na ito ay dati ko na itong ginawang labahan pero sa pagkakataong ito binenta ng may ari sa isang mayaman at ginawa nilang spring resort dahil sa nakakaakit ng ganda, maraming matayog at malaking puno at siyang naging rason bakit malamig sa ilalim at masarap naman talaga maging pahingahan. "Ayyyy!!!.. Kabayo!" gulat kong sambit "Ano ba Nong Jun, bitawan mo nga ako"! Sabay piksi ko. "Bulaga!" sabay nakaloko niyang ngisi. "Bitawan mo nga ako, sabi!" "Mamaya ka na umuwi, samahan mo ako dito". "Bakit naman kita sasamahan?" tanong ko sa kanya Sa sandaling iyon bigla nalang fumilim ang langit at unti unti pumatak ang ulan. "Bitaw!...Uuwi na ako baka bigla lumakas ang ulan at hindi ako makadaan sa sapa dahil malakas ang agos ng baha"! "Tumahimik ka!" sabay tutok niya sa akin ng 45 sa aking ulo. Sa gulat ko, hindi ako makagalaw "Nong,h'wag ka naman man mag bibiro baka bigla iyan pumutok". "U-uw na ako kasi nagugutom na ang ako hinintay na ako ng nanay". Hindi inaasahan ni Rosa nauulit naman ang nangyayari sa sa kanya two years ago, ang kaibahan lang ibang tao naman ang lumapastangan sa kanya. "Ateeeeeee!!!!!!, tulong sigaw ni Rosa habang umiiyak" "Isumbong kita sa ate ko", "Sige, magsumbong ka! Papatayin ko iyang nanay mo at ang tatay mo!" "Parang awa mo na Nong Jun". "Bakit mo ba ginagawa mo sa akin ehh kamag-anak ko naman kayo?" "Hindi ko kayo kamag anak, iyong asawa ko lang. " Ganun na rin iyon". Habang umiiyak pa rin ni Rosa "Hindi ka ba kinikilabutan sa iyong ginagawa?" "Isipin mo, mayroon kang tatlong anak na babae, paano kong sa kanila gagawin ang ginawa mo sa akin?" patuloy parin umaagos ang mga luha ko sa pisngi ko "Papatayin ko rin sila, kapag linapastangan nila ang aking mga anak"! "Yun naman pala ehh, bakit mo ginawa sa akin?" "Sige, pakawalan kita pero bibilang ako ng sampo dapat nakaalis kana", "pero kapag hindi kapa kapag nakita pa kita babarilin kita hanggang sa mamatay ka. " Isa…. DaDalawa…. Nandyan na ako Roh Ssssaaaa" sabay habol niya sa akin. Habang tumatakbo ako sabay nanalangin "Lord, huwag mo hayaan na mapahamak ako, gusto ko pang mabuhay dahil gusto ko pang tumutulong sa aking pamilya. Wala silang ibang inaasahan, ako lang dahil mga kapatid ko wala dito. " Rosa nandyan na ako"sabi ni Nong Jun sa nakakaloko na boses Dahil sa takot ni Rosa ay tinalon niya ang lawa ng limang metro ang lalim at sa gilid ng lawa may maliit na kweba at dun siya nag tago at isiknik niya ang sarili sa ugat ng kahoy. NAGDAAN ANG MGA ARAW na para bang walang nangyari, at hindi rin alam ng mga magulang at mga kapatid ni Rosa. May mga araw na nag iisa ako at nag muni muni "Ang malas ko naman bakit sa akin pa nangyayari ang lahat ng ito parang walang nag mamahal sa akin dahil lahat ng mga taong mahalaga sa akin iniwan ako o 'di kaya sinasaktan ako".Kausap ko ang sarili ko habang nakatanaw sa papalubog ng araw. "Sana hindi nalang ako nabuhay kong ganito lang pala kalupit sa akin ang tadhana" sabay tulo ng luha ko. "Masarap siguro maging isang ibon kong saan sila nakakarating, habang tanaw ko dagat ng Tolido at ang bulkang Kanlaon. Mataas kasi ang burol kong saan ako nakaupo at kitang kita ang bulkang Kanlaon at napakaganda nitong pag masdan, lalo na tuwing papalubog ang araw sumabay pa ang dagat na makikita sa isla ng Sipaway. At nakikita ko rin ang mga Lite Ferry habang naglalayag ito galing Tolido papuntang San Carlos. At ang mga ilaw sa syudad ay parang alitaptap. Nasasabi ko nalang sa aking sarili na sana balang araw makaalis ako sa lugar na ito at mapuntahan ko ang mga lugar naabot ng aking mga mata. At sana makaalis ako sa lugar na ito na puro pasakit at bangungot, dito sa lugar na ito natuto akong nag mahal, ngunit nabigo, dito sa lugar na ito ang ganda ng mga tanawin ang preskong hangin pero nakakalungkot dahil marami akong dinadanas na truma na kahit kailan ay hindi mawawala sa isipan ko, natuto akong mangarap para sa pamilya ko pero pilit akong hinihila pababa. Pero hindi susuko at ipinagpatuloy ko pa rin nag baka-sakali na makikita nila ang aking ginagawa ngunit kahit gaano pa ako kasigasig sa aking mga ginagawa puro mali ang nakikita nila sa akin. Na kung tutuusin ay isa lang akong teenager na pilit maging normal ang buhay. Sa daming truma na aking naranasan na kahit minsan hindi ako kinumusta ng aking pamilya dahil sa tingin nila ay maayos lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD