Chapter 4

2024 Words
LUMIPAS ang mga araw na hindi ko alam paano ko lalabanan ang matinding truma dahil sa ginawa ng hayop naming kapit bahay,nag iba na ang paningin ko sa kanya mula sa isang mabait naging isang demonyo na siya kahit iyong pamangkin nya na naging matalik kong kaibigan hindi ko kinibo dahil lingid sa aking kaalaman ginagawa din niya akong pulutan sa iba pa naming mga kababata at naging kaklase ko pa. Tuluyan ko na pinutol ang aming kumunikasyon para makaiwas na din ako at para makalimutan ko ang matinding takot sa aking dibdib. Sa paningin ng mga tao sa aking paligid ay normal lang ako nakipag laro minsan, pero sa tuwing ako ay natutulog sa gabi dinadalaw ako ng bangungot na pilit kong kinalimutan at nag baka-sakaling pagdating ng araw ay maayos pa ang takbo ng aking kapalaran. Nagsumikap ako sa aking pag-aaral at ito ay nagbunga naman, naging isa ako sa mga top five sa aming klase kahit sa kabila ng hirap na aking pinagdaanan kahit lagi akong huli sa mga bayarin sa school namin ganun pa man sa mga projects, pero sinikap ko din na hindi ako mahuhuli sa pag pasa ng mga ito ahil kapag nahuli ako ng pass ng projects tiyak seventy five ang grades ko. Tuwing walang pasok nagtatabas ako ng damo sa iba pa naming kapitbahay para may pambili kami ng bigas,at gas dahil kapag wala kaming gas madilim ang aming munting kubo tuwing gabi at hindi ako makapag aral lamparilya kasi ang gamit namin . Kapag alam ng tatay ko na may pera ako hihingi siya sa akin para pang pusta niya sa sabong dahil takot ako, binigay ko sa kanya minsan nanalo pero madalas talo. Tapos wala man lang kibo ang aming ina nakaupo lang siya buong maghapon dahil nga patay na ang kalahating katawan nya. At kapag pinapalo ako ay nanonood lang lang siya, at siguro kapag hindi na siya makatiis saka pa lang mag sisigaw. May mga pagkakataon pa nga na inambahan niya ako ng itak , tatagain daw niya ako. Hindi ko lubos maisip na may mga ama pala na kaya nila manakit ng sariling dugo't laman. Minsan naiinggit ako sa iba bata at mga kalaro ko dahil protektado ang kanilang mga anak,hindi sila gusto na may manakit ng ibang tao, hindi tulad ng ama ko siya pa mismo ang magsabi na papayag siya kapag paluin ako ng iba. Okay lang sa kanya na pagsasalita kami ng masama sa iba para daw matuto kami sa aming pag kakamali. Naiinggit ako sa mga bata kasama ang kanilang ina tuwing may okasyon sa aming paaralan, sila mismo mag asikaso sa kanilang mga anak, dahil ni minsan hindi pumunta ang nanay ko sa aming paaralan kasi para sa kanya isa lang itong abala, walang katuturan. Kasi ang katwiran niya hindi naman ako mamatay kapag hindi siya pupunta. Kaya ang ginawa ko tuwing may okasyon hindi na ako mag sasabi sa kanila, May mga pagkakataon pa na nanay ng kaklase ko ang sumama sa akin umakyat ng stage para siya ang magsabit sa akin ng medalya.Hindi kagaya ng aming panganay na ate ko, na todo suporta sila at minsan ko na sila tinanong kong bakit iba ang turing nila sa amin ng dalawang nakakatandang kapatid ko, ito lang sagot nila. "Hayaan nyo na ang ate ninyo kong sumasali yan sa sa paligsahan sa paaralan dahil mataas na ang kanyang baitang", sabi ng nanay ko. "Porket ba mataas na ang kanyang baitang,ay may papaboran na kayo"? "Pareho nyo kaming mga anak pero bakit hindi pantay ang trato ninyo sa amin?" Samantalang ako at si Manang Flora ang katuwang ninyo sa bukid?" minsan mapapaisip na rin ako na baka ampon lang ako kasi magkaiba ang turing nila sa amin. NAKATAPOS ng high school ang ate ko, at namasukan siya bilang katulong sa isang pamilya na hindi naman gaanong mayaman sa sahod na seven hundred fifty pesos talagang sinusulit nila. Halos walang pahinga ang ate, nagkasakit dahil nag ka over fatigue na nga siya. Umaabot ng ilang taon ang pag kakatulong niya, at plano niya mag iipon ng pera gusto niya mag aral ng kolehiyo pero hindi ito nangyari dahil halos buwan buwan pinupuntahan ito ng aming ama para hingan ng pera. Tatlong buwan na sahod niya ang inaadvance niya para ibigay kay tatay pero wala pa dalawang buwan babalik ulit sang tatay para manghingi ng pera hanggang sa na puno na ang ate ko sa utang ng kanyang amo,nag patong patong na ito. Uuwi ito sa aming munting bahay galing sa kabihasnan, para magpahinga dahil nakakapagod umano mag trabaho na walang sahod na tinatanggap,buong maghapon lang ito nakaupo kahit sa pag saing hindi ito tumutulong bagay na hinayaan lang siya ng mga magulang namin. Isa napapansin ng aming mga kapitbahay na chesmosa.. "Bakit hindi nakapasok si Letty ng trabaho bilang factory worker Ka Inting?" "Diba high school graduate siya?" "Paano ba naman kasi makapsok si Letty ng factory worker, ehh ang hina hina nyang kumilos parang uod", sabi naman isa naming kapit bahay. Hanggang sa biglang nawawala ang ate, Isang taon hindi siya nagpapakita sa amin at wala na siyang binigay na pera sa tatay ko. At sa mga panahon iyon sinubukan na pala niya mag apply sa mga factory worker pero kasamaang palad hindi matangap tanggap. Sa edad na dalawampu't tatlong taong gulang hindi siya nakaranas magkaroon ng boyfriend, may nag tatangkang manligaw pero hindi niya ito pinapansin at tinatarayan lang niya. Mas nauna pa akong magkaroon ng boyfriend niya pero hindi sinasabi sa kanila dahil mahigpit ang mga magulang ko, natatakot ako na baka paluin naman ako ng tatay ko. Tatlong taon kong tinago sa kanila na nagkaroon ako ng boyfriend pero sa loob ng tatlong taong never akong makipag holding hands, mas okay na akin na makita ko siya Iyong tipong boyfriend ko lang siya sa tingin kasi kapag lalapitan niya ako bigla nalang ako magtatago, para akong pagong na kapag may tao bigla mawawa sa kanyang shelf. Pero tuwing may mga okasyon pinapadalhan ko siya ng mga love letters at cards. "Hanggang isang araw hindi na talaga ako nakaiwas sa kanya. "hinawakan niya ako sa aking mga kamay,sa mga sandaling iyong sobrang kaba ko, sa lamig ng panahon pinagpawisan ako ng malapot, hindi ko ma explain ang naramdaman ko. Haha "Iyong kinikilig ako kasi ang gwapo niya, ang tangos ng ilong, ang tangkad pa niya niya,isa siya sa mga basketball player sa aming barangay mahaba din ang pilik mata lahat ng hinahanap ng isang babae na katangian ay nasa kanya na, pero nenerbyos din sabay tingin sa paligid baka maraming nakatingin sa amin at isumbong naman ako sa tatay ko. Sakit din siya sa bangs dahil maraming babae naghahabol sa kanya. " Halika nga dito, mag usap tayo"sabay hila niya sa akin. "Kumusta kana?" bakit ayaw mo akong lapitan at kapag ako naman lumapit sayo bigla ka nalang mawawala"? "Anong grade mo na ngayon?" Na miss kita, gusto kitang yakapin". Ito ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig niya. "Mag-aaral ka ng mabuti ha", para pagdating ng panahon maganda ang kinabukasan mo". Bigla ko tiningnan, napaisip ako boyfriend ko ba 'to? Parang tatay ko ito ah, kasi iyong nakita kong ibang lalaki halik d'un at yakap dito. "Kasama ka sa mga dasal ko Rosa,na maging isang matagumpay na guro". "Natameme ako,paano niya nalaman na gusto ko maging guro"? "Lagi ko tinandaan ang mga sinabi niya at nagsumikap ako, minsan tulala ako pag tingin ko papel ko nakikita ko ang mukha niya nakangiti". ARAW NG GRADUATION ko sa elementarya isa sa pinakamagandang nangyayari sa akin dahil nagtatapos ako with honors, pero para siya naging isang bangungut dahil wala akong maayos na damit, napagkasunduan ng parents-teachers na sa araw ng aming graduation ay ang susuotin namin ay isang cocktail dress na white, at kulay itim na sapatos. Excite ako nakikita ko na ang sarili ko naglalakad papuntang stage tumatanggap ng diploma at medalya pero talagang may kasabihang expectation versus reality dahil ni isa walang natupad. Hindi ako binilhan ng bagong damit, wala silang pakialam, ang ginawa ko humiram ako ng damit sa nanay ng kaklase ko pinuntahan ko ang bahay nila kahit tatlong oras ang lalakarin ko.wala sa isip ko na magdamdam dahil nasa isip ko lang nun mahirap kami. "Ang kinakasama lang ng loob ko, pinalo naman ako ng lubid na pang tali ng aming baka, nagkasugat sugat ang aking binti. Tapos iyong damit na nahirap ko ang sikip pa, iyong tipong para akong suman pero pinilit ko nalang para lang may masuot ako sa aking pag tatapos. "Damit pa ba yan?" tanong ng nanay ng kaklse kong lalaki, "Parang pang burol yan ang suot mo, kulang na lang ipasok ka sa kabaong", pang iinsulto niya sa akin. "Ehh anu naman kong pang burol ang suot ko?" "Anak mo nga magara ang suot pero kinulang naman sa talino", mahinahon kong sagot sa kanya sabay ngiti na painosenti. "ROSA, tinawag ka ni ma'am", sabi ng kaklase ko, "Bakit daw?" tanong ko sa kanya. "Aba!malay ko", sabi niya sabay irap "Ma'am, tinatawag daw po ninyo ako?" "Bakit po?" 'Bakit hindi mo sinabi na wala ka palang damit maisusuot para sa graduation mo?" Tanong ng guro ko, para bang nalulungkot siya sa nakita niyang suot kong damit. " Ehh, ma'am nakakahiya dahil pati suot ko pino problima mo pa. "Sapat na po sa akin ma'am na tinuruan mo ako, makipagkapwa tao at babaunin ko po ito hanggang ako ay nabubuhay", emotional na sagot ko sa kanya. "Nakita ko ang pagiging masipag mo at didikasyon mo sa pag aaral kahit batid ko na nahihirapan ka". "Ayos lang po ako ma'am,hindi po sukatan ang magandang damit para matupad ang pangarap isang ng tao". "Sayang, sana pumayag ang tatay mo na dun ka mag aral sa sa Our Lady of Mercy sigurado ang magandang kinabukasan mo". Ang Our Lady of Mercy ay isang pribadong paaralan na pinapatakbo ng isang non government institution na ang layunin nila ay matulungan ang mga batang mahihirap, at mga ulilang lubos. At pinangangalagaan ito ng mga Madre at pari. Bago makapasok dun kailangan pumasa ang isang bata sa kanilang entrance exam at ito ay kailangang matatag ang iyong kalooban dahil isang beses lang kayo magkikita ng iyong pamilya sa isang taon. At isang beses ka lang din uuwi sa pamilya mo 3 days lang ang ibibigay nila sayo. Nag balik tanaw ako sa mga panahon na nagpapaalam ako sa mga magulang ko sobrang excited ako dahil pumayag sila, tanda ko pa na buwan ng August yon "Tatay, sabi ni ma'am may isang paaralan daw na gusto akong pag aaralin, iyon nga lang minsan lang ako uuwi dito at ganun din kayo isang beses lang din kayo pwede dumalaw dun. At sa Pebrero na na ang kanilang exam. " Sige, payag ako basta mag aral ka ng mabuti dun, baka naman lalaki atupagin mo, bawal ka mag karoon ng nobyo hanggang nag aaral ka". "Tatay girls town po iyon, ibig sabihin puro babae ang nag aaral dun at hindi po ako makapag lakwatsa dahil matatayog ang pader". "At bago ako makapasok dun dapat lahat ng damit ko maiwan dito, wala akong dadalhin kahit isa kahit pang loob pa yon" . "IYON ang natatandaan ko at huling usapan namin".at dumating ang buwan ng Pebrero at araw na ng exam. "Tay, bukas na ang araw ng exam dun sa sinasabi ko sa iyo na paaralan nag magbibigay ng iskolar". "Ikaw mag aaral dun!?" pagalit niyang sagot "Pero di po ba pumayag po kayo nong nag paalam ako sa inyo?" dismayado kong sagot. "Dito nga sa bahay tanghali kana gumising, tapos dun kapa mag aaral?, " Dapat madaling araw gising kana ", " Alas tres pa lang ng madaling araw gising ka na kong gusto mong mag aral dun!". "nanlumo ako, wala na, ang pangarap ko gumuho na sa isang iglap dahil lang sa maling akala niya. Sobrang sama ng loob ko hindi ko akalain na nag bago ang isip niya, nanghihinayang at nagsisi ako, kung alam ko lang sana hindi na lang ako nag paalam , sana sa mismong araw nalang ako nag paalam kong kailan gaganapin ang entrance exam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD