"Dad we have to find Harvey," ang natatarantang sabi ni Alpha. Magda-dalawang araw na rin kasi mula nang mawala o mas tamang sabihing mula nang umalis si Harvey. Blangko naman ang ekspresyon ng mukha ni Kisses habang ang mga kambal ay tila may pag-aalala na ring nararamdaman. "Dad?" untag ni Alpha nang makitang seryoso lang ang mukha ni Kennedy at tila nag-iisip. "I'm just thinking...if Harvey...went back to Philippines..." mahinang anas ni Kennedy. "What?!" napatayo naman si Alpha. "No dad. Hindi iyon gagawin ni Harvey. Baka...baka umalis lang siya para pansamantalang lumayo sa atin. Pero hindi siya para bumalik ng Pilipinas. Alam niya namang mainit siya sa mata ng mga tao doon, kaya malabo ang naiisip ninyo dad," hindi kumbinsidong sabi ni Alpha. Maya-maya ay napalingon si Alpha k

