MIKA Nakatulugan ko na pala habang hawak-hawak ang bulaklak at kung hindi pa siguro tumunog ang doorbell hindi ako magigising. Cellphone ko agad ang hinagip ko para tingnan ang oras. Alas singko na ng umaga at halos ilang oras lang pala ang naitulog ko. Hindi ko pa rin hinuhubad ang hoodie ni Uno at kahit lumabas na ako ng kanyang kwarto ay suot ko pa rin ito. Pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya at nawawala ang lungkot ko kapag naaamoy ko ang pamango niyang naiiwan sa hoodie niya. “Good morning, Ma'am, Mika. Tumawag si Boss Jersey, tinatanong niya kung bakit wala ka raw sa Bulacan. Sinabi ko ang totoo, pasensya na po kayo Ma'am, mahal ko po ang trabaho ko at ayaw ko lang po masesante.” Bungad sa akin ni Kuya Lester. Problemado pa rin ang kanyang itsura at mas lalong naging halata na

