MIKA Twelve AM of December twenty-five, biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko indikasyon na birthday ko ngayon. Mumukat-mukat ang mga mata ko habang kinakapa ang cellphone ko para patayin ang alarm. Tyambahan rin dahil kahit hindi ko naaninaw ng maayos ang pinindot ko, namatay pa rin ang alarm. Bumangon ako kahit sobrang bigat ng katawan ko. Ang hapdi ng mga mata ko at pakiramdam ko, sobrang bigat ng mga talukap ko. Happy Birthday, Namika Jade! Sabi ng google calendar na nag appear bigla sa notification ko. Pero sa halip na ngumiti, nanubig ang mga mata ko. Awtomatikong pumatak ang isang butil ng luha kaya pinahidan ko ang bakas ng dinaanan sa aking pisngi. Miss ko na si Uno… Walang saysay ang kaarawan ko kung wala siya. Pinilit kong lumunok habang tinitingnan ang katabi ko

