Kabanata 20: My Love Language Minsan kapag nakakakita ako ng mga batang niyayakap at nilalambing ng mga magulang nila, hindi lang ako basta natutuwa para sa kanila, nandoon din ang kaunting kirot sa puso ko na naghahangad na sana ako rin. Sana ako rin iyong makaranas ng ganoon, kahit hindi na ako bata, o kahit sana dati noong bata pa ako, noong hindi na ako sanggol, and I already aged. Pero hindi ko naman pwedeng hilingin lang na kung pwede nga lang hindi na lang ako lumaki at nanatili na lang ako na parang sanggol if that is all it takes for me to have those, I would, hindi ba? That’s never going to happen. Time will not move backwards for me, and even if I would turn back time, it is barely impossible to happen. At kung mangyari man din ‘yon, baka sa palabas lang o libro. And I k

