Kabanata 19: Regrets, Fears, and Secrets on The Intersection He would spend his days in front of a book, kaya sa unang tingin, maiisip mo agad na matalino siya. Lahat maiintindihan, lahat ma-gi-gets. Maraming alam. He’s the typical bookworm, boy nerd version ng mga babaeng sikat sa mga librong nababasa natin. But he’s cool, mahiyain nga lang. Mas gusto niya na laging nasa likod ng mga ilaw, ‘yong taga-sunod lang. Kaya misteryoso siya, ang hirap basahin, masyado rin passive. At dahil binuklat niya kalahati ng pahina ng buhay niya sa akin, nakilala ko siya ng kaunti at ng mas malalim. Sa katunayan, pareho kami, gusto naming mag-abogado dati, pero isa na siyang production director ngayon. At hindi ko pa rin kayang abutin kahit ang lapit niya pa. Parang law and arts, minsan magkalapit, min

