bc

Numb

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
fated
kickass heroine
single mother
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
loser
campus
highschool
enimies to lovers
secrets
poor to rich
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Akala ng lahat, okay lang ako... Pero ang totoo, matagal na akong wasak sa loob.Meet Seilah tahimik, laging may mahinhing ngiti, pero sa likod ng bawat "okay lang ako," may sugat na matagal nang hindi naghihilom. She used to feel everything love, pain, joy, even heartbreak. Pero dumating sa point na sobrang sakit na… natuto na lang siyang patahimikin ang sarili. Manhid na. Wala nang saya, wala na ring lungkot. Parang wala na rin siyang sarili.But what if one day, someone comes along someone quiet, persistent, and just as broken who's willing to slowly break down her walls?May pag-asa pa bang muling maramdaman ni Seilah ang mga bagay na matagal na niyang kinalimutan? Or is she too far gone?

chap-preview
Free preview
Chapter One “Routine”
Seilah's Point of View "Seilah, anak, gising na. Baka ma-late ka na naman sa klase." Narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng kwarto ko, sabay katok sa pinto. Hindi pa man fully gising, ramdam ko na agad ‘yung bigat sa dibdib ko. Pareho pa rin. Walang bago. Wala akong nararamdaman. Napilitang bumangon ang katawan ko kahit gusto pa nitong manatili sa kama. I’m used to this. Gising, bihis, alis. Ulit-ulit. Parang buhay na wala nang kulay. Binuksan ko ang pinto at napatitig ako kay Mama. Nakasuot na siya ng simpleng duster at hawak ‘yung listahan ng panindang kailangan sa tindahan mamaya. Maaga pa pero mukhang pagod na agad siya. "Good morning po," mahinang bati ko. "Mag-almusal ka na. May itlog at sinangag sa mesa. Pasensya na, 'yun lang muna ngayon, ha?" sabi niya, sabay himas sa buhok ko. Napangiti ako ng konti pilit. Hindi ko rin alam kung genuine pa ‘yung mga ngiti ko. "Okay lang po, Ma," sagot ko. Kahit sa totoo lang, wala rin akong gana. I'm Seilah Alvarez. Twenty-one years old. Half-Spanish, pero sa hitsura lang yata yung similarity ko kay Papa also He's a Spanish. Wala na siyang balita sa akin simula nang maghiwalay sila ni Mama. I was thirteen. Bata pa ako noon, pero sapat na para maintindihan na minsan, kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal, may mga taong hindi para sa isa’t isa. Mula noon, si Mama na lang ang kasama ko. Siya na lang ang bumuhay sa akin. Hindi naging madali, lalo na't sari-sari store lang ang pinagkakakitaan namin. May kaunting bigasan din kami, pero sapat lang para makatawid sa pang-araw-araw. Bumaba ako at naupo sa lamesa. Tahimik lang akong kumain. Si Mama naman, nag-aayos na ng mga paninda sa harap ng tindahan. "Anak, kunin mo na ‘yung eco bag sa kwarto, ‘yung may libro mo. ‘Di mo na naman niligpit kagabi," sigaw niya mula sa labas. Tumango ako. Ugh, another day of pretending to be okay in front of people I barely trust. Sa school, tahimik lang ako. Hindi ako outcast, pero hindi rin ako part ng popular crowd. I exist… pero invisible. Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin, iniisip ko ganito na lang ba ako palagi? Numb. Empty. Wala man lang excitement o thrill sa buhay ko. Para bang nabura ‘yung part ng pagkatao kong marunong magmahal, masaktan, at tumawa. Pero gaya ng nakasanayan, I shrugged it off. Kailangan ko na ring umalis. "Ma, alis na po ako," tawag ko habang papalabas ng gate. "Mag-iingat ka, anak," sigaw ni Mama, habang inaayos ang sako ng bigas. Napatingin ako sa langit. Maulap. Mukhang uulan. Tulad ng dati. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan, naramdaman ko ang malamig na hangin. Mabigat sa hangin ngayon. Parang ako laging may dinadala. Sa jeep, pinili kong umupo sa pinakagilid. Malapit sa bintana, para may excuse akong tumingin sa malayo at huwag makipag-usap. Sabay-sabay ang tunog ng makina, mga usapang estudyante, at kung anu-anong chika ng mga manang. Pero sa loob ko, tahimik. Lagi namang tahimik. *CAMPUS* "Uy, Seilah!" bati ni Rica, isa sa mga kaklase ko na medyo close sa akin well, siya ‘yung nagka-effort lang kausap ako kahit minsan ang tipid ng mga sagot ko. "Hi," maikling sagot ko sabay ngiti ng kaunti. "Group activity daw mamaya sabi ni prof. Nagsend siya sa GC kagabi. Nakita mo ba?" tanong niya habang naglalakad kami papasok ng campus. Hindi ako agad sumagot. "Naka-mute ang GC," sabi ko, sabay turo sa phone ko. "Grabe ka talaga, girl. Parang laging disconnected. Pero sige, ako na lang bahala mamaya. Isasali na lang kita sa group ko, ha?" Tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung na-appreciate ko ba ‘yung effort niya o na-guilty lang ako kasi hindi ko mabigay ‘yung same energy. Pero natuto na kasi akong huwag magpakita ng sobra. Baka kasi mawala lang din. Pagdating namin sa classroom, bumalik na naman ako sa normal kong routine. Upuan. Tingin sa labas. Hintay ng prof. Pero hindi ko inaasahan na mapapansin ko ang isang bagong mukha. Isang lalaking hindi ko pa nakikita dati. Maputi, chinito, mukhang foreigner na Pinoy din. Tahimik lang siya. Hindi katulad ng ibang bagong students na parang ang bilis makihalubilo. Parang... kami. Pareho ng aura. Tahimik. May binabaon. Napansin kong panakaw siyang tumingin sa akin. Hindi ako umiwas. Hindi rin ako ngumiti. Pero may kung anong kiliti sa sikmura ko na matagal ko nang hindi naramdaman. Hindi ko alam kung kaba ba ‘yun o instinct. Basta may kakaiba. Who is he? Pero agad ko ring ni-shrug off ang nararamdaman. Hindi ako pwede mabaling sa kung sino man. Hindi ako handa. Hindi pa. At kung tulad ko rin siya… baka mas maintindihan niya kung anong ibig sabihin ng pagiging wasak pero buo pa rin sa paningin ng iba. Umupo ako sa usual spot ko second row, near the window. Ilang sandali pa, pumasok na si Prof. Gonzales, dala-dala ang laptop at markers niya. “Good morning, class. Today, we’ll be doing a group activity. Random pairing para patas, okay?” Narinig ko ‘yung collective groan ng mga kaklase ko. Ako? Wala lang. Sanay na akong sumunod. Kung anong sabihin, gawin. Parang robot. “Here’s the list,” sabi ni prof sabay tingin sa papel. “Seilah... partner mo si... Ezekiel Rivera.” Ezekiel? Napakunot ang noo ko. Narinig ko na ‘yung name na ‘yun dati. At nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni prof, tumigil ako saglit. Siya. Yung bagong guy. Yung tahimik na parang may sariling mundo din. Naglakad siya papalapit sa akin. Wala akong sinabi. Umupo lang siya sa tabi ko at inilabas ang ballpen niya. “Hi. Ezekiel,” sabay abot ng kamay niya. Tinignan ko lang iyon saglit bago ko dahan-dahang kinamayan. “Seilah,” maiksi kong sagot. Tahimik kami habang binabasa ang instruction ni prof. Group report, short presentation, and reflective journal. Kahit pang two days lang daw, kailangan may connection ang partners para sa written output. Connection? Mahirap ‘yun. Kasi matagal ko nang pinuputol kahit anong koneksyon sa kahit sino. “Okay ka lang ba if I handle the write-up? Mahina ako sa pagsasalita sa harap, pero mabilis akong magsulat,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya mukhang nagyayabang. Mukha siyang... sincere. “Sure,” sagot ko. “Ako na lang sa presentation.” Ngumiti siya hindi pilit. Yung totoo. ‘Yung bihira ko nang makita sa paligid ko. “Deal.” Sa ilang minuto naming magkatabi, napansin ko ‘yung kakaiba sa kanya. Tahimik, yes. Pero hindi yung tipo ng tahimik na awkward. Yung tipong... puno ng laman. May lalim. Tumingin siya sa akin, at nagsalita ulit. “You seem... quiet.” “Observant ka,” sabi ko habang pilit na pinapagtago ‘yung inis. Ayoko kasi ng mga taong mabilis mag-label. Pero natawa lang siya ng mahina. “Sorry. I just meant... I get it. Ako rin, madalas ganyan.” Napahinto ako. I get it. Ilang taon na rin ang lumipas, pero ngayon lang may taong nagsabi nun sa paraang hindi nakakainis, hindi invasive. May bigat ‘yung sinabi niya yung tipong hindi lang basta linya, kundi may pinanggagalingan. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, di ko namalayang na-curious ako. Pero bago siya sumagot, dumating si prof. “Okay class, continue your work at home. Submit the journal on Friday.” Nag-ayos na kami ng gamit. “Pwede ba kitang i-message later?” tanong ni Ezekiel habang paalis na kami ng room. “Para sa project.” Tumango lang ako. Di ko alam kung dahil sa kanya o sa hangin, pero parang biglang gumaan ng kaunti ang dibdib ko. Kaunti lang. Pero ramdam ko. And for someone like me, that’s already something. Agad ko ding binigay yung username ko sa Messenger ko then got to my next class Naglakad lakad pa ako upang hanapin yung room na need ko puntahan for my next class But some of my blockmates told me na wala raw prof kaya nag desisyon na lang din ako umuwi since wala na akong class after this subject na almost 5 hours *House* Mag-aalas otso na ng gabi. Tahimik ang bahay. Si Mama, abala pa rin sa pag-aayos ng resibo sa tindahan habang ako naman, nakahiga na sa kama, nakatitig sa kisame. Walang tunog kundi ‘yung electric fan at malalakas na kuliglig sa labas. Hindi ako sanay sa ganito dati—mas gusto ko ng maingay, may music, may TV. Pero simula nung… nawala ako sa sarili ko, mas gusto ko na lang ‘yung ganitong tahimik. Tahimik kasi hindi ko kailangan magpanggap. Biglang umilaw ang screen ng phone ko. Messenger Message Request > Hi. Seilah? Ezekiel to. Hope okay lang mag-message ako. :) Napaupo ako. Alam kong para lang ‘to sa project... pero hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinabahan. Matapos ang ilang segundo, nag-reply ako: > Yeah. Okay lang. :) Bakit may smiley pa ako? Weird. Pero wala na, nasend ko na. Ezekiel: > Nagstart na ako mag-draft ng outline. Pwede ko i-send sayo later for feedback? Also... sorry kung ang forward ko kanina sa class. Hindi ko sadya, I just… sensed something. Napahinto ako sa pagbabasa. Sensed something? Ano ako, multo? Pero sa totoo lang... walang halong judgment ‘yung sinabi niya. Parang genuine lang talaga siya. > Okay lang. Di naman ako na-offend. Send mo na lang mamaya. Check ko. I thought that would be it. Pero nag-reply ulit siya. Ezekiel: > Alam mo minsan, ang hirap maging okay sa mata ng lahat, no? Pero sa totoo lang, parang ang bigat-bigat sa loob mo. Muntik kong mabitawan ang phone. Bakit parang... ako ‘yung tinutukoy niya? O… siya rin ba? Hindi ako agad nag-reply. Ilang minuto akong nakatitig sa messages niya. Hanggang sa, ‘di ko alam kung bakit, pero tinype ko ito: > Sanay na akong magpanggap na okay. Mas madali kaysa ipaliwanag sa mga tao ‘yung sakit na hindi naman nila mararamdaman. Send. Napapikit ako. Bakit ko ‘yun sinabi? Bakit ako nag-open? Hindi ko alam. Pero parang sa kanya, hindi ko kailangang magsinungaling. Ezekiel: > Same. Siguro kaya tayo naging mag-partner. Baka may dahilan. Alam mo, minsan ‘yung mga taong mukhang tahimik… sila talaga ‘yung may pinakamaraming kwento. At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon… Ngumiti ako. ‘Yung totoo. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa pagkakaibigang ‘to… kung magiging importante ba siya sa buhay ko. Pero sa ngayon, okay na muna ‘tong maliit na simula. Isang message. Isang kumustahan. At isang taong... mukhang handang makinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook