CHAPTER 92 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Pagpasok ni Pingris sa loob ng bahay ay nadaanan niyang nakabukas ang kwarto kung saan iniwan niyang nakabitin patiwarik si Captain De Vera. “Ba’t kaya bukas ‘to?” bulong niya sa sarili. Isasara na sana niya uli ang pintuan nang hindi na niya makita si De Vera. Wala na ang kanilang bihag. Tumakas ang bihag nila. Naisip niya si Black Mamba! “Tang-ina! Itinakas ni Boss ang bihag. Boss!” sigaw ni Pingris palabas ng bahay. Ikinasa niya kanyang baril. Hindi pwedeng makatakas ang bihag at si Black Mamba. Magkamatayan muna sila! Pasakay na siya nang narinig niya ang sigaw ni Pingris. “Tang-ina, ang bilis naman niyang nalaman na naitakas na niya si Liam.” Kailangan na niyang mapaandar ang sasakyan bago pa siya nito makita. Bang! Bang! Pinapap

