Damien Angelo Corpuz Mondragon "Wala kayong mga silbi, pitong buwan na pero wala pa din kayong maiharap na resulta sakin, iisang babae lang ang pinapahanap ko sa inyo mga inutil." Galit na galit si Damien sa mga tauhan lalo na kay Hangin na kanyang kanang kamay. "Boss, patawarin mo kami at talagang wala kaming makuhang lead eh. Sigurado ka bang siya 'yung tinutukoy mong babae? Ayon sa balita e nakaalis na ang pamilya nila bago pa ang kasal." Pangangatwiran ni David (Hangin) "Iuutos ko ba sa inyo kundi ako sigurado? Ginagawa mo pa kong bobo." Totoo naman talagang kahit saang anggulo ay kilala niya ito, kilala niya bawat hubog ng katawan ng babaeng kanyang pinapahanap. Ilang beses na niyang panagsawa ang mga mata at kamay sa katawan nito kaya hinde siya maaring magkamali. "Boss wala nam

