Arriane Cruz Medina Malapit na ang Pasko, ilang araw na lang, pangkaraniwan ay hinde naman sila nagkakabit ng mga Christmas Tree kundi mga Christmas Light lang at ikinabit ito nila Rico at Alvin nung huling uwi nila dito. Dalawang linggo ng hinde bumibisita ang dalawa. Nagpaalam naman ito na makabagong taon na muling bibisita dahil madami silang trabaho sa Mondragon. Ang totoo niyan ay hinde niya alam ang lahat ng negosyo nila Damien, ang Milagrosa Milling Company lang ang kilala niya dahil nakabase ito sa Sta. Monica, bukod duon ay nadidinig niya lang ang Mondragon Empire pero hinde pa siya napasok dito dahil nasa Maynila ang opisina, hinde din niya alam anong negosyo ang minamanage ni Damien bukod sa asukarera kaya wala din talaga siyang idea kung anong trabaho mayroon sina Rico. Nami

