Arriane Cruz Medina
Pagkatapos kumain ay nagpresinta na ang dalawang babae na maghuhugas ng pinggan.
“Dito wala naman kayong poproblemahin kundi ang bayad ng tubig at kuryente dahil ang bahay ay hinde naman papaupahan sa inyo, basta lamang alagaan ninyo.” Paumpisang bilin ng kanilang tiyahin.
“Tiyang, huwag po kayong mag-alala at kami po ang bahala sa paglilinis nito habang nandirito kami. Ang balak ko po sana ay maghanap ng maliit na lupa na pwede naming patayuan ng maliit na bahay.” Sagot ni Rian.
“Ay siya nga ba? Tamang tama yung lupang iyong sa likod ay ibinebenta,”
“Talaga ba Lina?” Singit naman ng Inay.
“Gaano ba kalaki baka malaki naman iyon?” Tanong ng Itay.
“Mahigit one hundred square meters ang alam ko.”
“May ideya po ba kayo kung magkano?” Tanong ulit ni Rian.
“Ang alam ko eh tatlung daang libo. Kung gusto ninyo e kausapin natin sa mga susunod na araw pero magsasabi na ako mamaya diyan sa likod para kapag bumisita ang may-ari ay masabihan nila.”
“Naku Tiyang, salamat po.” Masayang sabi ni Rian.
“Mainam nga iyon at magkakasama tayo. May daan iyon sa kabilang bahagi pero pwede naman nating buksan yung lugar namin sa likod para dito na kayo dadaan.”
“Salamat po Tiyang.”
“Pwede ninyong gamitin ang lahat ng kwarto, lalo na si Kuya baka mahirapan sa taas pwede kayo dine sa baba at may banyo din diyan. Yung mga bata sa taas na lang. O siya sige at magpahinga muna kayo at pagdating ng asawa ko at anak ay ipapakilala ko kayo.”
Pagkatapos nitong ipaliwanag ang lahat patungkol sa bahay ay umalis muna ito kaya naman nagsipasok na sila sa loob. Malinis naman ang buong bahay, parang regular naman na name-maintain. Malinis din ang kusina at cr.
Si Arriane Cruz Medina ay twenty one years old, newly graduate ng Business Administration. Ang mga magulang ay regular na tauhan sa Hacienda ng mga Mondragon. Ang dalawang nakababatang kapatid ay pareho pang nag-aaral. Si Rizza ay labing pitong taon at first year college nitong susunod na pasukan, samantang si Robert ay labing limang taong gulang at first year senior high school ngayon.
Isang buwan pa naman bago ang pasukan kaya naman may oras pa sila upang makapaghanda. Bago naman umalis ang mga ito nuong isang lingo ay ipinaayos na niya ang kanilang mga papeles sa eskwelahan. Ngayon ay nasa katapusan na ng buwan ng Hunyo at sa susunod na buwan ay pasukan na.
Umakyat ang mga magkakapatid sa taas kasama ang kanilang mga magulang upang mai-check ang kanilang kwarto.
“Rizza, malaki naman pala ang kama rito, magtabi na lang tayo.” Suhestiyon niya.
“Ate, ako din ay tatabi kina Itay sa baba ipapasok ko na lang ung malaking upuan dun, tingin ko ay kakasya naman ako duon.”
“Ay, di mawalay sa punja nina Itay, may kwarto naman dit bakit di ka na lang dun.” Pang-aasar ni Rizza.
“Hayaan mo na siya dun Rizza at ng may makatulong ako kapag naisipan ng Itay ninyo na bumangon sa gabi. Sabad naman ng Inay nila.
Sinilip din nila ang terrace sa taas.
“Wow Ate, ang sarap pala dito, mahangin.” Puna ni Robert.
“Masarap palang magkape dito sa umaga, hano Inay?” Sagot ni Rizza.
“Naku baka mahirapan ang Itay ninyong umakyat.”
“Ito namang mahal ko, kaya ko iyan, mainam nga at exercise ko ito sa umaga. Minamaliit mo yata ang kakayahan mo. Tiningnan mo nga mahal, ang maga supling natin, ke gaganda at gwapo. Ako lahat ang nagdrawing niyan.”
Nagtawan sila sa biro ng ama lalo na ng napasibangot ang kanilang ina.
“Ka-sweet naman ng Tatay.” Sabi ni Rizza.
“Halika nga kayo mga anak at ng mayapos ko lang kayo. Mahal na mahal ko kayong mga anak ko. ‘Pag dumating ang panahon na may mangailangan ng tulong sa inyo ay ‘wag kayong mag-aatubili ha. Magmahalan kayo at magtulungan. Wala kayong aasahan mula sa ibang tao.”
“Opo Itay.” Sagot ng tatlo.
Isa-isa na silang lumapit sa kanilang ama at ina at niyayakap nila ito ng mahigpit. Hinalikan pa nila ito sa pisngi.
“Mahal na mahal ko din po kayo.” Sabi ni Rian.
“Ako din po, mahal ko kayong lahat.” Sagot ni Rian.
“Lalo na ako, mahal na mahal ko kayo. ‘Pag nag-asawa na ko tapos wala akong panggastos, bahala kayong dalawa sa akin ha.” Banat naman ni Robert.
“Sus, ‘di porke’t sinabi ko ‘yon ay aasa ka na, syempre kailangan mo pa ding magsumikap. Bata ka, luko-luko ka talaga.” Sagot ng ama sa tinuran ni Robert.
“Ahahahah, ‘pag nambuntis ka bahala ka sa buhay mo.” Singit ni Rizza.
“Mga anak, seryosohin ninyo ang sinasabi namin sa inyo. Magsumikap kayo para hinde din kayo umasa sa bawat isa, mas maige ‘yon pero kapag dumating na kailangang kailangan ninyo talaga, magtulungan kayo. ‘Yun ang ibig sabihin ng Itay ninyo.” Litanya naman ng ina.
“Pero lagi din po ninyong ingatan ang mga sarili ninyo ha para po matagal pa tayong magkasama-sama. Gusto kop o bago kayo mawala makita ninyo pa ang katuparan ng pangarap namin.” Madamdaming sabi ni Rizza.
“E di maghahanap na ko agad ng mapapangasawa para makita na nila Itay ang apo nila sakin.” Nagmamalaki pang sabi ni Robert.
“Bugok* ka talagang bata ka. Banat ng banat. Maglubay ka at baka gusto mong gulpihin kita.” Sabi ng ama.
“Nagbibiro lang naman po ako e.” Nakasibangot na sabi ni Robert.
“Tara na nga magsipag-ligpit na tayo ng mga gamit natin.” Awat ni Rizza at pihadong mapapalo lang itong si Robert sa kakulitan.
Bumaba na ang mga magulang at si Robert kaya naman naiwan silang dalawa ni Rizza sa taas.
“Riz, pagkatapos natin ditto ay bumaba tayo dahil may sasabihin ako.”
Tinitigan siya ng kapatid at ngumiti.
“Sabi nila Inay, sigurado daw mabigat ang dinadala mo, kaya kinakailangan nating umalis sa Sta. Monica. Huwag kang mag-alala Ate, nandirito lang kami.” Nakangiting sabi pa nito.
“Oo, pero hinde ko naman iyon ginusto, napilitan lang ako. Dahil ayaw kong mapahamak kayo”
“Sige Ate, mag-usap tayo pagkatapos nating magligpit dito.”
“Madaliin na natin kasi nahihirapan din akong tumingin kina Inay sa laki ng tinatago ko sa kanila.” Niiyak na sabi nito.
Pagkatapos maglinis sa taas ay bumaba na sila para matulungan ang ina sa pagliligpit ng mga gamit nila sa baba. Lahat naman kasi ng kwarto ay may built-in cabinet kaya naman hinde sila nahirapan pang mag-ayos ng gamit. Kakaunti lang naman ang dala-dalahan nila.
Kumuha si Robert ng tubig sa ref at ng makainom sila kahit papaano ng malamig na tubig. Napagod din sila ng bahagya sa paglilinis at pag-aayos.
Ng masigurado ni Rizza na ayos na lahat ay sinenyasan niya si Rizza na maupo na.
“Nanay, Tatay, napagod po ba kayo sa biyahe natin at sap ag-aayos?” Tanong ni Rian.
“Okay naman kami anak, huwag ninyo kaming intindihin.” Sabi ng kanyang Inay.
“Pwede ko na po bang samantalahin na tayo ay magkausap?” Seryosong tanong niya.
Tinitigan siya ng ama at ina at maayos itong umupo sa kama bilang hudyat na handa nating makinig sa kaniyang tinatagong rebelasyon.
“Sige anak, mainam ng sa’yo manggaling ang lahat. Makikinig kami ng Inay mo at ng mga kapatid mo.”
Di pa man nagsasalita si Rian, ay agad ng tumulo ang kanyang luha. Tumayo si Rizza at hinagod ang kanyang likod. Inabutan naman siya ni Robert ng tubig sa baso at bimpo.
“Tahan na Ate, nandito lang kami.” Pang-aalo ni Rizza sa kapatid.
“Patwarin po ninyo ako, ayaw ko lang po kasing mapahamak kayo kaya po kailangan nating umalis dun sa Sta. Monica.” Sisigok-sigok na panimula ni Rian.
“Kumalma ka muna anak, at ng makapag-kwento ka ng maayos.”
“Buntis po ako!”
Nagulat ang lahat at si Rizza ay dahan dahang napaupo sa pagkabigla. Nalaglag naman ang luha ng mag-asawa ngunit nanatili silang kalmado habang nakatitig sa anak.