Chapter 18: Ang Katotohanan

1316 Words
Arriane Cruz Medina “Anong buntis ka? Anong sinasabi mo anak?” Naluluhang sabi ng ama. “Itay, buntis po ako.” Ulit niya. “Sinong ama anak?” Tanong ng ina. “Si Senyorito po!” “Ano?” Gulat na gulat na tanong ng lahat. “Paano nangyari anak?” Umiiyak na tanong ng kanyang ina. “Alam naming may pagtingin ka kay Senyorito pero hinde ko inasahang magpapagamit ka sa kanya. Alam mong may nobya siya. Bakit anak?” Mataas na boses ng ama. “Mahal, huminahon ka, pakinggan muna natin ang anak mo.” Saway ng ina. “Minsan po kasing umuwi ng lasing si Senyorito, inutusan po ako ng Don na asikasuhin siya. Dun po unang may nangyari sa amin.” “Ibig sabihin Ate, naulit pa?” Tanong ni Rizza. “Oo, ilang beses pa.” “Anak, bakit ka pumayag? Hinde ko po napigilan eh. Patawad po. Mahal ko na po talaga siya!" “Ate, kaya ba tayo umalis sa Sta. Monica dahil hinde papanagutan ng Senyorito ang bata?” Tanong ni Robert. “Kung ayaw niya okay lang naman, nandito naman kami, hinde ka namin papabayaan.” “Kinausap ako ng Don na pigilan ang kasal ng Senyorito nung Linggo dahil hinde nila gusto si Senyorita Emilia para kay Senyorito kapalit ng isang milyon.” “Ano isang milyon? So, may isang milyon tayo?” Maang na tanong ni Rizza. Tango lamang ang isinagot niya. Magsasalita ulit sana siya ng makareceive na naman ng mensahe sa kanyang cellphone na nakatanggap siya ng isang milyon sa kanyang bank account. Alam niyang kay Don Ramil galing ang halagang iyon. d “Dalawang milyon ang ibinigay sa akin ni Don Ramil. Nung una ay isang milyon at nung nagtagumpay akong pigilan ang kasal nila nung Linggo ay nagdagdag siya ng isang milyon. Kaya lamang alam kong mapapahamak tayo kaya pinauna ko na kayo. Hinde ako mapapatawad ni Senyorito Damien sa ginawa ko. Pagkatapos kong pigilan ang kasal, pinasundan ako ng Senyorito sa bahay. Nakilala niya ako kahit pa nag-disguise ako.” “Mabuti anak at hinde ka napahamak?” “Muntik na nga po Itay, dahil ipinahabol niya po ako sa mga tauhan, mabuti na lamang po ay tinulungan ako ni Rico. Pinuntahan niya po ako sa bahay at tinulungan po akong makatakas. Hinabol po kami sa bundok at nung nakatawid na kami sa kabilang bundok pababa sa palengke ay nakita namin na maraming tauhang nakabantay." “Naku anak, ano ba yang pinasok mo? Hinde ka nag-iingat.” “Tapos po nung papunta na kami sa sakayan ng bus, may mga nakakaabang na po duon kaya babalik sana kami sa bundok, sa Virgin Forest at duon magtatago, buti na lang po at nakita namin sina Tatay Tonyo, magbabyahe sila ng kamada pa Maynila kaya naman naitago nila ako sa loob ng truck. Nakasakay po kami ng Roro hanggang sa maihatid ako ni Rico sa Sta. Mesa.” “Diyos ko Ate, ganon pala kahirap ang dinaanan mo, paano na lang kung may nangyari sa iyo?” Umiiyak na sabi ni Rizza. “Alam ba ng Don ang pinagbubuntis mo anak?” “Hinde po Inay, tayo lang po ang nakakaalam at wala din po akong balak ipaalam pa dahil po hinde ko alam kung anong pwedeng gawin sa akin ng Senyorito.” Humahagulgol na kwento ni Rian. Tumayo ang kanyang ina at nilapitan siya at niyakap. “Huwag kang mag-alala anak at nandito kami, papalakihin natin ang bata. Mamahalin natin siya." "Kaya pala Ate ang lakas ng loob mo na bumili ng lupa at magpatayo ng bahay," singit ni Robert. "Milyonaryo na pala tayo." "Tumahimik ka ngang bata ka." Saway ng ama. "Puro ka kalokohan." "Siguro Ate, maganda o kaya pogi ang magiging pamangkin ko kasi maganda tayo tapos ang gwapo ni Senyorito." "E anak, matanong lang kita, anong balak mo ngayon?" Tanong ng ina. "Sa ngayon po, 'yung makabili muna po tayo ng lupa at makapagpatayo ng bahay kahit simple lang. Sa isang linggo po asikasuhin na din ang enrollment ni Riz at ni bunso." "Pero ano ang intensyon ng Don at ipinatigil ang kasal ng anak?" Naguguluhang tanong ng ama. "Ang alam ko po ay ayaw niya sa pamilya nina Senyorita Emilia dahil daw po ang ama nito ay may lihim na motibo sa kumpanya. Minsan pong kinausap niya ako ay iyon ang nabanggit niyang dahilan." Nauwi sa malalim na pag-iisip ang dalaga dahil pilit niyang inaalala ang mga sinabi ng Don. "Rian, pinapatawag ka ng Don sa study. Unahim mo na muna at mukhang mahalaga." Bungad ni Aling Simang ng katukin siya nito sa kwarto niya. "Sige po Manang, susunod na po ako duon." "Bilisan mo ha at mukhang mainit ang ulo." "Po? Bakit po kaya mainit ang ulo." "Ay naku, basta bilisan mo na, maaaring may problema sa opisina." Tugon ng matanda. Kaya nagmamadali na siyang pumunta sa study room. Nakaka dalawang katok pa lamang siya ay nadinig na niya ang sinabi nito na maari na siyang pumasok. "Don Ramil, pinapatawag daw po ninyo ako?" "Oo iha." Matagal muna ang katahimikan bago ito muling nagsalita na para bang iniisip ang mga dapat sabihin. "Alam kong may nangyayari sa inyo ni Damien at gusto ko sanang tutulan mo ang kasal para makuha mo ang anak ko." "Po? Ano po iyon?" Nagulat niyang tanong dito. "Ah, babayaran kita ng isang milyon para gawin mo lang ang gusto ko." "Bakit po ako? Teka po, naguguluhan po ako." "Tulungan mo lang ako na hinde matuloy ang kasal ni Damien at Emilia, at babayaran kita ng isang milyon at limang taon kitang bibigyan ng allowance." "Bakit nga po ako ang napili ninyong gumawa niyan?" "Dahil alam kong gusto mo si Damien." Namula ang dalaga sa nadinig. "E, a," nauutal na sabi ng dalaga at halos walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya na para bang siya ay nabulunan. Wala siyang lakas ng loob na sumagot pa sa Don. Kailangan niya pang pag-isipan iyon. "Alam kong malaking tulong ang isang milyon para sa pamilya mo, bukod pa duon ay makakatulong ang sampung libong allowance na ibibigay ko sa'yo kada buwan para sa pag-aaral ng mga kapatid mo." "Hinde ko po alam kung kaya ko." "Pag-isipan mong mabuti dahil tatlong linggo mula ngayon ay ikakasal na sila at hinde ko 'yon mapapahintulutan." "Magagalit po sa Senyorito sa gagawin ko. Ano po ba ang dahilan at ayaw po ninyo, mahal na mahal po ni Senyorito si Senyorita Emilia." "Ang ama ni Emilia ang isa sa mga salot sa aking kumpanya Rian, hinde ako makakapayag ngunit ayaw makinig ni Damien kaya kailangan ko ng tulong mo. Ngunit bago natin gawin iyon, unahin na muna natin ilayo ang pamilya mo dahil sigurado akong magagalit si Damien." "Yun nga po ang dahilan bakit ayaw ko po kasi po mahal ko ang pamilya ko." "Mahal ko din ang pamilya ko at ang negosyong pinag-hirapan ko kaya hinde ako basta makakapayag na maagaw sakin ito." "Pero mahirap po ang magiging sitwasyon namin." "Aalis kayo ng pamilya mo dito at ilalayo ko kayo, hinde ko kayo papabayaan." "Pag-iisipan ko muna po. Kung wala na po kayong sasabihin pa ay lalabas na po ako." Tanging tango na lamang ang naging sagot nito. Ilang araw siyang halos hinde makatulog sa pag-iisip. Galit siya sa binata dahil kilala lamang siya nito kapag lasing. Galit siya dito dahil pakiramdam niya at pamasak butas lamang siya samantalang napakatindi nito sa pagromansa sa kanya. Gusto din niyang makaganti sa binata lalo at pinagsasamantalahan lamang siya nito. Makalipas ang ilang araw ay pinuntahan niya ang Don upang managot si Damien sa ginagawa nito sa kanya. Hinde siya makakapayag na basta na lamang siya nito iiwan pagkatapos ng ilang beses nilang pagniniig sa kwarto ng binata. Kailangan niyang makaganti dito kaya napagpasyahan niyang tanggapin ang alok ng don bukod pa sa magkakapera pa sila ng pamilya pangsimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD