Arriane Cruz Medina
“Come in,” sabi ng Don pagkatok niya sa study room.
Sinigurado muna niyang nakarating na ito ng mansiyon bago niya pasimpleng pinuntahan at kinatok.
“Senyor, maari po ba kayong makausap?”
“Rian, I am hoping that you have some good news to spill right now because I don’t have any other options.” Nag-aalalang sabi nito habang nakatitig sa kanya. "I am running out of time. 10 days from now ikakasal na si Damien."
Marahan naman siyang tumango at kitang kita niya ang pagliwanag ng mukha ng matanda. Para itong nawalan ng tinik sa dibdib.
“Thank you so much, Rian, huwag kang mag-alala at ako na ang bahala sa pagbyahe ng iyong pamilya. Kausapin mo na sila sa lalong madaling panahon at sa susunod na Linggo ay kailangan na nilang umalis.”
“E, nag-aalala po ako sa pwedeng mangyari Don Ramil.”
“Huwag kang mag-alala at hinde ko naman kayo papabayaan. Tutupad ako sa napag-kasunduan.”
“Salamat po.”
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo Rian.”
"Gagawin ko lamang po ito dahil pareho tayong makikinabang."
"Mahal mo ba ang anak ko?"
Nakatitig ang Don sa dalaga habang naghihintay ito ng sagot ngunit mahabang katahimikan ang naging tugon ng dalaga.
"Alam kong mahal mo ang anak ko, gusto ko lamang makasigurado kaya tinatanong kita."
"Opo, ngunit alam ko pong hinde naman niya maibibigay ang pagmamahal na nais ko."
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo iha dahil nangyari na 'yan sakin dati. Ipinakasal lang ako ng aking ama kay Camilla, mapalad na lang ako at natutunan ko din siyang mahalin. Ipinagkasundo lamang kami, anak siya ng isa sa tauhan dito sa Hacienda nung araw. Maalaga naman siya sa akin kaya naman mas pinili ko na ding ibigin siya."
Nabigla ang dalaga sa rebelasyon ng Don. Ni isa sa mga kasambahay ay wala yatang nakakaalam niyon. Ngayon din lamang niya nadinig ang kwentong iyon at galing pa mismo sa bibig nito.
Tatango tango lang naman ang dalaga habang nakikinig.
"Nakikita din namin kung paano mo alagaan si Damien kaya naiisip namin ni Camilla ang aming pinagdaanan at alam kong matutunan ka din niyang mahalin o baka nga mahal ka na niya."
"Hinde niya po ako nakikilala kinabukasan pagkahulas ng lasing niya at masaki po iyon sa akin."
"Tsk tsk," iiling-iling ang Don na tila ba hinde naniniwala sa sinasabi niya.
"Natatakot po akong magalit sakin si Senyorito. Hinde ko din po alam paano mapipigilan ang kasal."
"Simple lang, dumating ka lang sa simbahan at sabihin mong buntis ka at kailangan ka niyang panagutan."
"Para pong hinde ganoon kadali iyon."
"Ikaw na lang ang pag-asa ko Rian, isang milyon ang ibibigay ko sa inyo para makapamuhay kayo ng maayos."
"San po ninyo kami dadalhin."
"Sa Maynila, dahil malawak 'yon kaya mahihirapan siyang mahanap kayo ng pamilya mo. Bibigyan ko din kayo ng allowance na sampung libo kada buwan sa loob ng limang taon, makakatulong yon sa mga kapatid mong nag-aaral."
"Paano po kami makakaalis dito ng hinde malalaman ng mga taga baryo? Alam ninyo naman po ang balita dito, kumakalat kapag may pangyayari na bago."
"Basta pagayakin mo lang sila at ako na ang bahala sa pagbyahe nila. Gabi sila aalis dito at ipapahatid ko sila sa Maynila. Sakali mang wala kayong mapupuntahan ay ako na rin ang maghahanap ng inyong matutuluyan duon basta tulungan mo lang ako. Pwede mo din akong sabihan kung ano mga pangangailangan ninyo at gagawan ko ng paraan na matulungan ka."
"Iba po talaga ang nagagawa ng pera, parang ang dali po para sa inyo ng mga bagay-bagay."
Natahimik naman ang Don sa sinabi niya. Matalino si Rian, pinapaaral nila ito at consistent high honors at Comlaude ito sa magaganap na pagtatapos.
"Alam kong matalino ka Iha, at aminado akong tama ka sa sinasabi mo ngunit gusto ko lang din proteksiyunan ang anak ko. Pinaimbestigahan ko ang pamilya nila Emilia at nalaman kong may lihim pa itong kalaguyo bukod kay Damien."
"Po? Alam po ba iyan ng Senyorito?"
"Sinubukan kong sabihin ngunit talagang matindi ang tama niya sa babaeng 'yon, hinde ko alam kung pagmamahal nga ba iyon o dahil mas gusto niya lang na ang pakakasalan ay kapantay ng estado niya sa buhay. Nakikita ko siya kung paano ka titigan sa malayuan at alam kong may pagtatangi siya sa iyo."
"Si Senyorito may pagtingin sakin? Bakit hinde niya ako nakikilala? Hay naku Rian, 'wag kang magpa-uto at nakikita mo naman paano ka pakitunguhan ng lalaking iyon." Saway niya sa sarili.
"Mahirap pong paniwalaan ang sinasabi ninyo Don Ramil." Mahinang tugon ng dalaga.
Pinipigilan niya ang paglundag ng kanyang puso sa saya.
"O well, wala naman nga akong valid proof, sinasabi ko lang ang observation ko bilang ama. Congratulations nga pala sa graduation mo. Tamang-tama, ga-graduate ka na sa Friday. Pagkatapos nuon ay paghandaan mo na ang pag-alis ng pamilya mo."
"Paano po kapag nahuli ako sa simbahan, baka po saktan ako ni Senyorito?"
"Huwag kang mag-alala dahil meron akong taong papasunurin sa'yo at sisiguraduhin niyang ligtas ka sa kahit anumang oras. Meron akong isang taong lihim na pinagkakatiwalaan na magmamanman sa mga kilos dito dahil wala akong tiwala kay Hangin ngunti hinde mo na kailangan malaman kung sino siya. Siya na ang gagawa ng paraan na maitakas ka."
"Mabuti po kung ganun Don Ramil."
Naupo ang Don sa kanyang swival chair at tila matamang nag-iisip. maya-maya ay may kinuha ito sa drawer at ibinigay sa kanya.
"Para sa'yo ito, ituring mong graduation gift namin ni Camilla."
"Ano po ito?" Tanong niya habang binubuklat ang sobre. "Pera po? malaking halaga po ito."
"Pa-bonus ko 'yan sa'yo sa pagtanggap mo sa offer ko. Magagamit mo iyan paalis dito."
"Salamat po." Simpleng tugon niya habang sinisilid ang pera sa bulsa.
"Rian gusto mo ba ipakasal ko sa'yo ang anak ko?"
"Po? Hinde niya po ako mahal, ayaw ko po ng ganon."
“Iha, kung sakali, pwede ko bang malaman kung nakabuo kayo ng anak ko? Buntis ka ba?”
Nabigla siya sa tanong nito at natigilan. Napamaang ang kanyang bibig dahil hinde niya kayang sagutin ang tanong nito. Titig na titig ito sa kanya at naghihintay ng sagot.
“Ah hinde po!” Napapalulon ng laway ang dalaga sa kaba kasabay ng matinding t***k ng kanyang puso. “Umaasa po akong tutupad po kayo sa usapan at siguraduhing hinde kami mapapahamak.”
"Sasabihan kita sa plano sa mga susunod na araw."
"Sige po. Lalabas na po ako kung wala na po kayong sasabihin pa."
Tumango naman ang Don at mataman siyang pinagmamasdan habang palabas siya sa pinto.
Paglabas ng pintuan ay nakahinga ng maluwag ang dalaga at tuluyan ng bumagsak ang luha.
“O Iha, napagalitan ka ba ng Don at umiiyak ka? Tanong ni Aling Simang.
Nakasalubong niya ito sa komedor papunta sa kanyang silid. Nasa malalim siyang pag-iisip kaya naman hinde niya ito napansin.
“Ah, hinde naman po.” Sagot niya habang pinupunasan ang luha.
“Kung gayon, bakit ka naiiyak? At bakit ba lagi ka yata kinakausap ni Senyor?”
"Kasi po graduation ko na sa Friday, tulad po ng napag-kasunduan ay magtatrabaho po ako sa kumpanya nila sa Maynila. Mamimiss ko po kayo."
"Naku itong batang ito e, mahahawa ako niyan sa'yo." Sabi ni Aling Simang bago siya niyakap ng mahigpit. Magpapakabait ka dun."
"Opo Manang." Sabi niya bago ito tinalikuran at pumunta sa kanyang kwarto.
Pagdating sa kwarto ay kinuha niya ang PT at tinitigan. Ito ang dahilan kung bakit pumayag siyang huwag matuloy ang kasal. Gusto niyang makaganti sa binata.
"Rian gusto mo ba ipakasal ko sa'yo ang anak ko?" Umaalingawngaw sa tenga niya ang sinabi ng Don kanina ngunit hinde niya kayang tanggapin ang alok nito. Ayaw niya ng one-sided love. Lalong hindeng hinde niya matatanggap ang ideyang may gusto ang Senyorito sa kanya dahil kabaligtaran ang pinapakita nito.
Kahapon ay nagising siyang masama ang pakiramdam at halos sinusuka niya ang kinain sa maghapon. Napansin din niyang tapos na ang period date niya kaya bigla siyang kinabahan at bumili ng tatlong pregnancy test kit.
Pag-uwi sa mansyon ay sinubukan niya ng gamitin ang isa. Binasa niya ang instruction kung paano ito gamitin kaya sinunod niya ang proseso at naghintay sa resulta.
"Lord, please 'wag naman po sana," mahinang anas niya habang daklot sa palad ang maliit na aparato.
Kumakabog ang kanyang dibdib habang dahang dahan ibinaligtad ang maliit na bagay na iyon. Halos mabitawan niya ito ng makita niyang dalawang linya ito. Napatakbo siya sa kanyang kwarto at isinubsob ang mukha sa unan habang impit na umiiyak.
Halos magdamag yata siyang hinde nakatulog kakaisip kaya naman hinde siya nakapasok ngayon sa eskwela, mabuti na lamang at wala na silang masyadong ginagawa kundi magpractice para sa graduation.