Arriane Cruz Medina
Dumating ang araw ng Biyernes, ang kanyang graduation day. Pinilit ni Rian na iwaksi muna ang pag-iisip ng mabigat na problema dahil kailangan niyang maging maganda sa araw na ito. Ayaw niyang mahalata ng pamilya ang bigat ng kanyang problema.
Masayang masaya ang lahat sa kanyang pagtatapos. Pinili ng ama na sumama kahit hirap ito sa paglalakad at kahit pa sa gilid gilid lamang sila makakaupo dahil iisang magulang lang ang pwede nilang makatabi.
Kasama si Doña Camilla sakay ng van ay sinundo nila ang kaniyang pamilya papunta sa kabayanan kung saan nanduroon ang kaniyang eskwelahan. Ang ginang ang magiging panauhing pandangal sa okasyon dahil isa ito sa may-ari ng naturang eskwelahan.
"Itay, dito po muna kayo maupo," sabi ni Rian sa ama ng makahanap siya ng pwesto na pwedeng pagtambayan ng mga kapatid at ng kanyang ama.
"Jomar, kumuha ka ng mga upuan at ng makaupo sila ng maayos." Utos nito sa sariling driver bodyguard.
"Opo Senyora," at kaagad na itong sumunod.
Ilang sandali lang naman ay bumalik na ito bitbit ang apat na monoblock chairs at inaya sila sa may gawing unahan malapit sa stage upang duon sila makapwesto. Wala namang magtatangkang pigilan ito dahil ang Senyora ay kasama nila.
"Ay iba din, iba nga talaga kapag tuta ng mataas, walang makakareklamo."
"Oo nga, ang swerte naman talaga ng babaeng 'yan"
Nadidinig niyang nagbubulungan ang mga babaeng inggit sa kaniyang ganda. Madami kasi sa eskwelahan ang nagsasabi na kaya lang siya nabigyan ng parangal dahil kay Doña Camilla ngunit wala siyang pakialam sa mga taong walang magawa. Ang mahalaga ay pinagbubuti niya ang pag-aaral.
Tuloy tuloy lang silang naglakad papunta sa harapan at ng makaupo na ang ama at mga kapatid ay pumunta na sila ng ina sa pwesto kung saan magsisimula ang graduation march. Nakatoga siya ng itim na may ribbon na dilaw.
Paglapit niya sa pila sa may bandang unahan ay nilapitan siya ng kanyang professor.
"Congratulations Ms. Medina. Here's your banner, pakisuot yan." Nakangiting sabi nito.
"Salamat po!" nakanigiti niyang sabi dito.
Agad naman iyong inabot ng kanyang ina na malapad ang pagkakangiti at proud na isinuot sa kanya. Bakit nga ba hinde, e may nakalimbag ditong malalaking letra na ang sabi ay cumlaude. Pang-apat siya sa pila dahil nasa deans list siya at apat lang silang may parangal. Wala namang nakakuha ng Suma at Magna Cumlaude. Sa overall ranking ay pangalawa siya at sa alphabetical order naman ay pang-apat siya.
Naglapitan na ang ilan niyang mga kaklase at kaibigan kaya naman walang humpay na picture ang ginawa nila.
"Tag-tag na lang sa pics ha." Sabi niya sa mga ito.
Napuno yata ng cellphone ang phone niya kasama ang mga pictures nila kanina ng pamilya at ni Senyora.
Ilang sandali pa ang lumipas, ay sinimulan na ang processional march. Dumating na kasi ang panauhing pandangal na si Doña Camilla.
Nagsimula na ang tugtog sa graduation march at hinihintay na lamang niyang tawagin ang kanyang pangalan. Isa pa ay nakaayos naman sila ng ina sa pila.
"Nanay, tayo na po, kasunod na po ako," bulong niya sa ina kaya naman umakyat na sila sa gitnang bahagi ng hagdan.
"Arriane Cruz Medina, COMLAUDE," tawag ng emcee sa kanyang pangalan.
"Anak ko iyan," sigaw ng kanyang ama.
Nakangiti ang Inay niya habang inaalalayan siyang umakyat ng hagdan dahil naka high heels siya. Proud na proud ito, ganun din ang kanyang ama at mga kapatid na pinakamalakas yata ang palapakpak.
Pag-akyat sa stage ay kinamayan nila ng ina ang mga nakapilang board of Directors. May nag-abot na ng kaniyang Diploma na nuon ay naka frame na at ang kanyang apat na medalya.
Ng matapat siya kya Doña Camilla ay hinde nito iniabot ang kamay niya bagkus ay niyakap siya nito ng mahigpit.
"Congratulations anak, you made it. I am so proud of you," sabi nito,
"Salamat po Senyora, kung hinde po dahil sa inyo ay hinde ako makakapagtapos."
"Ay sus, dito pa ba tayo magdadramang dalawa? Mamaya na tayo mag-usap dahil may surprise ako sa'yo."
"Salamat po Senyora," singit naman ng kanyang ina.
"Walang anuman Malou, salamat din at ipinagkatiwala mo siya sa akin."
Sa nangyari ay medyo mas natagalan kami sa taas at alam ng dalaga na naging bulung-bulungan na naman ito ng mga nandun lalo na ng mga makikitid ang utak. Karamihan naman ay hinde ganoon mag-isip pero hinde mawawala ang Marites sa isang lugar.
"Ms. Arriane Medina will receive four medals for being the Quiz Bee Champion."
Nahinto ang emcee sa pagsasalita ng makita nito ang kanyang ama na inaalalayan ni Jomar paakyat ng stage. Dahil pala pinaakyat ito ni Doña Camilla upang makapagsabit din ito sa kanya ng medalya.
"Congratulations anak," bati ng kanyang ama ng makaakyat ito at mahigpit siya nitogn niyakap.
"To continue," nakangiting sabi ng emcee habang nakatingin sa kanila, "she will also receive, Student of the Year Award with perfect attendance, also for her Leadership and Student of the Year award, and lastly Academic Excellence award for being the top 2 student of this school. Also, she will received a plaque of recognition in leading the Chairman's program, "Babangon Tayo sa Bagyo", when we were ravaged by the typhoon early this year."
Sabay-sabay na silang bumaba kasama si Doña Camilla at dumiretso na ng alis. Hinde na nila hihintayin matapos ang programa. Wala din naman siyang gaanong totoong kaibigan sa mga kamag-aral at isa pa ay nagpicture na sila kanina.
Pagsakay sa van ay hinubad niya na ang kanyang toga . Nakabestida siya ng asul na pinatahi pa ng Senyora para sa kanya. Nagpalit na din siya ng flat shoes dahil nangangalay na siya sa 3 inches high heels na kasama nitong ibigay sa kanya.
Hinde naman nagtagal ay huminto sila sa isang restaurant at inabutan nila doon si Don Ramil kasama si Damien kaya naman nagulat sila dahil sa special lunch na iginayak ng ginang para sa kanilang pamilya.
"Congratulations Iha," bati ng Don sa kanya.
Kinamayan nito ang kanyang ama't ina. Si Damien naman ay tahimik na napatulala sa kaniya ng makita siya ngynit hinde ngumingiti man lang o di kaya at bumabati.
"Damien, batiin mo naman ang ating dalaga at nakapagtapos na siya with high honors," sabi ng ginang sa anak.
"Congrats, what was your name again?" Tanong pa nito na nakalahad ang kamay.
Lalong nainis si Rian sa tanong na binata kung ano nga ba ang pangalan niya kaya naman hinde niya iniabot ang kamay dito at tiningnan niya ng pairap. Marahil dala ng paglilihi ay nabubuhos niya ang frustrations at pagkainis dito.
Hinde na rin siya nagpasalamat dito at tahimik na lang na umupo. Nakita ng dalaga ang pagkunot nito ng noo at dahan dahang ibinaba ang mga kamay.
Mula kasi sa araw na iyon ay sa kanila na siya uuwi dahil gusto niyang makasama ang pamilya bago ito umalis sa Sta. Monica. Mahirap na at baka hinde na sila magkita pa na isa sa kinatatakutan niya.
At pinapangako niyang hinde na mauulit muli ang nangyari sa kanila.
Nagpapakiramdam sila ni Damien habang kumakain at nahuhuli niya itong tumititig sa kanya.
"Hayup ka, lubayan mo ko ng kakatingin." Nakairap niyang sabi sa isip.
"Damien, hinde ka yata makakain ng mabuti," puna ng ina nito. "Baka naman naiinlove ka na kay Rian niyan. Magandang dalaga di ba anak?"
Halos masamid sila tatlo ni Damien kasama ang Don sa tinuran ni Doña Camilla. Wala naman kasi itong alam sa kanilang lihim.
"Ako, e boto naman kay Rian," panunudyo ng Don.
"Stop it Pa, I am getting married next week." Mataray na sabi ng binata na halatang naiinis sa ama. "Pinilit n'yo lang naman po akong isama rito."
Tumahimik na lang ang lahat sa namumuong tensyon.
"Ungas ka, napipilitan ka lang pala bakit ka pa sumama dito." Sabi ng isip niya habang matalim ang matang nakatingin dito.
Nakipagtitigan ang lalaki sa kanya at walang gustong magpatalo. Ngunit nagtataka si Rian kung bakit iba at may care ang mga tingin nito sa kanya.