[Eve's POV]
Mabilis kong iniwas ang mga tingin ko at itinuon ang pansin sa pagpupunas ng pawis ko sa aking mga braso. Panay ang lunok ko dahil ramdam ko pa rin ang mabibigat niyang mga titig.
"Ay itlog!" Gulat na sigaw ko dahil sa paglingon ko ay sobrang lapit ng kanyang katawan sa akin. Napahawak ako sa dibdib sa sobrang nerbyos habang umaatras papalayo sa kanya.
"Kaninong itlog ba ang iniisip mo, Eve?" Agad akong namula sa tanong niya. Namimilog ang mga matang hinarap ko siya. "A-anong itlog?"
He looked so amused because of my expression. "Kung ano raw ang sinasabi mo kapag nagulat ka ay iyun ang iniisip mo. So, answer me. Kaninong itlog ba?"
"A-anong kanino?" Ramdam ko ang pag-iinit ng leeg ko dahil sa kanyang tanong. Sumulyap pa ako sa magkabilang gilid para tingnan kung may nakikinig ba bago ako lumapit sa kanya. "Why are you talking like that?" I asked in a small voice.
"I'm just curious, Eve." Pilyong sagot niya. "Kay Jacob ba?" Umawang ang labi ko at agad na nawala ang kanyang ngisi dahil sa ekspresyon ko.
"Kay Jacob nga? It's broad daylight and you're thinking of something malicious, Eve?" Bakas ang inis sa kanyang boses na ikinagulo ko. He's like a person who has bipolar disorder.
"What?! I'm just thinking of getting an egg sandwich waffle. Ba't kasi kapag itlog, iyung sa pang-ibabang itlog agad?" Magkasalubong ang kilay na kontra ko at agad na lumambot ang mukha niya. A smirk starts to slowly form on his lips.
He's like insane!
"Then, let's get you an egg sandwich waffle."
I'm quite confused by how he's treating me. I'm not just imagining things, am I?
"W-we're still on training."
"I'm the Coach, Eve, remember?"
Lutang akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami ng food court.
"Ako na."
"H-huh?" Nagtataka ko siyang hinarap habang bumubunot ng pera sa wallet ko.
"My treat," tipid niyang sagot at bago pa ako makaapila ay inabot niya na ang kanyang debit card sa cashier.
Oh, no! This is a dream. I'm just dreaming. Nilibre ako ni Caleb? This can't be. Alam kong hindi siya ganoon ka-worse pero sigurado naman akong hindi siya ganito kabait.
"Why?" Tanong ko habang nakatulala nung makaupo na kami sa aming mesa.
"Hmm?"
"Why did you pay for my food?"
"I just... feel like doing so." Tumango ako na parang naintindihan ko ang sagot niya pero sa totoo, hindi. His reason is not reasonable!
Nakatulala lang ako sa mesa at kinakain ang waffle ko habang iniisip kung bakit siya biglang naging mabait. Kahapon lang ako bumalik sa paglalaro, ba't parang ang mabilis?
"Eve," tawag niya sa mababang boses at agad naman akong tumingin sa kanya pero mabilis lang. I quickly averted my gaze after accidentally staring directly to his eyes.
"No, Eve. Look at me." Tumingin ako sa kanya pero hanggang dalawang segundo lang. I can't maintain eye contact. His eyes are just too much for me. I wasn't born to compete in a staring contest!
"Eve," tawag niya muli at parang nagtitimpi. Mabilis akong umiling bago pinagpatuloy ang pag-ubos ng waffle.
"Look at me." May diing ulit niya pero umiling muli ako. "Hindi ko kaya," diretsong ani ko.
"Why?"
Is he really asking me why? Then paano ko siya sasagutin?
"N-naiilang ako."
"Kaya apektado ka sa mga titig ko tuwing naglalaro ka."
Hindi ako sumagot. Nahihiya ako. Yes, siya ang nagbayad ng waffle ko but there's still an ice between us. Hindi pa rin ako komportable sa kanya.
"Tumingin ka sa akin, Eve."
"No, ayoko ko, hindi ko kaya."
"But this can improve your game," may bahid na inis ang kanyang boses. Bumuga siya ng hangin at tila pinapakalma ang sarili. "Come on, Eve. Kahit paonti-onti. If you can stare at me for a whole minute, you'll be unbothered in your game."
"Talaga?"
I felt him nod. "Of course," he responded in a whisper that only I can hear.
"Okay," tumango ako tsaka yumuko. Humugot ako ng lakas bago dahan-dahang inangat ang tingin.
I gasped before looking away again. His eyes were fiery. Sobrang dami ang tumatakbo sa mga mata niya na nakakapasong tingnan. His stares were so focused and filled with passion, and other things which is too much for me to stare at.
"You hate me that much that you couldn't even look at me?" Napaawang ang mga labi ko sa assumption niya. Mabilis akong umiling bilang depensa. "No, Sir. I don't... hate you. I don't hate people."
Lumipat ang tingin ko sa mesa at mula roon ay ramdam kong napakurap siya. I heard him cleared his throat before talking. "Then why... can't you look at me?"
"Naiilang nga kasi ako."
"Pero kaya mong titigan si Elcid, Alaric, at kahit si Jacob sa mata?"
"They're different– you are different. Your eyes are different."
"What kind of different?" His tone sounded so amused but it's not enough to take away the tension that I feel.
"Your eyes are piercing, serious, and cold, but also filled with passion, even quite fiery at the same time– I mean, there's a lot going on inside your eyes and it's just too much for me! Whenever I would look into your eyes, I could see embers flying around in a pitch black background." Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang sinabi ko o kahit ang lakas ng loob para ibuka ang aking bibig. I don't even think he understood any of what I said sa sobrang bilis kong magsalita.
"Hmm... so that's what you see," he said huskily while nodding.
"So, what should I do then? Para lang matitigan mo ako?"
Humarentado ang puso ko sa tanong niya. I could feel the goosebumps running down my spine. Hindi ko alam pero... parang may iba sa tanong niya.
"M-maybe, if you stop looking so... suplado," sagot ko sa mahinang boses nang nakanguso ko and the next thing I heard is his chuckle.
Parang may nabuhay sa dibdib ko dahil sa pagtawa niya. It sounded so prestige and honest. Para akong nasa panaginip ngayon. It's the first time I ever heard him laugh.
"Fine, then. I'll stop looking so suplado," aniya habang tumatawa.
Inangat ko ang tingin sa kanya at parang tumigil ang buong paligid nung mapagmasdan ko ang pagngiti niya.