Passion

1083 Words
[Eve's POV] "Eve, ipasok mo na sa stuck room yung mga gamit." "Pakibilisan, Eve, nag-aantay na ang mga trucks." Super rush ngayon sa factory dahil iilang supply na lang ang natira bago mag-close ang corporation. Hera told Dad about all my proposals and Dad told her that he'll check it out. Psh, I doubt so. His ears are covered if it's coming from me. Halos hindi na ako makahugot ng hininga dahil sa sobrang dami ng mga gagawin. I stink just like the sardines that I'm packing. Malapit na alas singco nung natapos ako sa trabaho. This will be my last day at work. Mga kasamahan ko ay mawawalan na rin ng trabaho. Most of them are only elementary graduates from the province. Pagpasok ko sa Lighthouse ay agad kong nakita si Sir Caleb na nakaupo sa bench, nakatukod ang mga siko sa tuhod habang may hawak na bottled water ang magkabilang kamay. Mukhang malalim ang iniisip... o baka nainis at nainip sa kakahintay sa akin. "S-sorry, Sir." Pumipiyok ang boses na ani ko habang nakayukong lumapit sa kanya. Unti-unting umangat ang tingin niya pero nananatili akong nakayuko. Napasinghap siya bago tumayo at tinalikuran ako. Kinakabahan akong napalunok dahil sa kanyang inasta. Mukhang badtrip dahil siguro late ako. He's the type who doesn't likes to wait. Well, anong magagawa ko? I couldn't leave early. "K-kakagaling ko lang kasi sa work, na-overtime." I said in a low voice. I know he's kinda mean but I hope he understands. I raised my gaze and I almost fell on my knees when his eyes met mine. I quickly averted my sight in another direction. "You still couldn't look at me." "I was caught off-guard!" I blurted out. "Then look at me." Pagod ako galing trabaho. I want to play to relieve myself from stress, to unwind but how can I? "I don't understand how staring at you could improve my game. Most successful athletes are introvert!" "Not staring into someone's eyes can mean a lot of things, Eve. It could show that you're maybe hesitant, guilty, afraid, angry, and not interested. Having the confidence makes you bold, unshaken, brave, intelligent, and cunning. You need that attitude in your game." Sir Caleb said with precision but my eyes remained staring on the floor. "It's not about confidence, it's all about passion." I said and it got him quiet. Napakurap-kurap ako dahil tumagal ang pagiging tahimik niya. Out of curiosity, I slowly turned my head towards him and my amusement was oblivious when I noticed the smirk on his lips. "Then show me, Eve. Show me passion." His eyes lit up, like a wild fire coming to life. "Passion drives out one's confidence. That's what my friend used to say." I continued when I remember what Lea used to say back in seventh grade. "I want to see it then. I want to see you play with passion." Bumaba ang tingin ko sa kanyang sapatos bago umiling. "But I don't have that passion like my friend. I don't have that kind of determination enough to have confidence." Before he could even speak, Sir Elcid called him. Umangat ang tingin ko sa kanya at nakaawang ang mga labing nasa akin ang kanyang atensyon. "Magsimula ka na muna nang wala ako." Lumapit siya kay Sir Elcid sa may rentahan ng sapatos. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya at hindi ko na maalis ang mga mata ko. He moves swiftly and fine. His broad shoulders are steady and his every step seems unshaken. Parang... walang may kinakatakutan... na parang walang bagay siyang inaalala. His tongue might be sharp but he doesn't care about other people. He could freely express everything that are going on inside his head. Gusto ko rin ng ganyan. Gusto ko ring matutunang tumayo nang walang kinakatakutan... na hindi ko na kinakailangang yumuko pa o makaramdam ng ilang. I want to look into someone's eyes for a minute... or maybe two. Natigilan ako nung makita ko ang isang coach na babae na binaliktad ang signage sa may pinto. Imbis na open ay naging closed na. "Meeting daw!" Anunsyo niya kaya nataranta ako. Lalabas ba ako? Mukhang napansin niya ang pag-alala ko kaya ngumiti siya bago umiling nung magtama ang mga mata namin. "Laro ka lang daw po diyan, Ma'am." I scanned everything around me and noticed that I'm the only client left. It's almost six and I wonder what the meeting is all about. Pinanood ko muna ang lahat ng tauhan na pumasok sa isang kwarto na para lang sa mga empleyado. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nakakabinging tahimik. Tipid akong napangiti bago lumapit sa ball holder na nasa pinakadulong alley. Napakagat ako ng labi bago pumikit at bumuga ng hininga. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bola at mariing tiningnan ang mga pins. Go straight and full speed! Nagsimula na akong humakbang at malakas na pinadulas ang bola sa alley. Bahagya akong napatalon nung magka-strike ako. Dali-dali akong kumuha muli ng bola at may kompyansang pinadausdos muli ang bola. Strike again! Umabot ng tatlumpong minuto ang paglalaro ko. Nakatatlong game rin ako at halos hindi ko na nga namalayan ang oras dahil sa sobra akong nalibang. I got 285, 287, and 289 points consecutively. Not bad but I've done better. 295 siguro yung high score ko and it's amazing dahil pangalawang try ko pa lang sa bowling nung makakuha ako nang ganoon kalaking puntos. I let out a heavy sigh as I approach the bench. Kinuha ko ang tumbler ko at umaambang iinom na nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. The meeting just ended and I quickly took my phone, pretending to be busy when I noticed that all the employees are staring at me. I keep dragging the notification panel up and down. Panay swipe lang ang ginagawa ko at parang hindi alam kung anong gagawin sa cellphone. Maya-maya ay naramdaman ko sa wakas ang presensya niya sa harapan ko. "T-tapos na kayo?" Napapalunok kong tanong na hindi inaalis ang mga mata sa screen ng phone. "I guess you have passion you don't want the world to know about." "H-huh?" Naguguluhan akong napalingon sa kanya. Tumingin ako sa kanyang mukha, hindi sigurado kung saang bahagi basta hindi sa mga mata niya. Ininguso niya ang nasa gilid ko, sa mataas na bahagi. Sinundan ko ang direksyon ng pagkaturo niya gamit ang kanyang labi at napadpad ang mga mata ko sa CCTV. "I've been watching you play alone, Eve, and you're right. It's all about passion."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD