Ngiting-ngiti si Oliver habang sinasabayan niya sa paglalakad si Rodrigo papunta sa mansyon at tinitingnan ang buong paligid. Mula sa luntiang kulay nito hanggang sa napakagandang ayos. Hindi maikakaila sa mukha nito ang matinding pagkamangha sa lahat nang nakikita niya. Tiningnan naman ni Rodrigo si Oliver. Napailing-iling na lamang ito sa nakikitang reaksyon nito na parang ngayon lang nakapasok sa ibang mundo dahil sa sobrang pagkamangha. “Bilisan mo maglakad,” malamig na utos ni Rodrigo kay Oliver. Tiningnan naman ni Oliver si Rodrigo. Ningitian niya ito. “Ang ganda rito,” aniya. Napangisi na lamang si Rodrigo saka iniwas ang tingin kay Oliver at ibinalik ang pagtingin sa nilalakaran. Ilang minuto pa ang lumipas at narating na nila ang mansyon. Binuksan ni Rodrigo ang malaking pin

