Pabalik-balik sa paglalakad si Rodrigo sa loob ng kanyang opisina. Hindi siya mapakali dagdagan pa na matindi siyang kinakabahan sa magiging resulta ng DNA test na isinagawa sa kanila ni Oliver sa isang mapagkakatiwalaang testing laboratory. Sa totoo lang, ayaw niya sanang maniwala sa mga sinabi ni Oliver. Hanggang ngayon ay may agam-agam pa rin siya. Mamaya kasi ay nagpapanggap lamang ito na anak niya. Pero wala namang mawawala kung aalamin niya ang totoo. Kung nagsisinungaling man sa kanya si Oliver ay sisiguraduhin niyang magbabayad ito sa kanya ng malaki. Nagbuga nang hininga si Rodrigo. Huminto sa paglalakad at nilapitan ang malaking bintanang salamin. Tumayo siya sa harapan nito at tiningnan ang view sa labas. Ilang sandali lang ang lumipas ay napalingon si Rodrigo sa pintuan ng

