CHAPTER 49

2158 Words

Minamaneho ni Warren ang kotse niya habang nakatingin ang mga mata sa kahabaan ng daan na kanyang binabaybay pauwi ng mansyon. Seryoso ang kanyang mukha dahil hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang naging usapan nila ni Warson kanina. Aminado si Warren na nakakaramdam siya ng awa para sa kakambal. Hindi iyon mapipigilan lalo na at kapatid niya ito pero gayunman, hindi niya kukunsintihin ang kagustuhan nito. Nasasaktan man ito ngayon pero wala na siyang magagawa para doon. Hinihiling niya na sana ay matanggap na lamang nito ang lahat dahil kahit anong gawin pa nito ay wala itong mapapala mula sa kanya. Paulit-ulit lang itong masasaktan ng dahil sa kanya at kahit ayaw niya, iyon ang palaging mararamdaman ng kakambal mula sa kanya. Nagbuga nang hininga si Warren. Lumunok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD