Nakatayo sa tapat ng bintana si Warren. Pinagmamasdan ang kapaligiran sa labas habang sinisimsim ang alak na nakalagay sa hawak nitong kopita. Kinakalma niya ang kanyang sarili. Nakaupo si Warson sa ibabaw ng kama. Pinupunasan ang mukha gamit ang basang bimpo na inihagis sa kanya kanina ni Warren. Matapos punasan ni Warson ang mukha ay hinubad naman niya ang suot niyang t-shirt. Pinunasan ang magkabilang braso pati na rin ang kili-kili, ang maumbok niyang dibdib na nalagyan rin ng pagkain saka ang flat niyang tiyan. Kinuha niya ang bagong t-shirt na nakapatong lang din sa kama saka ‘yun na ang isinuot pagkatapos niyang malinis na ang sarili. Humugot ng malalim na hininga si Warson pagkalagay niya ng bimpo at damit niyang pinaghubaran sa side table. Tumingin ito kay Warren na tulalang na

