CHAPTER nine “NASASAKTAN ako, Randall, ano ba!” Patuloy sa pagpupumiglas si Aria. “Nagkakamali ka ng iniisip!” Walang ingat na ideneposito siya ng binata sa kama. Nanlilisik ang mga mata nito at naggagalawan ang mga muscles sa mukha. He looked so mad. Noon lang nakita ni Aria ang bahaging iyon ng pagkatao ni Randall. “Kaya ba ayaw mong magpakasal sa akin, ha? Ayaw mong matali sa iisang lalaki?” puno ng hinanakit ang boses na akusa ng binata sa kanya. Isang malutong na sampal ang isinagot ni Aria sa pagbabaka-sakaling matauhan si Randall. Ngunit tila lalong bumagsik ang hitsura ng binata. Marahas na hinubad ni Randall ang top ng suot niyang swimsuit. Nalantad sa paningin nito ang kanyang mga dibdib. Naitakip ni Aria ang mga braso sa harapan. “R-Randall… Please listen to me…” pakius

