"Sarap ng chillz no?" Aalis ba ako sa bahay ni Grey o hindi? Parang mababaliw na ako kakaisip, yung lalaking iyon, sigurado ako na gangster rin siya. Masakit ang mga sinabi niya, huwag na raw akong umasa kay Grey kasi hindi naman daw pwedeng magmahal si Grey, dahil sagabal lang daw ako kay Grey. Baka ako pa daw ang dahilan ng pagkamatay ni Grey dahil umaatake na daw ang mga gangster slayers. Paano niya nasabi na ako ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Grey? Nalilito ako sa mga nangyayari. Naguguluhan ako, parang mababaliw na yata ako e. Naibalik ako sa realidad nang may maramdaman akong bumatok saakin. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Jin na naka poker face. "Oh ayan, nakuha ko na rin ang atensiyon mo." Sabi niya at inilapag sa arm chair niya ang chillz na hawak niya. "Kani

