Chapter 22

1676 Words

Nandito ako ngayon sa bagong apartment na titirahan ko, tama bago, hindi ako bumalik sa dati kong apartment. Baka kasi puntahan ako ni Grey doon, pero malabo. Galit na siya saakin e, pero mas maganda na rin ang manigurado. Mabuti na lang talaga at marami akong budget ngayon dahil hindi ko ginagasta ang mga sweldo saakin ni Grey. Kinapa ko yung bulsa ko para kunin ang cellphone ko pero wala yung cellphone ko! Tinignan ko lahat ng gamit ko pero wala pa rin, saan ko ba nailagay iyon? Baka sa sobrang pagka-lutang ko nahulog ko sa jeep. Nakakainis naman, yun na nga lang yung cellphone ko naiwala ko pa. Huminga ako ng malalim at humiga na sa kama, bukas na lang ko na lang aayusin ang mga gamit ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Grey. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD