Madaling araw na nang makauwi kami, mukhang pagod na pagod si Grey.
"Good night," inaantok niyang sabi at umakyat na sa kwarto niya. Grabe. Ang saya ko, nakausap ko si mama. Buong gabi nagtambay lang kami sa school garden ka skype si mama.
Nakangiti akong pumasok sa kwarto ko, kahit pagod ako masaya pa din ako. Salamat kay Grey.
*
Sunday na ngayon, aalis pala kami ni Adam. Pero hindi ko alam kung anong oras. Pinagpatuloy ko na ang paglilinis ko, kahit maaga pa lang naglinis na ako. Kasi nga aalis ako, hindi pa nga ako nakakapag paalam kay Grey.
Nang matapos kong linisin ang kusina nagtungo ako sa sala at iyon naman ang nilinis ko.
"Ang aga naman yan Mariese," natigilan ako sa paglilinis at awtomatikong napatingin kay Grey. Pababa siya ng hagdan habang ginugusot ang mata niya, magulo rin ang buhok niya. Mukhang kakagising niya lang.
"Aalis kasi ako mamaya e," sabi ko nang tuluyan na siyang makababa. Magkaharap na kami ngayon. "Pwede ba?" Tanong ko. Boss ko pa rin naman siya kaya dapat nag papaalam ako.
"Pwede naman," sabi niya.
"Yay! Thanks!" Nakangiti kong sabi.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya saakin.
"Hindi ko alam e," sabi ko.
He looked at me in disbelief at mukhang nagising ang diwa niya. "Nababaliw ka na ba? Aalis ka tapos hindi mo alam kung saan ka pupunta?" Sabi niya at ngali-ngali niya pa akong batukan.
"E sa hindi ko talaga alam e," sabi ko.
"Sino bang kasama mo? Si Jin?" Tanong niya.
"Hindi, si Adam." Sagot ko at pinagpatuloy ang paglilinis ko.
"WHAT?!" tanong niya. Hinarap ko siya, gising na gising na talaga ang diwa niya.
"Si Adam nga." Sabi ko.
Tumikhim siya at inayos ang tindig at ekspresyon ng mukha niya. "O-okay sige." Sabi niya.
"Okay," sagot ko naman at naglinis na ulit. Naramdaman kong umalis na siya, nagpunta sigurong kusina.
Ilang oras natapos ko ng linisin ang buong bahay, nakapagluto na rin ako para may kainin si Grey. Tinignan ko ang wall clock, 10:00 am na pala.
"Maliligo na ko, ipinagluto na kita ng pagkain para may kainin ka." Sabi ko kay Grey na ngayon ay nanonood ng action movie sa TV habang nakataas ang paa sa center table.
"Sige," tipid niyang sagot habang naka focus pa rin sa pinapanuod niya.
Pumasok na ako ng kwarto ko at naligo na, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nang matapos kong magbihis ay lumabas na ako, nadantan ko pa rin si Grey na nanonood ng TV. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakabalot siya ng kumot.
"Grey may sakit ka?" Tanong ko.
"Wala, nilalamig lang ako." Sabi niya habang nakatingin sa TV. Pambihira ang init-init e.
Nagkibit balikat na lang ako. "Alis na ko," paalam ko sakanya.
"Okay bye." Tipid niyang sagot habang nanonood pa rin. Himala parang hindi mainit ang ulo niya ngayon, parang okay lang sakanya. Kasi dati tanungin lang ni Adam ang pangalan ko nagwawala na siya.
Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng unit. Pinindot ko ang doorbell ni Adam. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa si Adam na nakasuot ng black leather jacket na nakabukas at kulay puti ang panloob na V-neck, black jeans at simpleng sneakers. He looks cool. Nahiya naman ako sa suot ko, jeans at simpleng blouse lang ang suot ko match with flat shoes.
"Sorry ako pa ang sinundo mo," nahihiya niyang sabi sabay kamot sa batok niya.
Ngumiti ako. "Ano ka ba, ang lapit mo lang." Sabi ko.
"Tara na?" Pag-aya niya, tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad.
Grey Jushean Garde
Paglabas na paglabas ni Mariese ay inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at inilagay ipinatong sa sofa na hinihigaan ko. Pinatay ko na rin yung TV.
Noong naligo si Mariese ay naligo na rin ako. I'm wearing a black long sleeves polo at finold ko yung sleeves hanggang ilalim ng siko, jeans at middle cut black converse. I wore a cap and shades. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at sinilip sina Mariese, pasakay na sila ng elevator.
Nang tuluyan na silang makasakay ng elevator ay tuluyan na akong lumabas ng unit ko. Sumakay na rin ako ng elevator.
Nang bumukas ang elevator ay nahagip ng mga mata ko sina Adam at Mariese kaya pa sikreto ko silang sinundan. Sumakay sila ng kotse ni Adam kaya sumakay na din ako sa kotse ko. Pinauna ko na muna sila at nang makalayo-layo na sila ay nagsimula na akong mag drive. Kahit malayo na sila nakikita ko pa rin sila kaya hindi ako mahihirapang sundan sila.
Shit, why am I doing this? Nagiging stalker na ba 'ko? Damn. Bahala na, nandito na ko e. Sayang naman tong porma ko.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsunod sakanila hanggang sa tumigil sila sa isang mall, pinark ko yung kotse ko malayo sakanila para hindi ako mahalata. Hinintay ko munang bumaba sila, naunang bumaba si Adam at pinagbuksan ng pintuan si Mariese. Take note sa passenger seat nakaupo si Mariese. Pa gentledog tong Adam na 'to, kainis.
Nang nagsimula na silang maglakad papasok ng mall ay bumaba na ako. Bakit ba ang lapit nila sa isa't-isa? Pinagpatuloy ko ang pagsunod ko sakanila, bigla akong napangisi.
Salamat at hiwalay sa male and female ang entrance ng mall, atleast naghiwalay sila kahit ilang segundo lang. Nang medyo makalayo na sila ay sunod naman akong pumasok. Kinapkapan ako nung guard.
"Holdapper ka ba?" Tanong niya.
Gulat ko siyang tinignan. "Hindi ah!" Sagot ko.
"E bakit ganyan ang get up mo? Hindi ka na makilala e." Sabi niya.
"Basta," sagot ko at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.
"Hindi ka pwedeng pumasok, mukhang hindi ka gagawa ng matino." Sabi niya. Tinignan ko ang kinaroonan ni Mariese at napamura ako sa isip ko nang mawala na sila.
"Pambihira naman bro! Nakaka bad trip ka naman e!" Inis kong sabi at inalis ang cap at shades ko. "Oh! Yan ha? Nakita mo na mukha ko?!" I hissed at marahas na binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"Paano ako makaka sigurado na hindi ka gagawa ng krimen?" Tanong niya. Ang daming tanong nito! Nasaan na kaya sina Mariese?
"Ay punyeta naman! Kung gusto mo panuorin mo bawat kilos ko sa CCTV! f**k, yung girlfriend ko di ko na masundan! Bwisit!" I hissed. Ugh! Nangigigil na ko sa guard na 'to, daig ko pa ang ininterview.
"Ah sinusundan mo ba yung girlfriend mo ng pasikreto kaya ganyan ang get up mo?" Tanong niya habang nakangiti.
"Aish! Bwisit!" Tanging nasabi ko na lang at ngali-ngali pa akong batukan siya.
"Sorry sir, happy stalking." Nakangiti niyang sabi. Pumasok na lang ako ng mall at sinuot na yung cap at shades ko. Nakaka bad trip yung guard na yun! Nawala na tuloy yung sinunsundan ko. Damn, ipapasapak ko talaga yung guard na yun sa mga tauhan namin pag hindi ko mahanap sina Mariese.
Nagsimula na akong maglakad-lakad para hanapin sina Mariese at Adam. Nasaan na ba nagsuot ang mga yon? Kaagad akong pumwesto doon sa isang zagu booth na kunwari bumili ako nang makita kong papunta sila sa kinaroroonan ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang magpunta sila dito sa Zagu booth. s**t, s**t talaga.
"Anong gusto mong flavor?" Dinig kong tanong ni Adam.
"Mocha na lang," sagot ni Mariese.
"Wow favorite mo din yun?" Nye nye. Shut up dude.
"Oo, masarap kasi e." Sagot ni Mariese.
"Same taste pala tayo," sabi ni Adam. Oh c'mon!
Halos manigas ako sa kitatayuan ko nang tanungin ako ni Adam. "Bro bibili ka ba?" Tanong niya. Yumuko ako at iniba ko ang boses. "Uhm, sige mauna na kayo." Sabi ko at lumayo ng konti sakanila.
"Ah hindi okay lang, first come first serve," sabi ni Mariese. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakayuko pa rin ako.
"Hindi, ayos lang mauna na kayo." Sabi ko.
"Hindi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng magsalita yung nagtitinda.
"Bibili ba kayo o ano?" Mataray nitong tanong.
"Ah pasensiya na," hinging tawad ni Adam. "Sige dalawang mocha yung large." Sabi niya.
Habang hinihintay nila yung order nila ay nag-uusap sila.
"Mariese, saan mo gusto pumunta next?" Tanong ni Adam. Tss. Ang bobo nito. Kapag dine-date mo ang isang babae ikaw ang mag decide kung saan kayo pupunta at siguraduhin mong mag e-enjoy siya.
"Ikaw ang bahala, hehe." O kita mo? Ikaw ang nag-aya kaya dapat alam mo kung saan kayo pupunta.
"Osige, magpunta tayong arcade." Sabi ni Adam. Ano naman ang gagawin nila doon? Mag ba-basketball? Hindi sporty si Mariese! Dapat sa bookstore mo siya dalhin! Moron!
"Okay sige," sagot niya. Pumayag siya? Masyado kasi siyang mabait kaya hindi niya kayang tumanggi. Psh.
Ilang minuto pa ay ibinigay na nila yung order nila at umalis na sila, sinundan ko sila ng tingin. Hihintayin ko muna silang makalayo ng kaunti.
"Anong order mo?" Hindi ko pinansin yung tindera.
Nang makalayo na sila ay nagsimula na akong maglakad.
"Hoy teka! Hindi ka pa o-order?!" Hindi ko na pinansin yung tindera. Bahala siya. Sinundan ko sila at tama nga nagpunta sila sa arcade. Bumili si Adam ng token, nang makabili na sila ay nagtungo doon sa claw machine. Bumili na rin ako ng token at nagtungo sa basketball, malapit kasi doon sa claw machine yung basketball. Naghulog ako ng token doon sa basketball at nagsimulang ma-release yung mga bola.
Pasimple ko silang sinusulyapan nag co-concentrate si Adam sa pagkuha ng isang stuff toy.
"Go Adam!" Pag-checheer ni Mariese. Ngiting aso naman si Adam habang kumukuha ng stuff toy nang pipindutin na niya yung button para makuha yung stuff toy binato ko siya ng bola at sapul iyon sa ulo niya. Patay malisya akong nag shoot ng bola sa ring. Muli ko silang sinulyapan at halos lumabas ang mata ko mula sa shades ko nang makita kong hinahawakan ni Mariese yung parte ng ulo na natamaan ko ng bola.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Mariese.
Ngumiti si Adam. "Okay lang ako." Sagot niya.
Kumuha ulit ako ng bola at binato ko ulit si Adam, sapul uli iyon sa ulo niya. Sabay silang napatingin saakin. Inalis ko yung cap ko at yung shades ko at maangas ko silang tinignan. Nag-igting ang bagang ni Adam nang makita ako habang si Mariese naman ay gulat na gulat.
"Grey?!" Gulat na sabi ni Mariese.
"Garde!" Adam said in gritted teeth. Ngumisi lang ako.