June Mariese Dizon
Kawawa naman si Adam, nabato siya ng bola sa ulo habang kumukuha ng cute na stuff toy. Malapit lang kasi itong claw machine doon sa mga naglalaro ng basketball.
"Ayos ka lang?" Tanong ko habang nakahawak ako doon sa parte ng ulo niya na natamaan.
Ngumiti siya. "Oo okay lang ako." Sagot niya. "Aray tangina," mahina niyang sabi nang may matamaan nanaman siya ng bola sa ulo. Sabay kaming napatingin doon sa mga nag babasketball, pero nakuha ng atensiyon namin yung lalaking naka black na polo, naka cap siya at shades kaya hindi mo makita ang mukha niya. Pero isa lang ang sigurado ko, ito yung lalaki kanina doon sa zagu booth.
Tinanggal niya yung cap niya at yung shades niya, halos lumuwa ang mga mata ko nung makita ko kung sino siya. Maangas niya kaming tinignan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Grey?!" Gulat kong sabi. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Garde!" May galit sa boses ni Adam.
Nginisian niya lang kami. Tinignan ko si Adam, he closed his fist. Mukhang naiinis siya sa ginawa ni Grey. Bakit ba kasi nandito siya? Sinundan niya ba kami?
"Damn this Beautiful Man," Adam said in gritted teeth.
Hinawakan ko yung balikat niya. "Calm down," sabi ko. Tinignan niya ako at huminga siya ng malamim. Maya-maya ay huminahon na siya. "Ako na ang bahala sakanya, diyan ka lang." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya at naglakad na ako palapit kay Grey. Habang papalapit ako sakanya ay nakangisi pa rin siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong nang makalapit ako sakanya.
Hindi pa rin natatanggal ang ngisi niya. "Wala na ba akong karapatang mag mall?"
I rolled my eyes. "Grey," tawag ko sa pangalan niya at huminga ng malalim.
"Yes?" Nakangisi niyang sabi. Ugh. He's playing around and I hate it.
"Tapatin mo ko," seryoso kong sabi. "Sinusundan mo ba kami?" Tanong ko. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, pinagpapawisan siya at namumutla. Tumingin siya sa kaliwa at kanan niya na para bang naghahanap ng idadahilan.
"I knew it," sabi ko. Tinignan niya ako at nginisian. May gana pa siyang ngumisi?
"Hindi mo ba alam na stalking ang ginagawa mo sir?" Taas kilay kong tanong.
He laughed. "Who says I'm stalking you?" Mayabang niyang tanong.
"Yan ang problema sainyong mga lalaki e, huling-huli na nag de-deny pa." Sabi ko.
"Oh really?" Nakangisi niyang sabi at tumingin doon sa entrance nitong arcade.
"Molly!" Napatingin ako kung saan siya nakatingin and there I saw Molly. Papalapit na ngayon siya saamin.
"Oh my gosh Grey!" Masaya niyang sabi. Noong makalapit naman siya ay kaagad siyang inakbayan ni Grey.
"I'm meeting Molly that's why I'm here and I'm not stalking you." Nakangiting sabi ni Grey.
Kumunot ang noo ni Molly pero kaagad niyang binawi iyon at pinagtarayan ako. "Ya! He's right, we're dating!" Maarteng sabi ni Molly.
Tinaasan ko ng kilay si Grey. "Talaga lang huh?" Sabi ko. Parang ang hirap kasi paniwalaan, si Molly? Grey hates Molly. You can't fool me Mister.
"Yeah, talaga." Sagot niya.
"Hey," si Adam na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Grey," tawag ni Adam kay Grey.
"Yea?"
"f**k you, man." Sabi ni Adam kay Grey na siya namang ikinagulat naming dalawa ni Molly. Ngumisi lang si Grey at inalis ang pagkaka akbay kay Molly. He raised his two middle fingers. "f**k you level 999," Grey said at inakay na paalis si Molly. My eyes narrowed, darn! I can't believe Grey did that. He raised his two middle fingers! That's surprising.
"Ugh! Dammit!" Inis na sabi ni Adam at napasabunot sa buhok niya.
"Sorry Mariese ha?" Hinging paumanhin niya.
Kumunot ang noo ko. "Para saan?" Tanong ko.
"Dapat nag e-enjoy tayo ngayon e, bwisit na Grey!" Inis niyang sabi.
"Hayaan mo, umalis na siya." Sabi ko. Pero na bo-bother ako, saan niya dinala si Molly? Magkasama pa kaya sila? Bahala nga sila.
"Gutom ako Adam," sabi ko na lang.
"Okay kumain na muna tayo." Nakangiti niyang sabi. Naglakad na kami palabas ng arcade at nagtungo doon sa conggo grill. Umupo kami doon sa vacant table, magkaharap kami ngayon.
"Anong gusto mo?" Tanong niya.
"Banana split," sagot ko. Paborito ko yun e.
Natawa siya ng bahagya. "Oo sige bibilhin din natin yun pero ano pa?" Tanong uli niya.
"Ikaw na bahala basta banana split gusto ko," sagot ko. Natawa naman siya at napailing. Umorder na lang siya ng grilled squid at pork barbeque, habang hinihintay namin yung order nag-usap kami.
"Mariese, mabait ba si Grey sayo?" Tanong niya sakin.
"Minsan mabait, minsan masungit. Bipolar yun e " sagot ko at natawa ng bahagya. "Adam may tanong ako," sabi ko.
"What is it?" Tanong niya habang nakangiti. Laging nakangiti itong si Adam, ang cute pa naman ng smile niya.
"Bakit ba parang hate na hate ka ni Grey?" Tanong ko.
"Nagseselos lang yun kasi kasama kita," sagot niya na ikinasamid ko naman. Nasamid ako sa laway ko bwiset.
He laughed. "Joke lang. Ganito kasi yan, spy ako ni Zeus." Sabi niya.
"Tapos? Sino si Zeus?" Tanong ko.
"Gangster din si Zeus tulad ni Grey, magkakalaban sina Grey at Zeus at dahil nasa panig ako ni Zeus kalaban na rin ang turing niya saakin." Pagkukwento niya.
"Huh? Pare-parehas lang naman silang gangsters tapos magkakalaban pa sila?" Kunot noo kong tanong.
Natawa naman siya. "Ganoon talaga, pero dahil umaatake nanaman ang mga gangster slayers, I'm sure maging magkakampi ang mga 'to." Sabi niya.
"Gangster Slayers?" Kunot noo kong tanong. "Ibig sabihin pumapatay sila ng mga gangsters? Ibig sabihin papatayin nila si Grey?" Sunod-sunod kong tanong. Bakit ba bigla akong nakaramdam ng kaba noong malaman ko ang tungkol sa mga gangster slayers.
"Yeah, they are planning to kill every gangsters. Kasama doon si Grey." Sagot niya.
"E ikaw? Papatayin ka rin ba nila?" Tanong ko.
"No, spy lang ako. Hindi ako gangster." Sagot niya.
Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na yung order. Habang kumakain kami wala ako sa sarili ko. Nasa kapahamakan pala si Grey, ibig sabihin sa araw-araw na pamumuhay niya kailangang mag doble ingat siya? Tulad ngayon, nasaan na ba siya? Bakit hindi na namin siya nakasalubong? Nakauwi na ba siya? O baka naman-
"Mariese, are you listening?" Naibalik ako sa realidad nang magsalita si Adam.
"Sorry," hingi ko ng paumanhin.
"What's bothering you?" Nag-aalala niyang tanong.
I fake a smile. "Wala, wala naman." Pag sisinungaling ko.
*
Nandito na ako ngayon sa harap ng unit ni Grey. Nakauwi na kaya siya?
"Mariese," tawag ni Adam saakin. Hinarap ko siya. "Bakit?" Tanong ko.
"Thanks for this day," nakangiti niyang sabi. Ayan nanaman siya sa killer smile niya.
"Ano ka ba, ako dapat yung nag papa-salamat. Salamat Adam ah?" Nakangiti kong sabi.
Nilapitan niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niya akong hinalikan sa noo. "You're welcome, good night." Nakangiti niyang sabi at mabilis pa sa alas kwatrong pumasok sa unit niya. Pasaway yun ah!
Inenter ko na ang passcode at pumasok na ako, napatalon ako sa gulat nang makita ko si Grey na nakatayo sa tabi ng pinto at nakatingin doon sa maliit na screen sa wall malapit sa pinto, doon mo makikita ang mga tanong nasa tapat ng unit mo.
"I saw that," seryoso niyang sabi saakin sabay turo doon sa screen.
"Ano? You saw what?" Tanong ko
"Sus! Painosente pa to," sabi niya.
I rolled my eyes. "Ewan ko sayo!" I hissed. "Teka nasaan si Molly?" Tanong ko.
"Wala na, nag enjoy nga ako sa date namin e" sagot niya habang nakangisi.
"Sa tingin mo maniniwala ako na ka date mo siya? Stalker!" Asar ko sakanya.
"Shut up!" Inis niyang sabi.
"Stalker~" pakanta kong asar.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Stalk-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may marinig ako.
"Meow~ meow~"
Tumingin ako sa ilalim at may nakita akong maliit na kuting naglalakad palapit kay Grey.
"Oh Ginger, you're awake." Sabi ni Grey at kinuha yung kuting.
"Hows your sleep Ginger? Are you hungry?" Tanong niya dito. Para namang mag sasalita yung pusa, atsaka mabuti pa sa pusa mabait siya.
"Do you want some milk Ginger?" Tanong niya ulit dito. Isinandal lang nung pusa yung ulo niya sa balikat ni Grey Ay malandi kang pusa ka!
"Aww. You missed me? I missed you too Ginger." Sabi ni Grey at hinaplos yung ulo niya.
"Pambihira naman Grey oh, kaya ba ayaw mo kay Molly at sa mga babaeng naghahabol sayo dahil mahal mo yang pusa mo?" I said mockingly.
"Hey, hindi pusa. Ginger ang pangalan niya!" Pag co-correct niya.
"Whatever, pano kaya kung iligaw ko yan?" Sabi ko at ngumisi.
"Subukan mo babatukan kita!" Sabi niya. Nag meow naman ulit yung pusa.
"No Ginger don't be sad, don't listen to her. Hindi ka maliligaw," sabi ni Grey. I rolled my eyes.
"Haay pambihira tong gangster na to," inis kong sabi.
"Hoy Mariese, gusto ko tratuhin mo ng mabuti si Ginger dahil dito na siya titira," sabi niya.
"Opo sir," sarcastic kong sabi at nagtungo na sa kwarto ko.