Chapter 19

1865 Words
"Mariese!" Tawag ni Grey saakin mula sa kusina. Itinigil ko kaagad yung paglilinis ko sa sala at pinuntahan siya. "Oh baket?" Tanong ko. "Meow~ meow~" napatingin ako doon sa pusa na pinapakain ni Grey sa ibabaw ng mesa. Pinapakain siya ni Grey ng cat food, siguro. "Grey, bakit mo ipinatong yang pusang yan sa mesa?" Tanong ko. "I told you earlier, her name is ginger!" He hissed. I rolled my eyes. "Okay sige, bakit nandiyan sa mesa si ginger?" Tanong ko. "And why not?" Balik tanong niya at hinaplos ang maliit na ulo ni ginger. Tss. "Teka, saan mo nga pala galing yang-- yang si ginger." Sabi ko. "Sa kapatid ko, hinatid niya dito kahapon. Kukunin niya na lang daw next week," sabi niya.Ibig sabihin pumunta dito yung kapatid niya kahapon? "Next week?!" Gulat kong tanong. "Oo e, dapat next year no?" Malungkot niyang sabi at ngali-ngali ko siyang batuhin ng vacuum cleaner. Next year? Tatlong araw nga lang hindi ko na kayang kasama tong pusang to! "Next year ka diyan," sabi ko na lang. "Teka, kalahi ba ni ginger si garfield?" Tanong ko. He smiled. "Galing mo," sabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Juice colored, parang nawawala si Grey sa sarili niya kapag kasama niya tong si ginger. "British Shorthair tabby orange cat si ginger, ang cute ni diba?" Sabi niya. Napairap ako sa hangin. "Teka bakit mo pala ako pinatawag? Para sabihing british shortcake taba orange yang si ginger?" Pang-iiba ko ng topic. "It's British shorthair tabby orange!" Pag co-correct niya. "Oo sige na! Bakit nga? Marami pa kong lilinisin!" Inis kong sabi. "Aalis kasi ako ngayon e, bukas ka na maglinis. Alagaan mo na lang si ginger." Sabi niya. "Sus, ano yan baby?" Sarcastic kong sabi. "Mariese naman, ano bang ginagawa sayo ni ginger para pag-initan mo siya?" "Oo na sige na! Aalagaan ko na!" Inis kong sabi. "Good," sabi niya. "Pakainin mo siya 3 times a day. Kaso huwag marami, dapat lagi mo siyang papainumin ng tubig, huwag na huwag mo siyang papakainin ng tinik. Hindi cheap si ginger," bilin niya. I rolled my eyes. "Huwag mo siyang papainumin ng kape, huwag mo rin siyang pakainin ng chocolates or kahit anong sweets. Nag ca-cause yun ng cavity o baka magkaroon siya ng diabetes." Tumango na lang ako kahit gusto kong matawa. Pambihira naman pati pala pusa nagkaka diabetes. Hahaha. Hindi lang yun, nagkakaroon din ng cavity. Wow ah. "Ngayon, kakatapos lang niyang kumain. Patulugin mo na siya doon sa higaan niya, at ako maliligo na ako." Utos niya. "Okay," sagot ko at tinignan si ginger, ibinalik ko ang tingin ko kay Grey. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Mariese, please take care of ginger." Seryoso niyang bilin. Nakatingin siya sa mga mata ko. Wala sa sarili ko akong napatango, bakit ba ang gwapo ni Grey? "Good," sabi niya at binitiwan na ang magkabilang balikat ko, naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Huminga ako ng malalim at nilapitan si ginger. "Oras na para matulog ka," sabi ko. "Meow~" binuhat ko siya at dinala papunta sa higaan niya, tama may higaan pa siya. Buti pa yung pusa sarap buhay, sana naging pusa na lang ako. Charot. "Meow~ meow~" "Ano ba ginger, matulog ka na okay?" Sabi ko pero mukhang ayaw niyang matulog. Meow lang siya ng meow at ayaw niyang humiga. "Ginger, huwag kang makulit gagawin kitang siopao!" Pagbabanta ko. Pero hindi pa rin tumatalab. Ang arte nito, ano bang gusto niya? Si Grey pa ang magpatulog sakanya? "Huy! Matulog ka na ginger!" Inis kong sabi pero ang kulit niya. Nakakaasar, ililigpit ko pa yung mga gamit na kinalat kong panglinis ng bahay, magluluto pa ko, gutom na rin ako. Bahala na. Marahan kong hinaplos yung fur ni ginger. "And I could tell you, his favorite color's green~" kinakantahan ko siya habang marahang hinahaplos-haplos yung fur niya. Mukhang inaantok naman siya, kaya humiga siya at unti-unting pinipikit ang mga mata niya. "He loves to argue, born on the 17th~ His sister's beautiful, he has his father's eyes~ If you ask me if I love him, I'd lie~" "Nice voice," "Ay kabayo!" Halos mapatalon ako sa gulat, awtomatiko akong napatingin kay Grey. He chuckled. "You're face was priceless." Asar niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Muntik ng magising si ginger, hirap pa namang patulugin." Sabi ko. "Aalis na ko," paalam niya. "Hindi ka na kakain?" Tanong ko. He looked at me in disbelief. "Paano ako kakain e hindi ka pa nagluluto?" Aniya. "Ay sorry, si ginger kasi e." Sabi ko. "Ayos lang. Sa hideout na lang ako kakain," sagot niya. Biglang nag flashback saakin yung mga napag-usapan namin ni Adam. "You mean pupunta ka sa hideout niyo?" Tanong ko. "Oo," sagot niya. "Bye. Take care of ginger," bilin niya at lalampasan na sana ako pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Gulat niya akong tinignan. "Bakit? May ipapabili ka?" Tanong niya. "Take care, please." Seryoso kong sabi. Nalilito niya akong tinignan. "Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ah." Sabi niya. "Wala," pagsisinungaling ko at binitiwan ko na ang braso niya. Nag-iwas ako ng tingin at akmang lalapitan na si ginger pero pinat niya ang ulo ko. "Yeah, I will. I'll take care of myself." Sabi niya at ngumiti. Ginulo niya yung buhok ko. "Bye, lock the door." Bilin niya at umalis na. Sinundan ko siya ng tingin, nang makalabas na siya parang ang empty ng bahay.Nakakainis, gusto ko na ata siya. 3rd Person's POV Habang naglalakad si Grey sa Gangster's world bawat madaanan niya ay may nag babasag ulo pero wala siyang pakealam. Patuloy lang siyang naglalakad papunta sa block nila, sa paglalakad niya ay muntik na siyang matamaan doon sa boteng ibabato ng isang gangster doon sa kaaway niya pero nakailag siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ganito talaga sa mundo ng mga gangsters, magulo. Kahit saan ka tumingin may mga nagpapatayan. A Gangster's world is made up of blood, danger, chaos and riot. Sa paglalakad niya ay may naramdaman siya sa may bandang likod niya kaya kaagad niya itong hinarap at mabilis na hinawakan sa wrist. "Wow. You're fast, Beautiful man." Nakangising sabi ni Zeus na may hawak na kahoy sa mga kamay niya dapat sanang ipapalo niya kay Grey, pero mabuti at naging maagap si Grey. "Is that the way how you greet your co-gangster? Wow, full of manners." Sarcastic na sabi ni Grey habang mahigpit ang hawak sa mga pulso ni Zeus. Zeus smirked at binitawan ang kahoy na dala niya, sinundan ni Grey ng tingin yung kahoy hanggang bumagsak ito sa semento. Muling ibinalik ni Grey ang tingin kay Zeus at binitawan ang magkabilang pulso nito. Hinimas-himas ni Zeus ang magkabilang pulso niya, medyo namumula ang mga ito. "That hurts," Zeus said while grinning. "Wala akong panahon sayo Serrano," deretsahang sabi ni Grey at tinalikuran na si Zeus. Nagsimula na siyang maglakad pero hindi pa man siya nakakalayo ay nagsalita na si Zeus. "Are you in a hurry? Bakit may date ka?" At ang sunod na sinabi ni Zeus ang nagpatigil kay Grey. "Kay Mariese?" Hinarap siya ni Grey. "What do you want?!" Grey asked in gritted teeth. Zeus laughed because he finally caught Grey's attention. "Nevermind Grey, aalis na ako." Nang-iinis na sabi ni Zeus. "DAMMIT ZEUS!" Sigaw ni Grey, tila nauubusan na siya ng pasensiya. Humakbang si Zeus palapit kay Grey. "Mariese, Mariese, Mariese." Pinaglaruan niya sa dila niya ang pangalang Mariese habang iniikutan si Grey, tumigil ulit siya sa harapan ni Grey. "Why so serious?" Nang-aasar na tanong ni Zeus. "Stop playing your games Zeus," mariing sabi ni Grey at naikuyom ang kanyang mga palad. "How did you know Mariese?" Deretsahang tanong ni Grey. Tumawa si Zeus. "Of course I don't know her," sagot ni Zeus. "But I will, soon." Dagdag pa ni Grey. Napasinghap si Zeus nang kwelyuhan siya ni Grey at isandal sa pader. "Back off Zeus," may pagbabanta sa boses ni Grey. "Bakit parang napaka importante yata niya sayo?" Grey clenched his jaw. "Wala kang mapapala sakanya!" Grey hissed at mas lalong diniin si Zeus sa pader. "Talaga?" Mapang-asar niyang sabi. "I'm warning you Zeus, huwag mo siyang idadamay dito. Or else I will break your fingers one by one." Pagbabanta ni Grey at marahas na binitawan si Zeus. Iniwan niya si Zeus na tumatawa. Grey is so pissed off. Halos lahat ng madaan niya na nakaharang sa daraanan niya ay marahas niyang itutulak. Hanggang sa makarating siya sa block ng Black Eternal. "Akala ko hindi ka na dadating," bungad ni Klyde sakanya. "Wow, mukhang bad trip ka. Bago to ah." Puna ni Laxy at itinigil ang paglalaro sa phone niya. Parang walang narinig si Grey at umupo na sa pwesto niya. "What happened, Grey?" Tumingin si Grey sa cold na nagsalita, walang iba kundi si GUN ang kanilang leader. "Wala," pagsisinungaling niya at nag-iwas ng tingin. "What happened, Grey?" Ulit ni GUN sa tanong niya. Delikado ito, kailangan na niyang sabihin kung ano ang nangyari. "Damn!" Inis na sabi ni Grey. "Okay fine, I'm pissed off so let's just start this f*****g meeting so I can go home." "Bakit ka nga pissed off?" Tanong ni Klyde. "Uy excited umuwi, nandun kasi si Mariese." Nakuha pang mang-asar ni Laxy kahit bad shot na itong si Grey. "Shut the f**k up!" Grey hissed. "Mariese?" Tanong ni GUN. "Oo si Mariese, yung maid ni Grey. Classmate natin yun, masyado ka kasing busy sa love story niyo ni Suzie kaya wala kang alam." Natatawang sabi ni Klyde. "Wanna die?" Cold na tanong ni GUN. Nag peace sign si Klyde. "Uuwi na lang ako," sabi ni Grey at akmang tatayo. "Gago umupo ka diyan kakaltukan kita!" Pagbabanta ni Laxy, walang ibang nagawa si Grey kundi manatili sa kinauupuan niya. "Ano bang nangyari Grey? You're acting weird." Seryosong sabi ni Klyde. Sumeryoso ang atmosphere. Sandaling tumahimik, napa-isip si Grey na kaibigan niya naman sina Klyde kaya dapat lang niyang sabihin ang mga nangyayari. Huminga ng malalim si Grey. Naka tingin lang yung tatlo sakanya. "Mariese is in danger." Pag-oopen ni Grey. "What the heck," iyon lang ang nasabi nila Klyde at Laxy, habang si GUN naman ay nakatingin lang kay Grey. "Damn that Zeus, subukan niyang saktan ang maid ko papatayin ko siya." Seryosong sabi ni Grey. "Ah, so si Zeus pala ay may ginagawa nanamang kagaguhan?" Sabi ni GUN. "Ay relate si leader, alam na this." Sabi ni Klyde pero hindi siya pinansin ni Grey at GUN. "Shut up nga Klyde," suway ni Laxy na mukhang nag-aantay sa sasabihin ni Grey. "Yeah, si Zeus. Nakausap ko siya kanina at sa hitsura niya kanina mukhang hindi siya gagawa ng matino." Pagkukwento ni Grey. "You like Mariese don't you?" Deretsahang sabi ni GUN. Grey was caught off guard. "N-no! Of course not!" Sagot ni Grey. GUN rolled his eyes, looks like he wasn't convinced with Grey's answer. "Whatever," GUN answer coldly. "You know what? Just do everything to protect her," advice ni GUN. "Our world is so cruel Grey, you know that. That's why you need to do everything to protect what you have right now, now if you can't. Just set her free and let her live her life."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD