Chapter 7

1120 Words
Chapter 7 Restaurant Booth   Nandito kami ngayon sa booth namin, nagbabantay ng mga preso. Haha. Well jail booth ang booth namin kaya preso ang tawag sa mga nakakulong.   Katabi ko ngayon sa Grey kaya napaka awkward ng pakiramdam.   "Grey, ikulong mo ako!" Pagmamakaawa nung babae. Kanina pa ang mga babaeng iyan, lapit ng lapit kay Grey. Ganoon din kay Laxy, si Laxy kapag nilalapitan ng mga babae nag susungit, pero si Grey ngi-ngiti-ngiti lang.   "Grey, pwede pag nakulong kami kasama ka namin sa loob?" Pacute na sabi nung babae. Hindi naman siya cute. Tss.   Gaya ng kanina, ngumiti lang si Grey at umiling. Buti pa sakanila ngumi-ngiti siya ang plastic talaga ng lalaking 'to.   "Laxy, samahan niyo kami dito sa kulungan!" Pangungulit ng mga babae na nakakulong na.   "Heh! Tantanan ninyo ako!" Laxy hissed, napangiti ako. Ang cute ni Laxy, nakaupo siya sa isang sulok at nagbibilang ng pera. Si Shin naman wala, naghahanap ng pwedeng ikulong. Nagpapakapagod pa siya.   "Anong ngiti-ngiti mo diyan?" Awtomatiko akong napatingin kay Grey, nakatingin siya saakin at maya-maya naman ay inilipat niya ang tingin kay Laxy tapos ibinalik nanaman niya ang tingin saakin.   "Wala, bawal na ba ngayon ang ngumiti?" Sarcastic kong tanong.   "Mukha kang zombie," walang emosyon niyang sabi. Kasalanan mo! Hmp!   "Ok." Tipid kong sagot at tumingin na ulit sa kawalan.   "You didn't eat breakfast did you?" Hindi ko siya sinagot at tinignan nanatili lang akong tahimik. "You didn't eat dinner too, are you trying to kill yourself? You brat!" Inis niyang sabi. Gaya ng kanina, hindi ko pa rin siya nililingon. Wala akong lakas makipagtalo, inaantok ako at nagugutom.   Narinig kong ang marahas niyang pagbuntong hininga, ilang sandali pa naramdaman kong tumayo siya at iniwan ako dito. Baka napikon. Sinulyapan ko siya, pinuntahan niya si Laxy at kinausap.   Haay. Gutom na ako, gusto ko ring matulog.   "Grey, Laxy! Set all the prisoners free!" Nagmamadaling sabi ni Shin habang tumatakbo palapit saamin.   "Bakit naman?" Tanong ni Laxy.   "Laxy, come with me. Ikukulong natin si GUN at Suzie." Sabi ni Shin.   "Ha?! Ba't isasama mo pa 'ko?! Ayoko nga." Reklamo ni Laxy.   "Gr-" Grey cut her off.   "It's a no, Shin." Pagputol ni Grey sa sasabihin ni Shin, sumimangot naman si Shin at binalingan ako ng tingin.   "Mariese ikaw na lang, ang aarte nila!" Parang batang sabi ni Shin, ngumiti ako at tatango na sana ako pero biglang nagsalita si Grey.   "Hindi pwede Shin, aalis kami." Sabi ni Grey na siya namang ikinagulat ko.   "Ay oo nga pala Shin, nagpaalam kanina saakin si Grey. Sige ako na lang sasama sayo kahit labag sa loob ko." Sabi ni Laxy at ngumiwi.   "Okay sige, hoy Grey. Ingatan mo nga si Mariese, she looks pale. Ngayon ko lang napansin." Sabi ni Shin.   "Whatever Shin, alis na kami. Kaya niyo na yan." Sabi ni Grey and the next thing i know is hila-hila na niya ako paalis.   "Saan mo 'ko dadalhin?" Tanong ko.   "Papakainin kita," tipid niyang sagot. Maya-maya pa huminto kami sa isang restaurant booth, teka kina Jin to ah.   Pumasok kami sa loob, at binitawan na niya ang braso ko. Naghanap siya ng pwesto. "Doon," turo niya doon sa pinaka sulok. Nagalakad na siya papunta doon at sumunod na lang ako.   Magkaharap kami ngayon ni Grey, nakakainis. Kanina pa awkward, para kaming nag de-date. Aish! Itigil mo nga yan Mariese!   Maya-maya pa lumapit saamin si Jin na nakabihis na parang anime doon sa maid sama. Ang cute niya.   "Good morning, ma'am, sir. Here's our menu." Bati niya sabay kindat saakin, iniabot niya saamin yung menu nila. Ano bang masarap kainin? May banana split, 'yon na lang ang kakainin ko. Paborito ko 'yun, at yun na lang ang afford ng budget ko.   "Isang banana split." Sabi ko kay Jin.   "Okay, isang banana split para sayo ma'am." Nakangisi niyang sabi habang sinusulat sa isang maliit na notebook ang order ko, loka-loka talaga itong si Jin. Hindi ko gusto yang mga ngisi niyang yan.   "You're insane, Mariese. You didn't eat dinner and breakfast tapos 'yan lang ang kakainin mo?" Hindi niya makapaniwalang sabi.   "Anong magagawa mo yan ang gusto ko? Tsaka wala na akong pera no!" Inis kong sabi, gutom na nga ako aawayin pa ko.   Inirapan niya lang ako. "Stupid." Sabi niya saakin at binalingan ng tingin si Jin na nakatulala saamin.   "2 Chicken barbeque, lagyan mo ng extra rice yung isa, 2 milkshakes, tska yung order niyang banana split. That's all." Sabi niya at habang sinasabi yon ni Grey ay isinisulat na ni Jin ang mga yon.   "Thank you ma'am, sir." Nakangiting sabi ni Jin.   "Make it faster, she's probably hungry." Pahabol niya.   "Yes sir, ayaw ko namang gutumin ang best friend ko no!" Sabi ni Jin at umalis na.   *   Dumating na ang order namin at nagsimula na akong kumain, gutom na talaga ako e. Habang kumakain ako sinusulyap-sulyapan ko si Grey na napaka inhin kung kumain. Pero kahit mainhin siya hindi na bakla ang tingin ko sakanya, leche siya!   Nang matapos akong kumain ng Chiken barbeque at banana split ay sunod ko namang ininom yung milkshake, para naman akong patay gutom. Ayos lang, kasalanan niya naman e.   "Bakit yung iba nahihiyang mag extra rice?" Tanong niya saakin.   "Ewan ko, basta ako gutom ako." Sabi ko at ininom ulit yung milkshake.   Pinanuod niya ako habang iniinom ko yung milkshake, tapos na kasi siyang kumain. "Bakit ba? Kanina ka pa ah." Sabi ko. Kanina niya pa kasi ako pinapanuod.   "Bakit? Bawal na ba ngayon ang titigan ka?" Sarcastic niyang sagot.   "Gumaganti ka ah!" Sabi ko. Ngumisi lang siya.   "Dalian mo diyan," sabi niya at naglapag ng 1 thousand sa mesa.   "Tapos na ako." Sabi ko, bigla naman siyang tumayo.   "Oh, ba't ka pa nakaupo diyan?" Tanong niya.   "Yung sukli, hindi na natin hihintayin?"   "Haayan mo na, tip mo na lang sa best friend mo 'yun. Tayo na diyan!" Sabi niya at nagsimula ng maglakad paalis, sumunod naman ako sakanya. Napansin ko na papunta kami sa parking lot.   "Teka, paano sina Shin? Hindi ba natin sila pupuntahan?" Nagtataka kong tanong.   "Kaya na nila yun, ite-text ko na lang sila. Uuwi na tayo." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.   "Pero Grey-"   "No buts Mariese, kailangan mong magpahinga!" He hissed at sumakay na ng kotse, sumakay na rin ako sa likod.   Nagsimula na siyang mag drive, nakakabingi sa katahimikan. Nakakapagtaka ang mga kinikilos ni Grey ngayon, ang weird niya. Baka nagui-guilty lang.   "Don't do that again." Sabi niya, tinignan ko siya mula sa salamin. Nagtama ang mga mata namin. Ang seryoso niya.   "A-ang alin?" Tanong ko.   "Ang umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam. Alam mo bang halos mabaliw ako kakahanap sayo sa buong bahay? Akala may kumuha na sayo!" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. s**t ka Grey!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD