Chapter 6
Real Grey
Nandito kami ngayon sa classroom at kausap kami ng adviser namin para sa gaganaping foundation day.
"By the way class, yung foundation day natin is on Friday na. Mag prepare kayo ng mga booths. Mahahati kayo into 6groups. Per group ay 4persons." Paliwanag ni Ma'am Emily, paborito namin siyang lahat. Para kasing hindi siya marunong magalit, napaka banayad niyang magsalita. Kilala ang Black Eternal sa hindi paggawa ng projects, pero pagdating kay ma'am Emily gumagawa sila.
"Ui sakto! Apat tayo!" sabi ni Laxy. Napalakas ang sabi niya kaya narinig iyon ni ma'am.
"Laxy, hindi kayo pwedeng magsamang apat." banayad niyang sabi.
"Sige na nga ma'am." pagsuko ni Laxy. Si ma'am Emily lang ang hindi pinag ti-tripan ng Black Eternal.
"Thank you Mr. Cruz. Okay 1st group ay sina Shin, Mariese, Laxy, and Grey." Oh my God! Ka group ko si sister! Ka ko rin si Laxy, at yung best friend ni Suzie.
"Oh my gosh! This is destiny!" Kinikilig na sabi ni Jin, nagkibit balikat na lang ako pero sa totoo natatawa na ako. Destiny raw, sus. Ang destiny ni Grey ay yung kapitbahay niya, baka mamaya mala Steffi Cheon at Matteo Do ang love story nila. hindi ba magkapit bahay rin sina Steffi at Matteo?
Tinignan ko si Grey na deretso lang ang tingin. Since ka group ko si Grey, kailangan ko munang tanggalin ang pagtawag ko sakanya ng Sis, baka mamaya may makarinig at malaman ang sikretong malupet niya.
Maya-maya tinawag kami ni Shin, kaagad naman kaming lumapit. Kasama ko ngayon ang dalawang gangster mula sa Black Eternal, nakakaba 'to. Idagdag mo pa ang pinsan ni Grey na si Shin na best friend naman ni Suzie, naku ako lang yata ang nobody dito sa group. Pakiramdam ko ay hindi ako belong.
"Grey, ka group pala natin yang shota mo." Nakangising sabi ni Laxy habang nakatingin saakin. Gusto kong matawa, mali ka Laxy dahil hindi babae ang tipo ni Grey!
"Gago ka ba?" Inis na sabi ni Laxy kay Grey.
"Omg, so cousin-in-law pala kita?" Nakangiting sabi saakin ni Shin, nagulat naman ako.
"A-ah, h-hindi." Mautal kong tanggi.
Sinamaan ni Grey ng tingin si Shin. "Shut up Shin, hindi ko siya girlfriend huwag kang magpapaniwala dito kay Laxy." Inis niyang sabi.
"Ang init ng ulo mo couz! Ang arte mo hah? Choosy ka pa! Maganda kaya itong si Mariese!" Sermon ni Shin kay Grey, nadagdagan naman ang self-esteem ko. Special thanks to : Shin Aileen Garde.
"Eww," nakangiwing sabi ni Grey, naningkit naman ang mga mata ko. Maldita!
"Bakla ka talaga Grey," natatawang asar ni Laxy.
Napa-awang naman ang bibig ko, gusto ko sanang magtanong kung paano niya nalaman pero mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko. Baka mamaya pag dating sa bahay sabunutan ako ni Grey.
Matalim ang titig na ipinukol ni Grey kay Laxy na ngayon ay nagpipigil na ng tawa. "Gago ka talaga ano Laxy?" Mukhang nauubusan na siya ng pasensiya.
Pumagitna si Shin sakanila. "Hep! Kayong dalawa itigil niyo yan ha?! Mag isip na lang tayo ng booth natin." Sabi ni Shin.
"E kung huwag na kaya tayong gumawa ng booth? Nakakatamad lang e." Suggest ni Laxy, sige laxy.
"Kahit kailan talaga wala kang kwentang mag-isip!" Sabi ni Grey.
Umirap lang si Laxy. Itong dalawang to, hindi ba titigil? Baka sila ang magka-developan.
"Jail booth na lang." Pag sa-suggest ko.
Tumingin naman silang lahat saakin. "May utak ka pala Mariese." Sabi ni Grey. Inirapan ko naman siya. "Edi sana hindi ako nabubuhay kung wala akong utak?!" Pambabara ko sakanya.
Tumawa naman si Laxy. "Wow, Grey. Nakahanap ka ng katapat mo." Nakangisi niyang sabi. Sinamaan siya ng tingin ni Grey. "Shut up." Inis niyang sabi.
"Ayiee, ikaw Grey ah! Tomboy ka na ba ngayon ha?" Asar ulit ni Laxy. "Tignan mo oh, magkatabi pa kayo. Ayieee!" Wala bang ibang gagawin 'to, kung hindi asarin kami? Tinignan ko si Shin na mukhang kinikilig, si Grey naman naiirita na at ako? Hiyang-hiya na!
"Hoy! Usog ka nga doon!" Pagtataboy niya saakin, ang arte nito.
"Ang arte!" Tanging nasabi ko na lang.
"Baka nakakalimutan mo? Amo mo ako! Kaya usog!" Umusog na lang ako, nakakaasar na e.
"Sige! Mag LQ na lang kayo poreber!" Sabi ni Laxy.
"Ang gulo niyong dalawang gangster kayo! Ang sakit niyo sa bangs!" Inis na sabi ni Shin at umalis na.
Pauwi na kami ngayon ni Grey, as usual nasa likod pa rin ako. Ang arte kasi nitong sister ko e. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang makarating na kami sa unit niya. Saktong nag e-enter ng code si Grey ay lumabas ang kapitbahay niyang gwapo. Palihim kong kinalabit si Grey, kaya hindi niya naituloy ang pag enter niya ng code niya. Inis niya akong tinignan.
"Bakit ba?!" Inis niyang tanong.
"Nandiyan yung crush mo." Bulong ko, kaagad naman niyang tinignan yung kapitbahay niya. Gusto ko sanang magsabi ng Ayiee, pero huwag na lang. Baka mahalata si Grey.
"Good Evening Grey! At Good Evening din sayo," tumingin siya saakin. "What's your name?" Tanong niya saakin. Muntik na akong mapalundag sa gulat ng hawakan ni Grey ang kamay ko.
"Wala kaming pake sayo." Walang emosyong sabi ni Grey at pinindot ang code ng unit niya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko, sinulypan ko yung kapitbahay niya na nakangisi lang saamin. Nang bumukas ang pinto ay kaagad akong hinila ni Grey papasok sa loob at kaagad na sinara ang pinto, tinignan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Tinignan niya rin iyon at nang marealize niya ay marahas niyang binitiwan ang kamay ko.
"Bad trip!" Inis niyang sabi at napasabunot siya sa buhok niya.
"Galit ka ba kasi tinatanong niya ang pangalan ko?" Tanong ko sakanya.
"Gago siya, bakit ba kailangan niya pang malaman kung sino ka?!" Inis niyang sabi.
"Sis, huwag ka ng magselos. Hindi ko naman siya aagawain sayo e." Malungkot kong sabi, naawa kasi ako kay Grey. Baka nasasaktan na siya dahil ako lagi ang pinapansin nung crush niya.
"Tang ina Mariese! Please lang! Tigilan mo muna ako! Kahit ngayon lang. Please." Mariin niyang sabi habang nakapikit ng mariin.
"Hindi sis, hindi ako papayag na magalit ka sakin dahil doon sa kapitbahay mo. Sis, sana naman huwag kang mainis saakin dahil ako ang kinakausap niya, baka ikaw talaga ang crush nun at gagamitin niya lang akong daan para mapalapit sayo." Sabi ko, papalakasin ko ang loob mo because we're sisters. Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin siya ng mariin, siguro nag si-sink in na sakanya ang mga sinasabi ko.
"Alam kong nasasaktan ka sis, pero naniniwala ako na kayo pa rin ng kapitbahay mo sa huli at magiging masaya kayo at-" hindi ko n naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang dumilat at isinandal ako sa pintuan.
"I'm done Mariese, naubos na ang pasensiya ko." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko, halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla niyang sakupin ang mga labi ko.
Shit! He's kissing me roughly, dumabo rin ang mga maiinit niyang palad sa kurba ng katawan ko. Damn! Hindi ako makagalaw, parang na freeze ako sa kinatatayuan ko. Tanging mga mura lang ang naisisigaw ko sa isipan ko.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko. f**k!
"G-grey." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang boses kong iyon para sambitin ang pangalan niya, tumigil naman siya sa paghalik sa leeg ko at tinignan ako sa mga mata.
"Ano sis, natauhan ka na ba sa mga kahibangan mo?" Nakangisi niyang sabi. Hanggang ngayon shock pa rin ako at parang natutuyo na ang lalamunan ko at parang anytime hihimatayin na ako.
Hindi siya bakla. Iyan ang tumatak sa isipin kong makitid!
"Magpapahinga na ako, hindi na ako kakain nabusog na ako e." Nakangisi niyang sabi at iniwanan na ako. Nang mawala na siya ay wala sa sarili ko akong napahawak sa mga labi ko. Tang ina Mariese! Ang bobo mo!
Kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko, pinilit kong maglakad papasok sa kwarto ko. s**t. My gangster boss just stole my first kiss!
*
Kinabukasan maaga akong nagising, ay hindi. Wala pala akong tulog. Kasalanan ito ni Grey, siya ang dahilan kung bakit may eye bags ako ngayon. Kaagad akong naligo at nagbihis, matapos non ay umalis na ako ng unit niya. Hindi na ako nagluto, baka madatnan niya pa ako. Tinignan ko ang wallet ko, sakto na lang ang pera ko papunta ng GU.
Nang makarating na ako sa GU ay kaagad akong dumiretso sa classroom, kaunti lang ang tao dito dahil ngayon ay foundation day namin. Nahagip ng mga mata ko si Jin na kausap ang mga ka group mates niya.
"Jin!" Tawag ko sakanya, hinarap niya ako at muling tinignan ang mga ka group mates niya. Mukhang nag-paalam siya sa mga ito, kasi tumatango-tango pa sila e.
Tumatakbo akong pinuntahan ni Jin. "Oh, bakit mukha kang zombie diyan?" Tanong niya habang nakatingin sa mukha ko.
"Wala ayos lang ako." Sabi ko.
"Hindi ka mukhang ayos, may nangyari ba?" Nag-aalala niyang tanong.
"H-hindi siya bakla," wala sa sariling sabi ko. Kunot noo niya akong tinignan. "Sino?" Tanong niya.
"S-si Grey, hindi siya bakla."
Tumawa siya ng bahagya. "Siguro kaya ka napuyat kakaisip kung bakla ba siya o hindi ano? Hahaha! Mariese, nakakatawa ka. Hindi naman talaga siya bakla, pinahirapan mo pa ang sarili mo." Natatawa niyang sabi.
"Osige gurl, kailangan na ako doon ha? Punta ka sa booth namin ha?" Sabi niya, wala sa sarili akong tumango. Ilang minuto ang lumipas ay naisipan kong lumabas para hanapin ang mga ka group mates ko, habang naglalakad ako nahagip ng mga mata ko si Grey na nakaupo at naka de kwatro, nakapatong ang siko niya sa isang paa niya habang hawak-hawak ang ulo niya at nakangiti siya. Naka white T-shirt siya na parang cookies and cream ang design, may hawak din siyang canned pepsi. s**t! Bakit ba ang manly niya?! Oo alam ko na na lalaki siya, kaya hindi na kailangang isampal saakin ng pagkakataon na lalaki siyang tunay! (Look at Grey at the Multimedia)
"Oh, ayan na pala si Mariese." Si Laxy pala ang kasama niya. Biglang nawala ang mga ngiti ni Grey sa labi at umayos ng upo at tinignan ako, bigla akong kinabahan habang nakatingin siya saakin. Gusto kong tumakbo paalis.
"Mariese, kanina ka pa namin hinahanap. Tara na puntahan na natin si Shin doon." Sabi ni Laxy, pero nananatili pa rin akong nakatayo at nakatingin kay Grey.
"Ano bang problema niya?" Takang tanong ni Grey kay Laxy. "Mukha siyang lutang na Zombie." Sabi ni Laxy, tinignan siya ni Grey.
"Punta ka na kay Shin, susunod kami." Sabi ni Grey kay Laxy, tumango naman si Laxy at umalis na. Tumayo si Grey sa kinauupuan niya at naglakad palapit saakin.
Ang gwapo niya, at lalaking-lalaki ang dating. Para tuloy akong sinasampal ng paulit-ulit ng katotohanan. Binalaan na niya kasi ako noon, huwag ko na raw hintayin na patunayan niya pa kung sino siya. E akala ko naman bakla talaga siya kaya iba ang naisip ko, ang tanga ko!
"Hoy Mariese," hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
"Tang ina, ba't ganyan hitsura mo?" Kunot noo niyang tanong. Gago! Nagtanong ka pa!
"Wala to. Ayos lang ako. Tara na." Sabi ko at nilampasan na siya. Sana mag survive ako ngayong araw na 'to, dahil tuwing nakikita ko si Grey para akong hina-heart attack.