Chapter 5

1515 Words
  Chapter 5 Stupid Mariese Sabado ngayon at napaka boring dito sa unit ni Grey, kakatapos ko lang maglinis. Tinignan ko si Grey na nakaupo sa sala at nanonood ng TV as usual.   "Hoy Grey!" Tawag ko sakanya, tinignan niya ako. "Hoy Mariese! Napano ka?" Walang emosyon niyang sabi.   "Pwede bang gumala ako? Nakakainip dito." Reklamo ko.   Ibinalik niya ang tingin niya sa pinapanood niya. "Paano ka makaka gala e hindi ko pa ibinibigay ang sweldo mo?" Tanong niya.   "Eh kaya nga ibigay mo na!" Inis kong sabi, tinignan niya ako ng masama.   "Bakit ano bang gagawin mo? Ba't ba hindi ka na lang pumirme dito sa bahay." Sabi niya.   "Nakakainip kaya dito, hello!" Reklamo ko.   "Hindi pwede!" Matigas niyang sabi.   "Bakit ba?!" Inis kong tanong.   "Huwag ka ng maraming tanong!"   Napaisip ako, bakit ba kailangan kong sundin 'to? Buhay ko to. Si mama nga hindi ako pinapakealaman e, siya pa?   "Ah basta, aalis ako at manghihiram na lang ako ng pera kay Jin! Diyan ka na! Bakla!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa pintuan, pero mabilis pa siya sa alas kwatrong tumayo sa kinauupuan niya at hinarang ang sarili niya sa pintuan.   "You're. Not. Leaving." Maawtoridad niyang sabi.   "I'm. Leaving." Matigas kong sabi, akala mo ha? Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na siyang inaalis sa pintuan pero malakas siya, ibang klaseng bakla 'to. Ang lakas.   "Ugh! Payagan mo na ako! Hindi ko na kakausapin yung kapitbahay mo, promise!" Sabi ko at itinaas pa ang right hand ko na parang nanunumpa.   "Basta huwag kang aalis! Bakit ba ang kulit mo?!" Inis niyang sabi.   "Ikaw ang makulit! Hindi ko na nga kakausapin yung kapitbahay mo diba? Diba yun naman ang gusto mo. Atsaka huwag kang mag-alala Grey, hindi ko siya aagawin mula sayo." Nakangiti kong sabi, hindi makapaniwala niya akong tinignan.   "Nababaliw ka na?" Kunot noo niyang tanong.   "Hindi ah," mabilis kong sagot. "Alam mo Grey, may taste ka pala hah? Gwapo yang kapitbahay mo ha." Sabi ko.   Seryoso niya akong tinignan. "Tigil-tigilan mo ako Mariese ha." Halatang nagpipigil siya ng inis, teka ayaw niya ba na pinuri ko ang crush niya?   "Ito naman, masyadong selfish. Pinuri ko lang siya nagalit ka kaagad." Sabi ko. "Hindi ko siya aagawin sayo Grey, huwag kang mag-alala."   Nag-igting ang bagang niya at pumikit siya ng mariin. "Iniisip mo ba na..." Nagngingitngit ang ngipin niya.   "Na?" Tanong ko.   He clenched his jaw. "Na bakla ako?" He said in gritted teeth.   Tumawa ako ng malakas. "Naku, Grey. Halata naman 'yon. Ako pa lang ba ang nakakaalam? Huwag ka ng mahiya saakin Sister!" Masaya kong sabi, sana talaga ngayong alam na niya na alam ko ang sikreto niya ay mabawasan na ang kasungitan niya at sana magkaroon na siya ng confidence sa sarili.   Alam kaya ito nila GUN? Kung hindi pa, sana kapag nalaman nila matanggap nila itong aking sister, tama sisters na kami ngayon. Siguro kaya siya pumasok sa pagiging Gangster ay para mapalapit kina GUN, tapos ngayong nalaman niya na may Suzie na si GUN ay tinaggap niya na lang sa sarili niya na hindi talaga para sakanya si GUN, hanggang sa dumating ang kapitbahay niyang gwapo at mabait ay unti-unti na siyang nahulog. Kaya ngayon, napaka over protective niya dito dahil akala niya ay aagawin ko siya. Kawawang Grey, masyado ng wasak ang puso niya.   "Tang ina Mariese!" Malutong niyang mura at naihilamos ang dalawang palad niya sa kanyang mukha. Nahihiya ba siya?   "Huwag ka ng mahiya sakin, sister! Papalitan natin ang pangalan mo kapag tayo lang dalawa ang magkasama. Mmm.." Sabi ko at inilagay ang thumb at ang pointing finger ko sa baba ko. "Greyshie, oh diba sis? Bongga!" Masaya kong sabi.   "PUWEDE BA MARIESE TUMIGIL KA NA!" sigaw niya, dumagundong ang boses niya sa buong unit. Mukhang galit na siya, nakaramdam ako ng takot. Baka sabunutan niya 'ko.   "O-oo sige, h-hindi na Greyshie. M-mag-iisip na lang ako ng mas maganda," nauutal kong sabi.   "Damn it! Inuubos mo ang pasenya ko Mariese!" Nanggigigil niyang sabi.   "Pasensiya na sis, mananahimik na ako." Malungkot kong sabi at tinalikuran na siya, pumunta na lang ako ng kwarto ko.   Ilang araw ang lumipas, palaging bad trip saakin si Grey. Pinagpasensiyahan ko na lang, kawawa naman kasi e. He is suffering from gender crisis. Myghad!   "Sis, kain na tayo." Pag-alok ko sakanya, tinignan niya lang ako at umupo na siya sa harapan ko.   Tahimik lang siyang kumakain nung niluto kong fried rice at corned beef. "Galit ka ba sakin sis?" Tanong ko, kami na nga lang dalawang babae rito sa condo magkakagalit pa kami.   Seryoso niya akong tinignan. "Tigil-tigilan mo ako Mariese hah?" Seryoso niyang sabi.   "Opo, titigil na." Sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Nang matapos siyang kumain ay kaagad na siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.   "Bilisan mo diyan, ma le-late tayo." Sabi niya at iniwan na ako sa kusina.   Palabas na kami ngayon ng condo ni Grey, noong nasa labas na kami ay bigla naming nakita yung gwapong kapitbahay ni Grey na may dalang plastic. Mukhang ngayon pa lang siya mag-aalmusal, tinignan ko si Grey at nginitian ng nakakaloko. Siniko ko pa siya ng pasikreto habang nag tataas-baba ang mga kilay ko. Sinamaan niya ako ng tingin, ayaw niya sigurong ipahalata sa crush niya na may gusto siya dito. Naku, maharot ka Grey.   "Oh, kamusta?" Awtomatiko akong napatingin doon sa crush ni Grey na nakatingin rin saakin.   Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti. "Oo ikaw," sabi niya.   "Ah. Ayos lang naman ako." Nakangiti kong sabi, naramdaman ko ang paghawak ni Grey sa braso ko kaya awtomatiko akong napatingala sakanya, matangkad kasi si Grey. Pwedeng pang beauty queen. Nakita ko na tinitignan ni Grey ng masama ang crush niya, nakangiti lang ito pero si Grey napakasama kung tumitig. Oh no, nag LQ ba sila dahil saakin?   "Tara na." Sabi ni Grey at kaagad akong hinila palayo doon sa crush niya. Nakasakay na kami ngayon sa elevator at naka salubong pa rin ang kilay niya.     "Hindi ba ang sabi ko huwag mo siyang kakausapin?" Sabi niya habang masama akong tinitignan.   "Siya yung kumausap saakin!" Mariin kong sabi.   "Kahit na!" He hissed.   "Sis, ilang ulit ko pa bang kailangang ulit-ulitin sayo na hindi mo kailangang mag selos dahil hindi ko siya aagawin sayo!" Sabi ko.   Nagulat ako nang bigla niya akong isandal sa sulok ng elevator at pinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang sides, inilapit niya ang mukha niya saakin at tinignan ako mata sa mata. Napalunok naman ako. Ang gwapo pala niya, sayang na sayang talaga~   "f**k it Mariese! Ano bang klaseng kokote ang meron ka?!" Nanggigigil niyang tanong. Ang lapit ng mukha niya, hindi ako makapag-isip ng maayos. Naamoy ko na rin ang hininga niya, amoy Listerine.   "Tigilan mo na yang mga kahibangan mo at huwag mo ng hinatayin na patunayan ko pa sayo kung ano talaga ako." Mapagbanta ang tono ng kanyang pananalita. Saktong pagkaalis niya sa pagkaka kulong saakin ay biglang bumukas ang elevator kaya lumabas na kami.   Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isipan ang mga katagang binitiwan niya. Huwag ko na raw hintayin na patunayan niya saakin kung ano talaga siya? Kinakabahan ako sa naiisip ko.   Kung kakausapin ko pa yung kapitbahay niya baka sugurin ako ni Grey at sabihing "WALANG SAYO MARIESE! AKIN LANG ANG KAPITBAHAY KO!" pagkatapos nun ay papatunayan niya saakin ang tunay na siya at sasabunutan niya ako, at pagsasampalin.   "Ano, sasakay ka ba ng kotse o iiwanan na lang kita diyan?" Iniling ko ng ulo ko at naibalik ako sa realidad noong marinig kong magsalita si Grey. Sumakay kaagad ko sa likod, alam ko naman na ayaw niya na isipin ng iba na girlfriend niya ako. Hello, nakakasira kaya ng puri para sakanya iyon. At baka laitin siya ng mga ka pederasyon niya. Ayokong mangyari sa Gangster kong Boss yun, kahit papaano may utang na loob ako sakanya.   Nang mahagip ng mata ko ang convinient store na pinagbabaan saakin ni Grey ay kaagad kong nagsalita. "Sis, dun na lang sa convinient store mo ako ibaba. Ayaw ko masira ang puri mo." Sabi ko, sinamaan niya ako tingin mula sa salamin. Para namang may regla itong si sister!   "Idederetso na kita ng school." Sabi niya. Hindi ako makapaniwala, pero paano na ang image niya? Ah bahala na. Konti lang naman siguro doon ang nakakaalam na badaf siya.   Nang makarating kami sa parking lot ng school ay kaagad na akong bumaba, naramdaman ko naman ang pagsunod saakin ni Grey. Hanggang sa makarating kami ng classroom nasa likod ko lang siya, naghiwalay lang kami noong bumalik na siya sa pwesto niya.   "Ano yun?" Dinig kong tanong ni Laxy.   "Wala kang pake." Sagot ni Grey.   "Itong baklang 'to, may regla nanaman." Asar ni Laxy awtomatiko akong napatingin sakanila. Omo! Alam ni Laxy ang sikretong malupet ni Grey?!   "Gago! Hindi ako bakla!" Grey hissed at umupo na sa upuan niya. Wow, buti ako hindi niya minumura kapag tinatawag ko siyang sis, or bakla. Siguro dahil bilang isang babae, alam niya siguro ang pakiramdam kapag minura ang isang babae. Aww Grey. Mabait ka naman pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD