Chapter 4
Code
Gumising ako ng maaga para ipagluto ng almusal si Grey, nagluto ako ng fried rice, hotdog at omelette. After kong magluto naligo na ako at nagbihis, may klase pa ko.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Grey na naka uniform na at kumakain, nilapitan ko siya.
"Hoy kumain ka na, marami pa akong iuutos mamaya sayo." Utos niya, inirapan ko na lang siya at sinaluhan ko na siyang kumain.
Matapos naming kumain lumabas na kami ng unit niya. Pumasok kami sa isang elevator, iniabot niya saakin yung phone niya. Bago nanaman?! iPhone6 sosyal 'tong bading na 'to.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"I type mo number mo diyan para ma contact kita." Sabi niya, kaagad ko namang tinype ang number ko sa phone niya at kaagad ng iniabot sakanya iyon.
"Nasaan ang phone mo?" Tanong niya sabay lahad ng kamay niya. Kinuha ko naman sa bulsa ng palda ko ang Samsung galaxy Y ko. Nahiya naman akong phone ko sa phone niya. Idinial niya ang number niya at muling ibinalik ang phone ko.
Baklang Gangster
Iyan ang pangalan niya sa contacts ko. Bumukas na ang elevator at lumabas na kami. Nagtungo kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya, sumakay na ako sa passenger seat kasi alam ko na dito rin ang bagsak ko, yung mga dramang ganito alam ko na e. Sasabihin niya
"Anong akala mo sakin driver mo? Sa harap ka." Ganoon ang sasabihin niya at ako naman lilipat sa harap. Naku naku! Kabisado ko na ang mga ganito.
"What are you doing?" Tanong niya. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Huh? Wala naman akong ginagawa e." Sabi ko.
"Sa likod ka nga, baka kung sino pa ang makakita satin isipin na girlfriend pa kita." Nakangiwi niyang sabi. Nyeta, nahiya naman ako sa sarili ko. Napaka proud ko pa naman kanina.
"Alam mo kahit mahuli pa tayo ng iba na nagyayakapan hindi nila iisipin na girlfriend mo 'ko, kasi bading ka!" Inis kong sabi at nagmadali na akong lumabas para lumipat sa likod. Dinig na dinig ko naman ang pagmumura niya.
Buong biyahe nakunot ang noo ni Grey, mukhang na badshot yata siya.
Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang convinient store malapit sa school.
"Ano ang gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya.
"Bumaba ka na diyan, ayokong makita nila na magkasama tayo. Baka mamaya isipin pa nila Girlfriend kita, ew." Nakangiwi niyang sabi.
Naningkit naman ang mga mata ko. "Bakla ka talaga!" I hissed at lumabas na ng sasakyan niya. Pabagsak kong isinarado ang pintuan. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kaagad niyang pinaharurot ang kotse. Nakakaasar talaga 'tong bakla na 'to!
Naglakad na ako papunta sa school. Nang makarating na ako ay kaagad na akong pumasok sa classroom, nakita ko si Grey na kasama ang mga kaibigan niya. Tinignan niya ako at nginisian, inirapan ko lang siya. May gana pa siyang ngisian ako huh?
"Ang asim ng mukha mo." Sabi ni Jin, tinabihan ko siya. "Hayop kasi yang si Grey e." Naiinis kong sabi.
"Omg! Grey!" Kinikilig niyang sabi, napairap na lang ako sa hangin. Letse.
"Ew naman Jin, magka crush ka na nga lang sa bakla pa." Inis kong sabi.
"Ang kulit ng lahi mo gurl! Hindi siya beki! Lalaki siya! Lalaki!" She hissed.
"Ewan ko sayo Jin, bahala ka nga." Pagsuko ko.
"Dadalawin kita mamaya sa apartment mo, miss ko na luto mo." Pang-iiba niya ng topic.
"Hindi na ako doon nakatira." Sabi ko. Bumilog ang mga mata niya.
"Omg, pinalayas ka na ba? Kasalanan ko talaga e! Sorry gurl!" Naiiyak niyang sabi, binatukan ko nga.
"Hindi ako pinalayas, kay Grey ako nakatira." Sabi ko. Mas lalo namang namilog ang mga mata niya.
"Oh my gosh! Hindi nga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo, mukha ba kong nagbibiro? Tska Maid niya ako hindi ba?" Inis kong tanong.
"Aww. Guuuurl! Wala na akong pag-asa." Sabi niya at nag lungkot-lungkutan effect pa.
"Walang pag-asa diyan, excuse me hindi ako pumapatol sa bakla no." Sabi ko.
Tumawa siya. "Hindi, gurl may na se-sense talaga ako sainyo e." Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So manghuhula ka na pala ngayon?" Sabi ko.
Inirapan niya ako. "Ewan ko sayo! Ah basta, ipapaubaya ko na sayo si Grey. Ingatan mo ang bebe ko hah?" Sabi niya at kunwari malungkot siya.
"Ewan ko sayo! Aanhin ko yun?!" Naiirita kong sabi. Kanina pa 'tong si Jin, parang timang lang siya.
"Nako gurl huwag ka ng maguilty, okay lang naman saakin. Crush ko lang naman siya no. Hindi ko siya mahal kaya no hard feelings." Nakangiti niyang sabi.
"Gaga! Manahimik ka na nga." Asik ko sakanya, magsasalita pa sana siya pero dumating na ang teacher namin. Salamat naman.
*
Natapos na ang klase at pauwi na ako ngayon, walanghiya hindi ako tinigilan ni Jin! As if naman magugustuhan ko yung baklang 'yon. Tinignan ko ang wrist watch ko, oras na pala. Ang daldal kasi ni Jin e, tumambay pa kami sa school garden para daldalan lang ako.
Sumakay na lang ako ng taxi pauwi, kanina ko pa kasi hindi nakikita siya Grey. Baka nakauwi na 'yon. Nang maihatid na ako ng taxi driver sa pupuntahan ko, nag bayad na ako saka na ako umalis. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor na pupuntahan ko, nang makarating ko hinahap ko ang unit ni Grey. Nang makita ko iyon ay pinindot ko na ang doorbell.
Nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas.
"Hoy Grey! Balak mo ba akong patulugin sa labas?!" Sigaw ko at pinag pipindot ang doorbell. Biglang bumukas yung pintuan ng kapitbahay ni Grey at iniluwa ang isang gwapong nilalang. Walang duda, lalaki ito. Hindi tulad ni Grey!
"Ah miss, may problema ba?" Tanong niya.
"Ah. Wala naman, ayaw kasi akong papasukin ng bwisit na 'to." Paliwanag ko at pinagpipindot ang doorbell.
Ngumiti siya. "Alam ko hindi pa siya umuuwi," sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "ANO?!" gulat kong tanong. Paano ako nito?
"Easy ka lang, kung gusto mo tumuloy ka na muna sakin." Alok niya.
Alanganin akong ngumiti. "Ah, hehe. Huwag na." Pagtanggi ko.
"Alis muna ako." Paalam ko sakanya, tumango naman siya at ngumiti. Pumasok na rin siya ng unit niya. Akala ko may bibilihin siya sa labas kaya siya lumabas, iyon pala naingayan lang saakin.
Sumakay ulit ako ng elevator.
Pumunta na lang ako ng mini stop para kumain, gutom na ako. May pera pa naman akong natitira. Habang papasok ako ay nakita ko si Grey na may hawak na alak.
Nagulat siya ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Kakain." Pormal kong sagot.
"Ang daming pwedeng lutuin sa ref!" Asik niya.
"Alam ko yung code ng unit mo? Alam ko?" Sarcastic kong tanong.
"Bakit kasi hindi ka nag text! Ang engot mo rin ano?!" Inis niyang sabi.
"Wala akong load!"
"f**k naman, umuwi ka na! Itetext ko sayo yung code." Utos niya.
"Teka, hindi ka pa uuwi?" Tanong ko.
"Hindi pa, mag iinuman kami nila Klyde." Sabi niya.
"Saan?" Tanong ko.
"Sa secret place namin." Tipid niyang sagot.
"Saan yun?" Tanong ko ulit.
"Kaya ng secret! Mag-isip ka nga Mariese! Ang dami mong tanong! Umuwi ka na!" Inis niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at umalis na ako. Maya-maya nag vibrate yung phone ko.
Fr: Baklang Gangster
0475
Ito na siguro ang code. Pagkarating ko sa unit niya kaagad kong pinindot ang 0475 at bumukas iyon. Dumeretso ako kaagad sa kusina, gutom na gutom ako. At wala na akong panahon para magluto kaya naghalukat na lang ako ng kahit anong pwedeng makain. Pagkatapos kong kumain naligo ako at nagbihis, pagkatapos ay dumeretso ako sa sala para manood ng TV. Hanep sa laki ang flatscreen TV niya.
Sa panonood ko hindi ko namalayan na bumibigat na ang talukap ko kaya nakatulog na ako.
*
Nagising ako ng may maramdaman akong bumubuhat saakin, amoy alak eww. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Grey, siya pala ang bumubuhat saakin.
"Gising ka na pala." Sabi niya at ipinasok ako sa kwarto ko.
"Aww!" Daing ko ng ihagis niya ako sa kama. Wala talagang ka gentle-gentleman! Sa bagay, bakla kasi siya.
"Ang bigat mo!" Inis niyang sabi.
"Ang baho mo!" Ganti ko.
"Hoy, naliligo kaya ako araw-araw!"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, amoy alak ka! Eww!" Nakangiwi kong sabi.
Sumeryoso bigla ang mukha niya. "Hoy ikaw Mariese, huwag mo na ulit kakausapin yung lalaking nasa kabilang unit. Maliwanag ba?" Seryoso niyang sabi.