IV. Pangamba

2885 Words
"TALAGA bang walang malalang pinsala si Kuya Humphrey?" Narinig niyang tanong ni Thorn, ang pinakabata sa magkakapatid na Castillion. Walang sumagot sa tanong nito. Katahimikan ang naghari pagkatapos nitong magsalita. "Kaya nga pinapatigil ko na sa pangangarera ang lalaking iyan dahil hindi malayong maaksidente siya sa pinili niyang trabaho. Pero matigas pa rin ang ulo at ayaw makinig. Ni hindi nga trabaho iyang pangangarera niya. Paraan lang niya iyan para makipagbasag-ulo." "Kuya Zane!" Narinig niyang saway ni Claude. "You know, you're too harsh on Humphrey." boses iyon ni Light. "Kaya siguro patuloy pa rin iyan sa pagrerebelde sa kabila ng edad niyang hindi na nababawasan at lalo lang nadadagdagan." Gusto sana niyang ngumiwi. Heto na nga ba ang iniisip niya kapag nagkita silang magkakapatid. Sermon lang ang aabutin niya sa pinakanakakatanda. Sinubukan niyang kumilos para ipaalam sa mga ito na gising siya pero hindi niya magawa. Nanlalambot ang katawan niya at hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay. At saka bakit ba nandito ang mga kapatid niya? Ano bang ginagawa ng mga ito at binabantayan pa yata ang pagtulog niya? Kailan pa umuwi ang pangalawa nila? Ang alam niya ay nasa ibang bansa pa rin ito. "Car racing ang gusto ni kuya Humphrey kaya igalang nalang natin iyon. Gusto man natin o hindi." depensa ni Claude sa kanya. Nai-imagine na niya ang matalim na tingin ng kanyang nakatatandang kapatid. At ang pagsimangot ni Claude. "O, huwag na kayong mag-away, kiddos." magaang sabi ni Light, ang pangalawang anak. May naramdaman siyang mainit na palad na dumapo sa kanyang kamay. Pinilit niyang ikuyom ang kanyang kamay sa kung kaninong kamay man iyong humawak sa kanya. "Kuya Humphrey?" tanong ni Claude. May kamay na humaplos sa kanyang noo. Sa pagkakataong iyon ay may kaliitan ang kamay. Pero alam niyang hindi iyon sa babae. "T-Thorn..." tawag niya sa nakababatang kapatid. "Kuya Humphrey!" narinig niyang nasasabik na tawag sa kanya ni Thorn. Iminulat niya ang mga mata pero kaagad ding napapikit dahil sa matinding liwanag na bumulaga sa kanya. Pakiramdam niya ay sinabuyan ng maanghang ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim bago ulit dahan-dahang ibinuka ang mga mata. Napapikit-pikit siya bago tuluyang nag-adjust ang mga mata. Napakunot ang noo niya nang makitang kompleto ang mga kapatid niya. Ang akala niya kanina ay nananag-inip lang siya. "Anong ginagawa ninyo rito?" nagtatakang tanong niya sa mga ito. Nang subukan niyang bumangon ay napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo. Inalalayan siya ni Thorn sa pamamagitan ng paglalagay ng mga unan sa likuran niya. Binigyan din siya nito ng isang baso ng tubig pagkatapos. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito at nakikita niya ang lungkot sa mga ito. Kahit ang pinakamatanda sa kanilang si Zane ay hindi rin naitago ang kalungkutan sa mga mata nito. "May nangyari ba?" "Kuya!" Maingat na ikinulong siya ni Thorn sa bisig nito. If Humphrey was not mistaken, Thorn is on the brink of crying. Walang luhang pumatak sa mata ni Thorn pero ramdam niya ang lungkot nito. Hinaplos niya ang likod nito at nag-angat ng tingin. Sinalubong ni Kuya Zane ang titig niya. Bago pa man nito buksan ang bibig ay para ng hinahalukay ang kanyang sikmura sa sasabihin nito. Alam niyang mapupuno siya sa sermon. Pero kung alam lang niya kung ano ang sasabihin nito mas gusto pa niyang sermonan na lang siya nito. "May sakit si Lola. Kailangan nating pumunta sa Baler ngayon din." Pakiramdam niya ay nawalan siya ng dugo niya sa sinabi nito. Mas lalong nanlambot ang muscles niya. Umiling siya. Ayaw niyang tanggapin ang balitang iyon. "Hindi totoo iyan. Malakas pa si Lola noong huling dalaw natin sa kanya." "Tumawag si Aling Lusing. Kahapon pa raw masama ang pakiramdam ni Lola. At kaninang umaga ay nahimatay daw siya." "Hindi." tanggi niya habang iiling-iling. Dinukot ng matinding kaba ang kanyang dibdib sa kaalamang nawalan ng malay ang abuela. Mahal na mahal kasi niya ito. "Kaya bumangon ka na riyan at nang makapaghanda na tayo." Istriktong sabi ng kuya Zane nila. "Wala ka namang malalang injury kaya tumayo ka na riyan." "Kuya naman, ang harsh mo!" Naiiling na sabi ni Kuya Light. Pare-pareho silang magkakapatid na may berdeng mga mata. Pero iyon lang ang pagkakatulad nilang magkakapatid. Bukod doon ay wala nang ibang features ang mahihintulad sa kanila. Naghalo-halo na. Ang mga mata lang nila ang makakapagsabing magkakapatid nga sila. May narinig pa nga siyang tsismis noon na baka raw iba-iba ang tatay nila dahil wala naman silang pagkakatulad maliban sa berdeng mga mata na nakuha nila sa kanilang ina, na nakuha nito sa kanilang abuela. At nang mga sandaling iyon limang pares ng mga berdeng mata ay malungkot at puno ng takot. "Tara na." yaya niya sa mga ito at pinilit ang sariling tumayo. Kailangang mapuntahan kaagad nila ang kanilang abuela. Kaagad namang tumayo sa gilid niya si Claude, ang ikaapat sa kanila, ang nakasunod sa kanya dahil pangatlo siya. Pero imbes na tanggapin ang tulong nito, ay itinaas lang niya ang kamay para pigilan ito. Napabuntong-hininga naman ito. "Okay ka na ba talaga? Kaya mo na bang maglakad?" Tumango siya at inakbayan si Thorn. May soft spot kasi siya sa pinakanakababatang kapatid nila. Lahat naman yata silang nakakatanda ay may soft spot sa bunso. "Napakaiyakin mo. Para kang hindi lalaki." tukso niya rito. Thorn threw him a glare. "Hindi ako iyakin. Ngumisi siya at ginulo ang buhok nito saka sumunod kay Kuya Zane na nauna ng lumabas pagkatapos niyang magbihis. Pagdating nila sa labas ng ospital ay nag-aabang na ang van ng nakatatandang kapatid. Nang makapasok na silang lahat ay binuhay na nito ang makina. "Doon na muna tayo dumeretso sa condominium para makapag-impake na muna kami nina Humphrey at Claude. Para na rin makapagpahinga kayo sandali sa biyahe." "Roger!" masiglang sabi ni Light. Napatingin lang si Humphrey sa labas ng bintana. Hindi pa rin siya makapaniwala na may sakit ang lola nila. Oo nga at matanda na ito pero masigla pa rin naman ito noong huli niyang makita. His gaze lingered in the hospital. Matagal siyang napatitig sa ospital habang wala sa sariling hinihimas ng kanyang hinlalaki ang pasó sa kanyang palad. Nawala lang sa tingin niya ang ospital nang umandar na ang sasakyan. Ang hindi lang niya napansin ay nasa gitna ng kagubatan ang ospital. At wala niisa sa kanilang lima ang nakapansin niyon. Wala ring nakapansin sa isang matangkad na lalaking nakasubaybay sa kanila lalo na kay Humphrey. * * * * * NAKASIMANGOT si Humphrey habang naghihintay ng bus na bibiyahe papuntang Baler, Aurora. Ang probinsya ng kanyang lola. Bakit ba kasi hindi na lang sila nag-van at nang mabilis silang makarating doon? As soon as that thought passed, it vanished. Someone from the shadows was altering their memory and awareness. Hindi pa iyon ang takdang panahon para malaman nila ang mga nakatakda sa kanila. Mag-aalas dose na ng hating gabi. Dapat ay kaninang alas nwebe ang biyahe nila pero dahil nga biglaan ay kinailangan pa nilang ayusin ang mga prior engagements nila. Hindi naman kasi pwedeng basta na lang nila iwanan ang mga trabaho nila. Pare-parehong may iniisip ang mga kapatid niya dahil kitang-kita iyon sa mga mukha nila. Alam niyang nag-aalala rin ang nga ito sa kanilang abuela. After all, malapit silang magkakapatid sa kanilang lola. "Ang tagal naman ni Kuya Zane." sabi ni Thorn. Tinatanong pa kasi ng nakatatanda nilang kapatid kung bakit wala nang bus. Dapat ay mayroong bus na babiyahe ngayong hating gabi. At limang minuto na lang para maghating gabi pero wala pa ring bus sa terminal sa Makati. Napansin niya ang madalas na pagkagat ni Claude sa kuko. Ganoon lang ito kapag nininerbiyos. Nakakunot ang noong nilapitan niya ito. "Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa balisa ah?" "Huh?" Nag-angat ito ng tingin. He narrowed his eyes when he saw Claude's eyes shifting from place to place. "Oh, ah, yeah. I'm fine." Mas lalo lang siyang napasimangot. Kabisado niya ito kaya alam niyang nagsisinungaling lang ito. Sa kanilang magkakapatid, si Claude at Thorn lang ang alam niyang basahin. Ang kapatid nilang si Zane ang mahirap tantiyahin dahil palagi na lang itong naka-poker face. Si Light naman, palaging nakangiti, hindi rin siya kampante sa mga ngiti nito minsan. "You're not." Claude shuddered and rubbed his hands on his forearms. "Fine. Hindi ako okay. There's just something that is out of place. You can call it gut feeling. Para kasing may hindi magandang mangyayari." Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng kaniyang sentido dahil sa huling sinabi nito. Para bang may nagsabi na sa kanya niyon. Pero hindi niya maalala kung sino. O kung saan. Weird. "What are you saying?" Umiling ito. "I'm not saying this because I don't want to go to Baler. I care for our grandmother. I love her. Pero kaninang umaga pa parang hinahalo ang sikmura ko." He shook his head. "And I'm hearing things. Oh, I'm going insane, aren't I?" "No, you're not." He said grimly. If Claude had been hearing things, he'd been seeing things. In his dreams. Things he can't remember once he wakes up. But he was certain that there is something big coming their way. At hindi niya alam kung makasasama ba iyon o makakabuti. Hindi lang siya ang nakakaramdam. As he looked at his other brothers, he realized that he's not the only one having bad feelings about this. Light, still with his light aura with him, but he could see his wary eyes. And Thorn, well, he's always been the least confident of them all, but he could see his nerves on edge. And as he took a look at their eldest brother, walking back towards them, his eyes are wondering, taking the place more cautiously than he should. It was not unusual to see Zane checking out the place. It was due to his military days. But Humphrey could sense something off about his elder brother. Or was it all his damned imagination? Claude sighed just as Zane came back. Tila naiiritang hinawi nito ang buhok. "Bumiyahe na ang bus. Thirty minutes before the said time. Damn it." His lips thinned, not liking the idea at all. Kung hindi lang siya pilay at bangag ngayon ay baka siya na ang nagmaneho papuntang Baler. Kitang-kita na wala pang tulog ang mga kapatid niya. Zane has bags under his eyes, pati si Light. Si Claude naman ay hindi maasahan sa mahabang biyahe dahil tamad ito. At si Thorn... Well, they better not put their youngest brother behind the wheel if they want to stay alive. "Paano na `yan?" nag-aalalang tanong ni Thorn. "Wala na bang ibang bus na babiyahe?" tanong ni Light. Umiling lang si Zane. Napatingin siya kay Claude na tahimik lang. He kept rubbing his stomach like he wants to ease a pain in there. And apparently, he wasn't the only one to notice. "Claude, masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Light. "Kanina pa kita napapansing hinihimas ang tiyan mo." Claude drew out a shaky breath. "I'm fine. Nag-aalala lang siguro ako ng sobra kay Lola." Nakita niyang napataas ang isang kilay ni Zane at hinagod ng tingin ang kapatid. Nang makitang wala namang serious damaged si Claude ay bumalik ang simangot at pagkairita nito. "We booked the damned bus. This is bullshit!" "Relax, Kuya Zane. Baka may ibang paraan pa." the ever peace and order officer, Light commented, trying to calm their...not so calm brother. Napailing siya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Kailangan lang siguro niya iyong itulog. Umaasa siyang sa paggising niya ay wala na ang masamang pakiramdam na kanina pa niya nararamdaman sa ospital. And something about that place was off, he can't just put his finger into it. Parang dininig ng Diyos ang panalangin nila dahil may dumating na bus at sinabing bibiyahe raw ito papuntang Baler. "Oh, thank God!" He said and got up, throwing his hands on the air. "Never thought you'd utter such a phrase." Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ni Thaddeus, isa sa mga pinsan nila at ang pinakamakulit. "Damn you!" He hissed at him. Thad just grinned. "Tinakot ba kita, Hump-Hump?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD