MAS LALONG lumalim ang pagkakasimangot ni Humphrey. Gusto niyang pilipitin ang leeg ng pinsan dahil sa itinawag sa kanya. Madalas talaga ang asaran nilang magpinsan, na minsan ay umaabot sa suntukan. Hindi naman talaga sila nag-aaway. Bonding lang nila iyon.
"Shut-up, Thad!" Naiinis na saway niya rito. Kung wala lang ang nakakatanda nilang kapatid, baka binatukan na niya ang isang ito.
"Thad! Akala ko hindi ka makakapunta." nakangiting sabi ni Light.
"Pwede ba iyon? Kailangan tayo ni Lola."
"Thad?" boses iyon ng babae.
Natahimik sila. Tumaas naman ang kilay niya nang makita ang babaeng nasa likuran ni Thad. It was Asia, Thaddeus's ex. Now, this is cheesy. Humphrey's eyes glinted mischievously.
"Hey, Asia, nabaliw ulit sa alindog mo itong si Thaddeus?" nakangising saad niya.
Sinamaan siya ng tingin ni Thaddeus na kung nakakamatay lang iyon ay baka six-feet below the ground na siya ngayon pero hindi siya naapektuhan ng tingin nito.
"Let's go, Asia." nakasimangot na sabi ni Thad bago hinila ang babae papunta sa bus.
He pouted. Aw, that went smoothly. He wanted to tease Thad a bit more. But then, baka mabatukan na talaga siya ni Zane. Kaya shut-up na lang muna siya ngayon.
Nagsitayuan na rin ang mga kapatid niya. Nangunot uli ang noo niya nang makitang napahagod na naman sa dibdib si Claude. Parang nakakabahala na ang paghagod nito sa dibdib. May sakit kaya itong hindi sinasabi sa kanila?
"Wala ka naman sigurong sakit sa puso?" tanong niya.
Umiling ito. "Bakit sinabi mo iyon kay Thad? Alam mo namang forbidden subject si Asia." sa halip ay balik tanong nito sa kanya.
He snickered. "Really? Hindi niya dapat kasama ang babaeng iyon kung ayaw niyang tuksuhin ko siya."
Napatingin siya sa Genesis bus. Something in it spoke to him, but as he took a good, long look at it, it spoke of creepy.
Napahimas siya sa mga braso nang makaramdam ng kuryenteng dumaloy sa spinal cord niya. The bus looked dangerous, but something in it feels like welcoming home. Ano naman kayang klaseng diskrepsiyon iyon? Umiling-iling siya para mawala ang kung anu-anong idea na pumasok sa utak niya.
Ikiniling niya ang ulo. Nababaliw na siguro siya.
Pagkatapak na pagkatapak niya sa bus ay nakaramdam kaagad siya na para bang hinihila siya niyon. At parang may kung ano siyang nararamdamang koneksiyon sa bus na iyon. Nilibot niya ng tingin ang bus. Natigilan siya nang makita ang mga pasahero roon. Nakaramdam agad siya ng koneksyon sa bawat babae at lalaki sa loob.
May lalaki siyang nakita sa bandang unahan na nakangiti, pati mga mata ay nakangiti pero hindi maiwasan ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang likod. Parang hindi totoo ang ngiti nito.
Lumipat naman ang tingin niya sa lalaking nasa kabilang row pero nasa tapat ng "smiling man", nakasimangot naman ang isang ito at parang pasan ang mundo.
Napataas ang isang kilay niya nang makakita ng isang lalaki na nakayakap sa isang dilaw na pokemon. Dumeretso siya sa bandang likod at napahinto nang makita ang lalaking nasa pinakahuling upuan sa likod. Nakapangalumbaba lang ito at nakayuko. Naka-hood ng itim kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nagkibit-balikat na lang siya at naupo sa ikatlong upuan bago sa huli.
Base kasi sa madilim na aura ng lalaking nasa gilid ng bintana sa pinakahuli ay hindi nito maa-appreciate ang katabi.
Pinauna niya ng upo si Claude para ito ang malapit sa bintana bago siya naupo.
Sa katapat naman niya ay si Light, nasa tabi naman ng bintana si Thorn. At si Zane ay naupo sa harap ni Light.
Isinalampak niya sa tainga ang kulay itim niyang headphone saka ipinikit ang mga mata para matulog. He zoned out a minute later.
He didn't realized that the bus started moving at exactly twelve o'clock in midnight.
* * * * *
"SEEK the key."
Napakurap-kurap si Humphrey nang lumipad ang katawan niya sa harap. Nagawa niyang itukod ang mga braso sa likod ng upuan sa harap niya bago pa man sumubsob ang mukha niya roon. It made his heart jumped.
Mabilis niyang tinanggal ang headphone niya, saka nilingon kung maayos lang ba ang mga kapatid niya dahil sa narinig niyang tilian ng mga babae at iyakan.
"Anong nangyayari?" nagtatakang tanong niya.
"Calm down, everyone!" biglang sigaw ng nakatatanda niyang kapatid nang tumayo ito. "Mas may mangyayaring masama kapag nagpanic tayong lahat." As usual, umiral na naman ang pagiging lider nito.
Ikiniling niya ang ulo para mawala ang antok sa diwa niya.
Bago pa maipagpatuloy ng kapatid niya ang sasabihin nito ay isinalya na ito ng isang lalaki mula sa likod. The brooding man kung tawagin niya. Ito iyong lalaking naka-hood at nakaupo sa pinakadulo ng bus. Tumakbo ito papunta sa unahan.
"Sandali!" pigil ng kuya niya pero parang walang narinig ang lalaki. Hahablutin sana ni Zane ang braso ng lalaki pero mabilis ito, nakarating kaagad sa unahan ng bus. At nang marating nito ang pinakauna ng bus ay napahawak siya sa upuan dahil umuga iyon.
"What the hell?" he sucked in a breath.
"Lucy!" sigaw ni brooding man.
May tinulungan ito sa unahan pero hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin dahil mas mahalaga sa kanya ang sarili niyang pamilya. Kalmado si Zane, si Light naman may nababasa siyang pag-aalala sa mukha nito, si Thorn ang halatang takot pero sinisikap na magpakatapang, which was quiet a progress as he's seen so far. Masyado kasing matatakutin si Thorn, at iyon ang dahilan kung bakit sobra siya kung mag-alala rito.
Nilingon niya si Claude na ngayon ay iiling-iling lang habang walang ganang nakamasid sa mga nagpa-panic na pasahero.
Pinipilit pakalmahin ni Zane ang mga pasaherong natataranta at binibigyan ng instructions para umalis sa bus. Ang mga nasa unahan ng bus ay dahan-dahang pinapauna pababa. Ang unang dalawang gulong kasi ng bus ay nahulog sa pampang.
Pinauna munang bumaba ang nasa unahan at nahuli silang mga nasa likod nakapuwesto. Nakahawak siya sa balikat ni Claude habang iginigiya ito palabas. Para kasing wala man lang katakut-takot itong kapatid niya.
Nang makatapak na siya sa lupa ay saka lang niya nalamang kanina pa niya pinipigilan ang paghinga. Mabilis din ang t***k ng puso niya dahil sa nangyari. Takot? Kaba? Naghahalo-halo na.
"Okay ka lang?" tanong niya kay Claude.
Claude grinned at him and stretched like a cat. "You look more shaken than me, Kuya. Mukhang mas kailangan mo ng tubig kaysa sa akin."
Binatukan niya ito saka lumapit sa iba pang kapatid.
"Kumusta kayo?" tanong niya kay Light.
Sa nakikita niya ay talagang natakot si Thorn. Halos hindi na nito bitiwan si Light. Mahigpit ang kapit nito sa nakatatanda nilang kapatid.
"Ayos lang kami. Medyo natakot lang si Thorn."
Tumango siya at nang tingnan ang nakatatandang kapatid na si Zane ay mukhang ayos lang naman ito dahil nagagawa pa nitong mag-utos at pakalmahin ang ibang pasahero.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Thaddeus na bigla na lang sumulpot sa tabi nila.
"We're fine. Tama bang iwanan mo si Pacific para mangumusta sa amin?" balik-tanong niya rito.
Thad sent him a withering glare. "Shut-up, Humpty-Dumpy."
"Why don't you just admit that you still have feelings for her? Gagaan ang loob mo." payo niya rito.
Thad looked like seconds away from punching him. Handa si Humphrey kapag umigkas ang kamao ng pinsan. Para kasing gusto niyang makipagbasag-ulo ngayon. Ano ba naman kasi't nade-delay ang pagpunta nila sa Aurora. Gusto na niyang makita ang kanyang abuela. Kapag hindi niya inilabas ang frustrations niya baka magsisigaw na siya roon.
"Nag-aaway na naman ba kayo? "
Napangiwi siya nang marinig ang boses ng Kuya Zane nila.
"Wala kuya, naglalabing-labing kami." Nakangising sabi niya, sabay akbay kay Thad.
Yumakap naman sa baywang niya ang pinsan, saka kinurot siya sa tagiliran. Muntik na siyang mapangiwi pero napanatili niya ang pekeng ngiti sa labi. "Oo, kuya Zane. Naglalabing-labing kami ni Humpty-Dumpy. Ang sweet, `di ba?"
Hinigpitan niya ang kapit sa balikat nito at kinurot naman siya nito sa tagiliran.
Zane's watchful eyes narrowed on them and they tried to smile. Which he assume turned out a wince.
"Siguraduhin niyo lang." seryosong saad ng kapatid niya. Halatang pinalagpas lang nito ang kakulitan nilang dalawa ni Thad. "Thad, hindi mo dapat iniiwan si Asia. Natatakot ang babae tapos iniiwan mo lang."
"Yeah, puntahan ko lang muna si Asia. Bye, Humpty." mabilis na nakatakbo ito palayo sa kanila.
Nang medyo makalayo na ito ay lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng middle finger. He returned it with equal dislike.
"Anong gagawin natin mga kuya?" tanong ni Thorn.
"Tumawag na lang tayo sa bahay at magpasundo." suhestiyon ni Light.
"I doubt that, Kuya." sabi naman ni Claude. "Nasa gitna tayo ng kawalan. Walang signal. At alas tres ng madaling araw."
Nang banggitin ni Claude ang oras ay parang may mga maliliit na mga langgam na gumapang sa kanyang batok.
"Alas tres ng madaling araw?" he asked in disbelief. May mga pamahiin at nakakatakot na kuwento tungkol sa oras na iyon. Hindi sa takot siya sa ganoong klaseng mga kwento pero baka nga may kakaibang mangyari. Lalo pa't kanina pa siya hindi mapakali.
Light looked at him. "Isn't it cliché? There is always something that happens every three o' clock."
Thorn gripped Light's hood and gnawed at his quivering bottom lip.
"Stop it, Light. Tinatakot mo lang si Thorn niyan." saway ni Kuya Zane.
Light grinned down at their youngest. "I'm only joking, bunso."
"But you already planted the idea in his head." Claude said disapprovingly.
Lahat sila ay over-protective sa nakababata nilang kapatid. Kahit si Light. Hindi nga lang medyo halata dahil sa teasing manner nito.
He zoned out everything that is going on around him when he felt a heavy stare at him. Nang mapalingon siya at nagtagpo ang mga mata nila ng isang babaeng may kaliitan ang katawan, maputi ang buhok, at kulay ginto na mga mata. Napakadilim ng kinaroroonan ng babae. Pero lumilitaw ang ginto nitong mata na para bang mga ilaw ang mga iyon.
Napakurap-kurap siya at nang tingnan ulit niya ang kinaroroonan ng babaeng may puting buhok, wala na ito sa kinatatayuan nito. Wala sa sariling napahakbang siya at pumunta sa kinatatayuan ng babae kanina.
Nananag-inip lang ba siya? Pero parang totoo talaga ang nangyari. Hanggang ng mga sandaling iyon, kahit malamig ang simoy ng hangin, nararamdaman pa rin niya mainit nitong titig.
Napahakbang siya patalikod at kaagad na humarap ng may matapakan siya at umaray iyon.
"Aray naman, kuya!" nakangusong sabi ng babaeng may hanggang baywang na buhok. "Mag-iingat po kayo sa paghakbang. Baka sa susunod, engkanto na ang matapakan mo. Madilim pa naman ang paligid at kulay dugo ang buwan."
Tiningnan lang niya ang babae na para bang tinubuan ito ng dalawang ulo.
"Hindi ka naniniwala? Tingnan mo ang buwan."
Napatingala siya. At totoo nga, kulay dugo ang buwan. "Lunar eclipse?" bulong niya. Weird, ni hindi man lang niya napansin na may Lunar eclipse pala. Ni hindi nga niya narinig iyon sa balita. Then again, hindi naman siya nakikinig ng balita.
Nang muli niyang ibaba ang tingin ay wala na sa harap niya ang babae. Napakamot na lang siya sa ulo. Bakit ba palaging nawawala ang mga babaeng nakikita niya ngayon?
Bumalik na siya sa kumpon ng mga kapatid. Tumaas ang kilay niya nang makitang nakikipag-usap na si Claude sa isang babae. O ang babae lang iyong nagsasalita dahil mukhang bored lang namang nakatingin sa harap nito ang kapatid niya.
"Claude."
Nag-angat ito ng tingin. "Kuya."
"Hi, I'm Kylene. Student pa lang ako at hopefully ay maka-graduate ako in due time."
Sinimangutan niya ito. "Nagtanong ba ako?" pagsusungit niya rito.
Imbes na ma-offend sa lantarang pagsimangot niya rito ay nginitian siya ng pagkalawak-lawak ng babae. Pakiramdam nga niya ay may mga kumikinang-kinang pa sa paligid nito. Katulad n'ong sa mga anime. "Hindi. Pero sinasabi ko pa rin sa `yo para malaman mo-n'yo." Ngumiti ulit ang dalaga, sa pagkakataong iyon ay masasabi na niyang geniune talaga ang ngiting iyon. Nakikinita na ni Humphrey na maraming lalaki ang mahuhumaling rito after a year or two. Kapag ganap na talaga itong babae.
Tinaasan lang niya ito ng kilay.