Kabanata VI

2979 Words
"WHAT'S your name?" puno ng kuryusidad na tanong nito at talagang lumapit pa sa kanya para sipatin siya. Napasinghap ito. "You have such lovely green eyes." Napatingin naman ito kay Claude habang nagkatinginan sila ng kapatid. Halata sa hitsura nito na naiingayan na sa babae. "I don't give my name to strangers." sagot niya rito dahil halata sa mukha nito na inaasam ang sagot sa tanong nito. "Oh. I'm not a stranger. I'm Kylene. Like I told you before." "Well, I don't give my name to someone I don't know well." masungit na sabi niya rito. Bakit ba siya kinakausap ng babaeng ito? Wala ba itong ibang magawa sa buhay? "Hmm." Namaywang ito at para bang ngumingiti ang mga mata. "I'd accept that. Pero kahit pangalan na lang ni pogi ang sabihin mo." Itinuro nito si Claude na inikutan lang ng mga mata ang babaeng nagpapa-cute sa harap nito. "May gusto ka sa kapatid ko?" tanong niya rito. "Sexy ang kapatid mo." sa halip ay sabi nito, nagniningning ang mga mata. Napataas ang isang kilay niya. Naaaliw siya sa babaeng ito. "Nangangagat iyan kahit hindi halata." Imbes na ma-discourage ay nangislap pa ang mga mata nito. "Really? Saang parte ng katawan nangangagat ang kapatid mo? I could offer him my whole body. And I like it rough." Napatikhim siya nang sumama ang tingin ni Claude sa babae. Minsan lang kasi ito maaasar. Pero higit sa lahat, parang umurong ang dila niya sa babaeng ito. "Ah, you're too young to know." "I'm not. I'm already eighteen." For the first time since he came, nagsalita sa Claude. "You're young." "I'm not." "You are. You're still a girl." Napasinghap ang dalaga na para bang nainsulto ito sa sinabi ng kapatid niya. Kung siya lang din naman ang nasa kalagayan nito ay malamang ganoon din ang mararamdaman niya. "I'm a woman. And I can prove you that." "Really?" Walang ganang sagot ni Claude. Humphrey's eyes narrowed. Uh-oh, he thought, be careful what you wish for. Naging alerto ang mga mata niya nang mapansin ang inis sa mga mata ng babae. "Yes." The "woman" said in between gritted teeth. Hinila nito ang batok ni Claude na siyang ikinagulat ng kanyang kapatid pero bago pa ito makapagsalita ay tinakpan na ng babae ng bibig nito ang labi ng kapatid niya. Poor Claude, he thought amusingly. Oh, the energy of a teenager. Naalala tuloy niya kung gaano siya kapusok noong nagsisimula palang siyang mahinog. Yuck. Parang gusto niyang masuka sa isiping iyon. Kailangan na talaga niya ng maayos na tulog. Hindi ganitong paputol-putol. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ng kapatid at ang gulat nitong hindi mapaglagyan. "Ohh, someone's gonna get laid soon." Nakangising sabi ni Light na nakalapit na pala sa kanila. "Uh-oh," narinig niyang sambit ni Thad. "Live p**n. Wanna watch it." Humphrey exchanged grins with Light and Thad when they saw the woman pressed her body towards Claude and that he almost went down to his knees. "Sino po `yang kasama ni Kuya Claude?" tanong ni Thorn na kalalapit lang sa kanila. "Kylene." He said and grinned. "She's Kylene. Eighteen years old and still a student. But a woman. According to her." "I bet, she'd be on Claude's mind on waking and sleeping hours." sabi ni Thad. "I don't doubt that." nakangising sabi ni Light. "What the hell is he doing making out with a girl in public?" nakasimangot na tanong ni Kuya Zane. Well, ito naman ang kapatid nilang kunserbatibo. Ayaw na ayaw nitong nakakakita ng public display of affection o PDA. Sigurado siyang may parusa nito mamaya si Claude. "Shh, Kuya!" saway ni Light dito. "Huwag mo silang disturbuhin. Let's see Claude's fall." "Saka mag-iingat ka. At huwag mong iparinig sa kanya na tinawag mo siyang girl." dagdag niya. Hindi niya alam kung namamalik-mata ba siya o totoo ang nakita niyang pagdaan ng amusement sa mata ng kapatid niya. Binitiwan ni Kylene ang batok ni Claude at umatras ng isang hakbang. Napaluhod naman si Claude habang gulat pa rin ang nakarehistro sa mukha nito. "I'm no child, Claude." Kylene said with her chin held up, and looking down at Claude with her eyes. Nang humarap ito sa kanila ay nagningning ang mga mata nito habang magkasalikop ang mga kamay na para bang nakakita ng minahan. "Oh, what a lovely bunch of green-eyed hunks." Nakita niyang napangiwi ang nakatatanda nilang kapatid. Napangisi lang siya tulad ni Light. "Thanks for the compliment," nakangiting sabi ni Light. He always had this playboy aura around him. Ito then ang may aura na para bang madali lang lapitan. Many women fell at his brother's feet. Figuratively and literally speaking. There was a time in the past that a woman literally fell on his feet. Humphrey rolled his eyes at the memory. Hindi lang siya sigurado kung playboy nga ba talaga ang kapatid niyang ito dahil hindi naman niya ito nakikitang may kasamang babae. "Mga kapatid ba kayo nitong si Claude?" tanong ni Kylene. "Why, yes." sagot ni Light. "Hindi ba halata?" "Halata. Ang ganda kaya ng mga mata ninyo. Parang diyamante." Muli itong humarap kay Claude na ngayon ay medyo nakabawi na sa ginawang panghahalik ni Kylene. Humphrey suspected it was Claude's first kiss. "I like you, by the way." deklara nito kay Claude. "You're hot and sexy. And I'm sure our paths will cross again soon." With that, she march to the waiting bus that he didn't notice arrived at all, with her chin still held high. Thad and Light laughed while Thorn patted Claude's shoulder. "Should we help you from your fall?" tanong niya at inilahad ang kamay kay Claude. Pero iwinaksi lamang iyon ni Claude at galit na nagmartsa patungo sa nakahintong bus. Their laughter echoed into the night. Even Zane wasn't able to contain his chuckle. "Tayo na. Baka mahuli pa tayo at maiwan." sabi ni Zane pagkatapos itong tumikhim. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa kulay pulang bus na nagngangalang Rouge Riders. Lumipat din ang tingin niya sa isa pang bus na sinakyan nila. Genesis Bus. Nasa pampang pa rin ang unahang gulong nito. Nang tumapak siya sa ikalawang bus, nakaramdam siya na para bang ito ang sundo nila. But he shrugged it off. * * * * * NAGISING siya sa isang madilim na lugar. Kaagad siyang nakaramdam ng pagkataranta dahil wala siyang makita. Magsasalita sana siya pero biglang umurong sa kanyang lalamunan ang kanyang tinig. Nakahiga ba siya o nakatayo? Sinubukan niyang gamitin ang kanyang pandinig pero wala siyang marinig kahit mahinang kaluskos man lang. Wala rin siyang maramdaman. Hindi malamig, hindi rin mainit. Para lang siyang nakalutang sa kawalan. Nagsimulang umahon ang takot sa kanyang dibdib. Nasaan siya? Bakit wala siyang marinig, makita, maramdaman? Wala rin siyang maamoy. Sinubukan niyang itaas ang kamay, baka sakaling may maramdaman siyang pader. Nagsimula siyang maglakad pero hindi niya maramdaman ang kinatatayuan. Patuloy lang siya sa paghakbang pero wala siyang makapang dingding. Nasaan siya? Bakit wala siyang maramdaman? Bakit madilim? Tulong! her mind cried out, but no voice came out. She swear she's crying right now, but she cannot feel her tears, or taste it. 'Nasaan ako?' 'Ano'ng ginagawa ko rito?'  'Tulong!' Ano nga ba ang pangalan niya? Muli ay nakaramdam siya ng panic. Sino siya?! Ano ang pangalan niya? Bakit madilim? Bakit walang nagliligtas sa kanya? Ilang oras na ba siyang gising? Oras nga ba o araw na ang lumipas? Tumalungko siya at niyakap ang kanyang mga tuhod. Isinubsob niya ang mukha sa pagitan ng kanyang tuhod at tiyan at umiyak. Bakit hindi niya maramdaman ang sariling mga luha? Ano bang ginagawa niya bago siya napunta sa nakakabaliw na lugar na iyon? Nasaan siya? Umiling siya. Marami siyang tanong na walang sumasagot. Bakit sa kanya nangyayari ang bagay na iyon? Gusto niyang lumabas! Bakit puro itim lahat? Baka nabulag siya? Pero bakit? May munting alaala na nagbalik sa kanyang balintataw. Nasa loob siya ng isang kotse na mabilis na umaandar. Pero sino ang nagda-drive? Hindi siya. May kasama siya! Sino?! Sino?! Naramdaman niya ang mabilis na pagrigodon nga kanyang dibdib. May kasama siya at baka ito lang ang makatulong sa kanya na makawala sa lugar na iyon. Kung saan man iyon. Pilit niyang inalala kung sino ang kasama niya pero habang pinipilit niya ang sarili na makaalala ay lumalala lang ang sakit sa kanyang ulo. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. * * * * * MULI siyang nagising. Pero hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog. Ang alam lang niya ay kailangan niyang makalabas sa lugar na iyon. At kailangan niyang maalala kung sino ang kasama niya. Nilabanan niya ang p*******t ng kanyang ulo. May naaaninag siyang bulto ng lalaki. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Kilala niya ang ngiting iyon. Instant recognition hit her hard. She knew that smile even though his face was covered in shadows. "Humphrey!" * * * * * NAPABALIKWAS ng bangon si Humphrey habang hinahabol ang hininga. Tagaktak ang pawis niya sa katawan. Malamig at naninindig ang kanyang mga balahibo. Tumayo siya at pinatay ang aircon. Someone's shouting his name. He paced on the carpeted floor as he tried to remember who was asking for his help. His ears are still ringing from the shout. Boses iyon ng babae. Pero sino? Sino ang— Napahinto siya sa paglalakad at umahon ang kaba at labis na pag-aalala sa kanyang dibdib. Francheska. "s**t!" Bakit ngayon lang niya naalala si Franky? Magkasama silang dalawa sa kotse—Nawalan ng dugo ang mukha niya nang may ma-realize. Magkasama sila ni Francheska sa loob ng kotse niya nang makipagkarera siya pero ni hindi man lang niya ito naalala nang magising siya sa ospital. Lumabas siya ng kwarto na naka-boxers lang at sakto namang bumukas ang pinto sa katapat na kwarto ng sa kanya. "Bakit ganyan ang ayos mo?" nakasimangot na tanong ng kuya Zane niya. Ayaw nitong lumabas sila ng kwarto na hindi desinte ang kasuotan. "Kuya, bakit hindi ninyo sinabi na magkasama kaming naaksidente ni Francheska?" galit na tanong niya rito. "Nasaan s'ya? Bakit wala man lang kayong sinasabi sa akin?" Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Magkasama? As I can remember ikaw lang mag-isa ang naaksidente dahil diyan sa katigasan ng ulo mo." Siya naman ang napakunot ang noo. "Magkasama kami ni Franky na sumakay sa kotse." "Wala ka ngang kasama. Kahit tanungin mo pa ang ospital. Ikaw lang mag-isa ang isinugod sa ospital." "No! Magkasama kami ni Franky." Dread filled his stomach. Kung hindi nito alam na magkasama silang naaksidente ni Francheska, nasaan na ang dalaga? Saan ito dinala ng mga nag-rescue sa kanila? "Baka nananag-inip ka pa, Humphrey. Bumalik ka na lang sa pagtulog. Ako na muna ang mag-aasikaso sa libing ni lola." Something sharp sliced his heart. Pagdating nila kaninang alas sais ng umaga ay wala na ang kanilang lola. Walang nakakaalam kung anong oras ang pagpanaw nito dahil nang pumasok sila sa kwarto nito ay malamig na itong bangkay. Namatay ang lola Lucija nila habang natutulog. Ni hindi man lang sila nakapagpaalam dito. Napapiksi siya nang dumapo ang mabigat na kamay ng kapatid sa balikat niya. "Matulog ka na lang ulit." But sleep has totally left his body and he was now fully awake. Awake and confuse. Nasaan si Francheska? Bumalik siya sa loob ng kwarto at kinuha ang kanyang cellphone para i-dial ang numero ng dalaga. Nagri-ring lang iyon at walang sumasagot. Sunod niyang tinawagan ay ang mga magulang nito pero hindi naman daw ito umuuwi. Ang akala nga ng mga ito ay magkasama silang dalawa dahil ang huling paalam ni Franky ay nang matulog ito sa condo niya noong gabi bago naganap ang huling karera nila. Tinawagan din niya ang mga kaibigan nito pero wala ring alam ang mga ito. Umahon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. Nasaan na si Francheska? Sigurado siyang magkasama sila nito nang mag-umpisa ang karera. Nauna pa nga itong sumakay sa kotse niya. Muli siyang lumabas sa kanyang silid at nakasalubong si Light. Halata ang puyat at pagod nito. He could see the dark bags under his eyes. "Kuya Light!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD