VII. Magkakapatid

2003 Words
NAGULAT si Light dahil sa malakas na boses niya at biglaang pagsulpot. Kahit siya ay nagulat rin. Mas nauna itong nakabawi sa kanya at nginisihan siya. Light's eyes were twinkling with amusement. "O? Getting laid?" Hindi niya pinansin ang komento nito. May mas importanteng bagay siyang dapat na malaman. "Alam mo ba kung nasaan si Francheska?" Kumunot ang noo nito. "Bakit ako ang tinatanong mo kung nasaan si Franky? Kayo ang palaging magkasama, `di ba?" "Magkasama kami sa kotse nang maaksidente ako. Bakit wala siya sa ospital?" "What? Ikaw lang mag-isa ang naaksidente. Ikaw lang mag-isa ang nakasakay sa kotse mo." nalilitong sabi nito. "Magkasama kami ni Franky!" puno ng katatagan ang boses niya at kasiguraduhan. "Nananag-inip ka pa siguro, Humphrey. Matulog ka na muna." Anger rose from within him. Just like Zane, Light brushed off his concern. He angrily returned to his room and slam it behind him. Mabilis na naligo siya at nagbihis. Kailangan niyang hanapin si Francheska. Hindi kaya ng konsensya niya kapag nasaktan ito ng dahil sa kanya. Pagdating niya sa sala ay naroroon na ang lahat ng kapatid niya pati ang kanyang pinsan. Nagulat ang mga ito sa postura niya at malamang sa galit na mukha niya. "Kuya, Humphrey. Aalis ka?" tanong ni Thorn. "Hahanapin ko si Francheska." "May nangyari bang masama kay Franky?" nag-aalalang tanong ni Claude. "I don't know. Ang huli kong naaalala ay magkasama kami sa kotse bago ang aksidente." "Ikaw lang mag-isa ang nasa loob ng kotse mo, Humphrey." mapagpasensiyang sabi ni Light. His left eye twitched. "Magkasama kami. Sigurado ako roon. Kung ayaw ninyong maniwala, bahala kayo. Hahanapin ko si Francheska." "Hindi mo ba hihintayin man lang si Lola?" tanong ni Thad. Mariing naglapat ang mga labi niya. Alam niyang maiintindihan siya nito. "Mahal ko si lola at ganoon din siya sa akin. Alam kong maiintindihan niya ako sa pag-alis ko. Babalik din naman ako." "Humphrey, you're showing restlessness. And your eyes are darting from one place to another." Nakasimangot na sabi ng kuya Zane nila. Kailan ba ito ngumiti? Sinimangutan din niya ito. "And your point is?" "You're saying things that didn't happen at all. And you've been acting weird for a few weeks now." "I'm not saying things that didn't happen. Magkasama kami ni Francheska. Nauna pa nga siyang sumakay sa kotse bago ko pa siya mapigilan." "Humphrey, huminahon ka muna." sabi ni Light dahil tumataas na ang boses niya. "Paano ako hihinahon kung nawawala si Francheska?" "Tinawagan ko ang racetrack kani-kanina lang para magtanong kung totoo bang magkasama kayo ni Francheska," seryosong saad ng kanyang kuya Zane. "Sinabi nilang mag-isa ka lang daw sa kotse. At ipinagbabawal iyon sa rules ng karera na magpasama ng pasahero." Nagtagis ang mga ngipin niya. "Alam ko iyon! Kaya nga hahanapin ko si Francheska! Kasalanan ko'ng lahat ng ito. Kung hinila ko lang sana siya palabas sa sports car, hindi sana siya madadamay." "I asked for the CCTV fotage para makasigurado. Ipapadala na nila iyon mamaya lang. Kumalma ka lang muna riyan." sabi ni Zane. "Mas makakatulong kung makita muna natin ang CCTV para alam natin kung sino ang tatawagan. Para pagdating mo sa Maynila, deretso ka na sa kung nasaan man si Francheska. Hindi siya nakapagsalita dahil may point ito kaya kinagat na lang niya ang dila. Mas madali nga naman kapag sinunod niya ang payo nito. Light patted the seat beside him, pero hindi niya ito pinansin. Hindi rin nagtagal ay tumunog na ang cellphone ni Zane. Sinagot nito iyon pero hindi umabot ng isang minuto ang pakikipag-usap nito sa telepono. "Thorn, go and get my laptop." Kaagad namang sumunod ang bunso nila lalo pa't halatang seryoso ang boses ng nakatatanda nilang kapatid. Zane's dark green eyes, held his. "Maupo ka muna." At dahil mahina siya sa mga pagsunod sa utos, imbes na maupo ay nagpabalik-balik siya sa paglalakad sa gilid. Magkasama sila ni Francheska, right? Hindi siya maaaring magkamali roon. Kung ganoon ay nasaan ang dalaga? Bakit wala ito sa ospital? Napahinto siya. Ospital? Ikiniling niya ang ulo saka nagpatuloy sa pagparoon at parito. "Damn it, nasaan ka na ba, Franky?" bulong niya. "Kapag nalaman kung ginu-good time mo lang ako, malalagot ka talaga sa akin." Ang hindi niya napansin, kusang nawala sa memorya niya ang ospital. Na para bang may barrier ang salitang iyon at hindi siya makapasok. "Ito na po, kuya." Zane set the laptop in the coffee table. May kung ano itong pinagpipindot hanggang sa iharap nito sa kanila ang monitor. Kaagad siyang lumapit para makita ng maigi ang nasa video. Nakita niya ang sarili na nakatayo at nakaharap sa racetrack. Wala siyang kasama. Ang naaalala niya ay magkasama sila ni Francheska nang mga oras na iyan at nagtatalo. Pero ang nasa video ay nakatayo lang siya at naghihintay ng simula. Nakita rin sa monitor ng laptop na mag-isa lang siyang sumakay at wala ng iba pang sumakay hanggang sa magsimula na ang laban. "What the hell?" He uttered under his breath. "Is that edited? Sigurado akong magkasama kami ni Franky at nauna pa siyang sumakay." Kinuha niya ang mouse at inulit ang video, tinitigan din niyang maigi ang oras sa monitor. Walang time skip na naganap, pero wala pa rin siyang makitang Francheska sa tabi niya. Inulit na naman niya ang video pero ganoon pa rin. "What the f*ck is that?!" galit na bulyaw niya. "Magkasama kaming dalawa ni Francheska. Hindi ko imahinasyon lang iyon. What the hell is wrong with that video? Talaga bang noong huling karera ko kuha ang video na `yan?" Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansing nakatingin na ang lahat sa kanya. "What?" Naaasar na tanong niya. At dahil wala sa mga ito ang nagsalita kaagad ay awtomatikong naging defensive siya. Nakikita kasi niya sa mga mukha nito na pinagdududahan siya. "Hindi lang ako ang parang tuliro rito kundi tayong lahat. Ikaw, Light, nakangiti ka nga pero halatang peke. Ikaw naman Claude, kanina mo pa hinihimas iyang tiyan mo at para bang hindi ka mapakali sa kinauupuan mo. Si Thorn naman parang mas takot sa madidilim na lugar ngayon. At ikaw kuya Zane, akala mo ba hindi ko napapansin ang mas pagiging sensitibo mo sa paligid? Na para bang anumang sandali ay may aatake sa atin mula sa kung saan? "Kung tingin ninyo napapraning na ako, pwes, tayong lahat ang nababaliw at hindi lang ako." Halos hingalin siya nang matapos sa mahabang depensa. Inunahan na niya kung ano man ang iniisip ng mga ito. Parang nahuhulaan na kasi niya ang tingin ng mga ito sa kanya. Narinig din niyang suminghap si Thorn. Ang nakatatandang kapatid ang nagsalita. Bumuntong-hininga muna ito. "Wala kaming sinasabing ganyan. Ang nais ko lang sabihin ay mas nagiging restless ka kaysa sa normal. Tatanungin sana kita kung ano ba talaga ang kinakabahala mo para matulungan ka namin. Hindi ganitong kinikimkim mo na naman sa sarili mo ang mga alalahanin mo." Malungkot namang tinitigan siya ni Light. "You really thought the worst of us. Kaya ba hindi ka na lumalapit sa amin, Humphrey? Sinusubukan naming mag-reach out sa iyo pero palagi mo na lang kaming itinutulak palayo kaya hindi kami makatiyempo. Gusto ka lang naman naming tulungan." Napahiya siya. Hindi naman kasi talaga siya close sa mga kapatid. Maliban kay Claude na sa kung anong dahilan ay palaging nakadikit sa kanya. Nag-aalala siya para kay Thorn, oo pero iyon ay dahil magkapatid sila. Ni hindi na nga niya maalala kung kalian sila huling nagkasama at nagkausap ng mga bagay-bagay. Lalo na sa kapatid niyang si Zane. "I've been hearing you talking to youself for a while now." sabi ni Zane. "Hindi ko lang pinapansin noong una dahil akala ko may problema ka lang. Pero lumalala na iyon sa pagdaan ng araw. Para bang may gumugulo sa `yo." Napasimangot siya sa sinabi nito. "Paano mo nalaman iyan? Ngayon lang tayo nagkita ulit sa loob ng isang buwan." Totoong nakatira sila sa iisang condominium pero magkakaiba naman sila ng floor at minsan lang talaga sila magkita nito. At kapag nangyari naman iyon ay hindi sila nagsasalita sa isa't-isa. Tanguan lang ang ginagawa nila bilang pagbati. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit lumayo ang loob niya sa mga kapatid. Maliban kasi sa puro sila lalaki, nahihirapan silang makipag-usap sa isa't-isa ng walang suntukang nangyayari. Pero kahit ganoon ay mahal pa rin naman niya ang mga ito. At nag-aalala rin siya sa mga ito paminsan-minsan. Talaga lang may gap sa kanila. Nagsususpetsang tiningnan niya ang nakatatandang kapatid nang makita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Hindi niya malaman kung ano ang ibig sabihin niyon pero nararamdaman niyang may ginagawa ito sa likod nilang magkakapatid. Bumuka ang bibig niya para sana tanungin si Zane pero mabilis din niyang itinikom iyon. Sigurado siyang hindi siya sasagutin nito. Pero nagboluntaryo si Light na itanong sa kapatid nila ang gusto nilang malaman. Tumayo si Light para hawakan sa balikat ang kapatid nila. "May dapat ka bang sabihin sa amin, Kuya?" Ngayon ay kay Zane naman sila nakatingin lahat. Pati si Thad na nananahimik lang. Bumuntong-hininga si Zane. "Ako ang nakatatanda ninyong kapatid. Responsibilidad kong bantayan kayo." "So, may h-in-ire kang stalker namin?" tanong ni Claude habang nakataas ang kilay. Dinaan nito sa biro ang pagtatanong dahil napakaseryoso ng pinag-uusapan. Umiling ito. "Of course not. Hindi ninyo lang siguro napapansin pero dinadalaw ko kayo sa kung nasaan man kayo kapag may libreng oras ako. Alam kong malalaki na kayo at kaya na ninyo ang mga sarili ninyo pero hindi ko maiwasang mag-alala. Bilin din ni Lola noon na bantayan ko kayong maigi." Napasimangot siya. Naiintindihan niyang mapag-alala talaga ang abuela nila. Palagi sila nitong kinukumusta. Pero iyong ibilin talaga sila kay Zane para bantayan, hindi ba't parang sobra naman yata iyon? "Bakit naman sasabihin iyon ni Lola?" Nagkibit-balikat ito. "Who knows? Noon pa man ay may misteryosong pagkatao na talaga si Lola." Kung ganoon ay hindi lang pala siya ang nakapansin niyon. There was always something unique about their grandmother. Hindi lang niya matukoy kung ano. Isa pa, mahal na mahal niya ang abuela para lang pagdudahan ito. Bago pa maging ma-drama ang eksena roon ay nagpaalam na siya sa mga ito. "Hindi kami makakaalis rito para tulungan kang hanapin si Franky, pinsan," sabi ni Thad. "Pero gagawin namin ang lahat ng magagawa namin dito para kahit paano ay makatulong kami." Tumango siya at tumalikod na. "Ingat sa biyahe," pahabol ni Light. "Huwag masyadong mainit ang ulo." Iniikot niya ang mga mata sa komentong iyon ni Light. Nakasalubong naman niya ang mga manggagawang nagbubuhat ng puting kabaong ng kanyang lola na may gold intricate sa gilid. Huminto sa tapat niya ang mga nagbubuhat. "Sir, papasok na po ba kami?" Tumango lang siya bago yumuko upang gawaran ng halik ang ibabaw ng kabaong ng kanyang lola. "I'm sorry, lola. Pero kailangan kong hanapin si Francheska. Huwag po kayong mga-alala. Babalik din po ako kaagad kapag nahanap ko na siya." bulong niya. Nakaramdam siya ng mainit na hangin na para bang niyayakap siya. Napangiti siya dahil alam niyang ang lola niya iyon. At naiintindihan nito kung bakit kailangan niyang umalis. Pinahid niya ang gilid ng nga mata bago pa man may luhang makatakas. Pinatatag niya ang anyo bago nilampasan ang mga ito. Pumasok siya sa loob ng isa sa mga lumang kotse ng kanyang lolo at sa huling pagkakataon ay tiningnan muli ang bahay. Nang makita niya ang nakakatandang kapatid na nasa bintana at nakatingin sa kotseng kinalalagyan niya ay muling umahon ang galit sa kanyang puso. May parte sa kanya na naiintindihan si Zane pero galit pa rin siya rito. Hindi niya matatago iyon. Alam niyang alam ni Zane ang nararamdaman niya. Hindi naman siya kinukompronta ng kapatid. Mas mabuti na siguro iyon. Baka magkasagutan na naman sila. Magulo pa naman ang isip niya ngayon. Inapakan niya ang silinyador at walang lingun-likod na nagmaneho pabalik sa Manila. Kaya naman hindi niya nakita ang babaeng puti ang buhok na nakatanaw sa papalayo niyang kotse mula sa sanga ng isang malaking puno sa gilid ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD