PAGOD na napasandal si Humphrey sa hood ng kanyang kotse. Hindi pa rin niya nakikita si Francheska. Sinubukan na niya itong puntahan sa bahay ng mga magulang nito pero hindi pa raw ito umuuwi simula nang magpaalam na makikitulog sa condo niya.
Pati ang mga magulang nito ay nag-aalala na. Sinubukan din niya itong puntahan sa sarili nitong condo pero walang katao-tao roon.
Kinuntak na niya ang mga kaibigan nitong babae pero wala pa rin.
"Nasaan ka na, Franky?" bulong niya.
Ikinuyom niya ang kamao at napatingala sa maliwanag na buwan.
"Excuse me."
Nagbaba siya ng tingin at nakakita ng magandang babae sa kanyang harapan. Para itong modelo na hinila mula sa mga magazine pero ganoon pa man ay hindi siya naakit sa angking ganda nito.
"Yes?"
"You are Humphrey Castillion, right?"
Hindi niya alam kung paanong nalaman nito ang pangalan niya pero sinagot pa rin niya ito. "Yes."
She squealed like what most girls do. Napangiwi lang siya. "Pwede bang pa-authograph, pogi?"
"Er—"
Bago pa man siya makatanggi ay ipinagduldulan na nito sa kanya ang marker.
Tinggap naman niya iyon pero tinaasan niya ito ng kilay, paraan ng pagtatanong niya kung saan siya pipirma, wala naman kasi itong ibinigay na papel sa kanya.
She giggled and raised her leg on his car's hood. "Pwede bang dito na lang." anito sabay turo sa nakalantad nitong hita. Sobrang iksi kasi ng suot nitong skirt.
He sighed. Mabilis na pinirmahan niya ang hita ng babae pero hindi man lang sumayad ang kamay niya rito.
Sanay na siya sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanya. At kadalasan ay iniignora lang niya iyon. Hindi nga niya alam kung bakit pinatulan niya ang gimik ng babaeng ito gayong may mas importante siyang dapat gawin.
Nang mag-angat siya ng tingin pagkatapos pirmahan ang hita nito ay lumagpas dito ang kanyang tingin. Hindi kalayuan sa kanila ay may nakita siyang babae na may mahabang puting buhok. Talagang naagaw nito ang kanyang pansin dahil napakabata pa nito para magkaroon ng puting buhok.
May kausap itong lalaki. Nabuhay ang kuryusidad niya. Sino kaya iyon? Puti ang buhok? Bakit parang kilala niya ito? Gusto niya itong lapitan at kausapin. Para kasing may alam ito sa mga kababalaghang nangyayari sa paligid.
Isa pa, kahit saan na lang ito sumusulpot. Parang sinusundan siya. Posible kaya iyon? Bakit naman siya nito susundan? Pero malakas talaga ang kutob niya na matutulungan siya ng babaeng may puting buhok at gintong mga mata.
Marahil ay napansin nito na nakatitig siya rito kaya lumingon ito sa direksyon niya. At nagtagpo ang kanilang mga mata.
Napaatras siya sa intensidad ng titig nito. Kulay gintong mga mata, na para bang kumikislap sa dilim. Ngayong harapan na niyang natititigan ang mga mata nito, alam niyang hindi ito ordinaryong tao. Walang lahi ng tao sa daigdig na ito ang may ganoong mga mata. Kakaiba at mahiwaga ang mga mata nito.
Ilang segundo lamang na nagtagpo ang kanilang mga mata pero hindi niya makayanan ang mabigat nitong pagtitig. Pagkatapos siyang tapunan ng tingin ng babae ay tumalikod na ito sa direksyon niya at naglakad papunta sa madilim na bahagi ng kalye.
Bumukas ang kanyang bibig para san pigilan ito pero walang salita ang lumabas.
"Do you want to hook up, Humphrey?" Narinig niyang tanong ng babaeng nasa harap niya. Ni hindi na niya maalala kung sino ang babaeng iyon at kung bakit nasa harap niya ito.
"Excuse me." sabi niya at sinubukang habulin ang babaeng may puting buhok pero wala na siyang makita.
Imposibleng nawala na lang ito bigla dahil wala namang lilikuan sa bahaging iyon.
"Excuse me!"
Napakurap-kurap siya at napatingin sa babaeng nakakunot ang noo sa harap niya. At nakasandal pa rin siya sa hood ng kanyang kotse.Hindi ba hinabol niya ang babaeng may puting buhok? Bakit nakasandal pa rin siya sa kotse?
"Er—what?"
"Sabi ko, thank you sa authograph. Tapos bigla ka na lang natulala riyan, Humphrey. May sakit ka ba?"
Nag-echo sa tainga niya ang sinabi nito at marahas siyang umiling. "Wala akong sakit sa utak!" He hissed.
"Uy, wala akong sinasabing ganyan ah."
"Sorry." Ipinilig niya ang ulo at ipinikit niya ng mga mata. Ano bang nangyayari sa kanya? "Pasensya ka na, Miss. Masakit lang ang ulo ko kaya wala ako sa mood."
Tumangu-tango ito. "Ako nga pala si Skye."
Inabot niya ang pakikipagkamay nito. Hindi na siya nagpakilala dahil kilala naman na siya nito.
"Nice to meet you, Idol!" magiliw na saad nito.
Kiming nginitian lang niya ito.
"Ingat ka idol ah? Saka matulog ka na para mawala iyang sakit sa ulo mo. Salamat uli sa autograph."
Pumasok siya sa kotse nang makaalis na ang babae. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili niya. Inalagay niya ang mga braso sa manibela at itinanday doon ang ulo, saka pumikit.
"Humphrey!"
"Fracheska! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah?"
Francheska grinned at him, the grin he loved the most.
"Tamad ka lang maghanap. Ang bilis mo sumuko eh."
"Hindi totoo iyan ah!"
Binilatan siya nito saka ito nagtatakbo. Hinabol naman niya ito at niyakap sa baywang. Napatili ito na sa kalaunan ay nauwi sa tawa.
Biglang umikot ang paligid at sa isang iglap, hindi na si Francheska ang yakap niya kung hindi ay isang kulay asul na apoy.
Napasigaw siya nang maramdaman ang pagkasunog ng kanyang balat. Pilit niyang pinapatay ang apoy pero hindi iyon mamatay-matay.
Napapikit siya at ramdam niya ang pag-agos ng pawis sa kanyang sentido. Kamay pa lang niya ang nasusunog pero pakiramdam niya ay parang pilit na kinukuha ang kaluluwa niya sa kanyang pisikal na katawan.
Muli siyang napasigaw ng ubod lakas. Hanggang sa wala na siyang maramdamang init.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napasinghap siya nang makita ang isang kulay gintong susi. Antigo iyon at kumikinang-kinang. Hanggang three inches lamang ang haba niyon. Nakakaramdam pa rin siya ng init sa susi pero hindi na nakakapaso. Sapagkat para bang nag-o-offer iyon ng kaginhawaan sa kanya.
"Hanapin mo, apo."
Marahas siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Lola?!"
He frantically searched the area pero wala roon ang kanyang lola. Napahinto siya nang makaamoy ng nasusunog na balat at nang magbaba siya ng tingin sa kanyang palad, umuusok ang susi. Kasunod niyon ay ang matinding hapdi na gumuhit sa kanyang pagkatao.
Napabalikwas si Humphrey habang habol ang hininga. Marahas na pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo pero napatigil siya at tinitigan ang palad.
Mayroon siyang pilat na hugis susi at kumikirot-kirot iyon mula sa init.
Napalunok siya habang inaalala ang napanag-inipan.
O, panag-inip nga ba iyon? Baka naman hanggang ng mga sandaling iyon ay nanag-inip pa rin siya?
Umahon ang kaba at pagkatakot sa kanyang dibdib.
Nag-angat siya ng tingin at tumutok ang kanyang mga mata sa madilim na bahagi ng kalsada. May nakita siyang parang puting dumaan. Hindi niya lang matukoy kung anong klaseng puti iyon.
Naalala niya ang babaeng may puting buhok. Kasama niya ito sa bus nang magpunta sila sa Aurora.
Binuhay niya ang makina at pinaandar ang kotse patungo sa madilim na bahagi ng kalsada.
Pinuntahan pa rin niya iyon kahit na hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa madilim na bahagi ng daan...
* * * * *
SIGAW siya nang sigaw hanggang sa mamaos ang kanyang lalamunan. Mababaliw siya kapag hindi siya nakalabas sa senseless room na iyon.
"HUMPHREY...!"
* * * * *
TAHIMIK ang mansion ng mga Castillion pagkaalis ni Humphrey. Sinusubukan pa rin nilang i-digest ang kaalamang binabantayan sila ng nakatatandang kapatid. Maski si Light ay parang hindi rin makapaniwala.
Pero kailangang may isa sa kanila ang kumilos. Tumayo si Claude. "Ako na ang susunod sa kanya, mga Kuya. Kayo na lang ang umasikaso sa libing ni Lola. Sisiguraduhin kong makakabalik kami ni Kuya Humphrey bago ilagak si Lola sa huling hantungan niya."
"Sigurado ka ba?" tanong ni Thad. "Hindi sa minamaliit kita pinsan pero para kasing hindi ka reliable Claude."
Imbes na maasar at patulan ito ay bumuntong-hininga siya. "Kayo lang ni Kuya Humphrey ang magkaaway, Thad. Huwag mo akong idamay sa pang-aasar mo."
Ngingisi-ngisi lang si Thad.
Tiningnan niya ang nakakatandang kapatid para sa permiso nito. Nang tumango ito ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon.
* * * * *
THE HAIRS on Humphrey's nape stood erect as he slowly drove. He had been driving around the city for an hour now pero wala pa rin siyang makita. Lahat ng lugar na madalas nilang pinupuntahan ni Francheska ay pinuntahan din niya pero hindi talaga niya ito makita.
Lumabas na nga siya ng syudad para mahanap ito pero wala pa rin.
He was just driving aimlessly. Na-check na rin niya sa kanyang condo unit at sa racetrack.
"Where the hell are you, Franky?" bulong niya.
The hairs on his skin stood again as he passed a darkened road. May fog sa kalsada na ipinagtataka niya pero hindi rin niya iyon binigyan ng pansin.
"Francheska," he uttered.
Unti-unti nang napuputol ang pisi ng pasensiya niya. He would bend hell and earth if he had to. Diniinan niya ang tapak sa silinyador at kinabig ang manebela para mag-U-turn.
Nasaan ba ang babaeng iyon? Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay kinabahan siyang bigla. Para kasing may masamang mangyayari. And he hoped that he'd find Francheska soon.
He had goose bumps on his skin when he passed a certain area. A darkened area. No, a darkened forest. The hairs on his skin stood erect again. That is when he noticed. A forest in the middle of a city?
Kumunot ang kanyang noo. Mayroong ganoon bang klase ng lugar sa syudad? He passed by it. Shrugging, he continued driving. Baka naman namamalik-mata lang siya.
Nagmamaneho ulit siya palabas ng syudad para muling maghanap kay Francheska.
Huminto siya sa isang gasolinahan para magpagasolina. Napalingon siya sa labas ng kanyang bintana nang makita ulit niya ang madilim at misteryosong kagubatan.
Kinilabutan siya. Yari bang sinusundan siya ng imaheng iyon. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon din ang kagubatang nakita niya kanina sa syudad.
Pero baka naman nagkakamali siya. Magkakamukha naman talaga ang mga kagubatan dahil puro mga puno lang ang mga iyon. At saka kagubatan sa gitna ng syudad? Namamalik-mata lang siya kanina.
Pero hindi niya iyon masabi ngayon. Pumikit siya at kinusot ang mga mata. Kumurap muna siya ng ilang ulit bago muling binuksan ang kanyang mga mata. Naroroon pa rin ang kagubatan.
Humugot siya ng malalim na hininga bago binuksan ang bintana ng kotse. Kumurap siya. The forest was gone. At isang tindahan ang nasa kabilang kalsada.
"Sir, okay na po." sabi ng lalaking nag-gasolina sa sasakyan niya.
Nilingon niya ito. Nakadungaw na pala ito sa bukas na bintana. "Err—salamat." Mabilis na humugot siya ng dalawang libo sa kanyang pitaka at ibinigay dito.
Tinanggap naman kaagad nito ang pera. Akmang tatalikod na ito nang tawagin niya ito.
"Sandali lang. Tindahan ba talaga iyang nasa kabilang kalsada o kagubatan?"
Kung nagulat man ito sa tanong niya o nagtaka, hindi nito iyon pinahalata. Nevertheless, he felt like an idiot for asking such stupid question. Sa totoo lang, hindi na niya matukoy kung totoo ba talaga ang nakikita niya o hindi.
"Matagal na po ang tindahang iyan diyan. Nariyan na iyan bago pa man ako nagtrabaho rito." sabi nito. "Pero hindi rin naman kayo nagkakamali. Kagubatan nga iyan noong unang panahon. After all, everything in this world started with nature." makahulugang sabi nito. Something pass the man's eyes, but before he could comprehend what it was, it was gone.
"Have a good night, Sir!"
Tumango lang siya at muling pinaandar ang kotse. Tiningnan niyang muli ang tindahan. Nanatili nga lang iyong tindahan. Maybe he was hallucinating again. Then he glanced at the rearview mirror to look at the gasoline station. He saw the man dipped his upper body a little, his hand pressing his hat to his chest.
Napakunot ang noo niya sa ginawa nito. And when the man straightened on his back again, black smoke started swirling around him until he vanished in thin air.
He shuddered. Nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan at diniinan ang pagtapak sa silinyador. Not even realizing that he was heading back to the city. Baka minamaligno na siya.