HINDI pa rin makapaniwala si Humphrey na matagal ng na kay Francheska ang susi. Ingat na ingat siya habang hawak iyon. At hindi niya maialis ang tingin sa susi. Kumikinang iyon at mainit sa pakiramdam. Takot siyang mahulog iyon dahil baka bigla na lang iyong mawala at maglaho na parang bula.
Alam niyang may pekeng mga susi pero sigurado siyang iyon na ang totoong susi. Pakiramdam lang niya iyon pero may tiwala siya sa instinct niya. At kung iyon na nga ang totoong susi, alam ni Humphrey na hindi magtatagal ay mailalagay sa panganib ang buhay niya pati na rin ang mga kapatid niya. Aerthen was still alive and roaming around. Baka mahanap siya nito.
Isinara niya ang pinto sa bahay na iyon. Kailangan niyang makausap si Phanoer sa lalong madaling panahon. Alam niyang hanggang ngayon ay may mga alagad pa rin ni Lacresia na naghahanap sa mga susi.
Napahinto siya sa pagkandado sa lugar nang may maramdaman siyang malakas na presensiya sa likuran. Dahan-dahan niyang hinarap ang mga bagong dating at muntik na siyang lumubog sa sahig nang makita kung sino iyon.
"Lola Lucija?" may pagkabiglang sambit niya.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Namamalikmata ba siya? Batang bersyon ng lola niya ang nasa harap niya ngayon. Alam niya ang mukha ng abuela niya noong dalaga pa ito dahil madalas niya itong nakikita sa mga panag-inip niya. Pero nang titigan niya ng husto ang babae, may pagkakaiba ito sa lola Lucija niya.
Tinitigan niya ng mabuti ang babae. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit katulad nito ng presensiya ang lola niya.
Ngumiti ang dalaga. "Pasensiya ka na Humphrey pero hindi ako ang lola Lucija mo. Ako si Lucy."
Kumunot ang noo niya. Lucy? Bakit kilala siya nito? At bakit kilala kilala nito ang lola niya?
Lumipat ang tingin niya sa lalaking nakaitim mula ulo hanggang paa na nasa likod ni Lucy. Medyo mataas ng kunti sa kanya ang lalaki at para itong si Kamatayan dahil sa suot nito. Na may hood pa kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.
But he felt like he'd seen the two of them before. For the life of him, he can't remember where.
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya.
Imbes na sumagot ay nginitian lang siya ni Lucy. Hindi pa rin kumikibo ang lalaking nasa likod nito. Hindi niya gusto ang lalaki pero hindi rin naman mabigat ang loob niya rito. Gusto lang niyang mag-ingat ngayon dahil hindi niya alam kung sino ang mga kalaban. Ang sabi sa kanya noon ni Phanoer, marami daw alagad ang Norn sisters na nagkalat sa iba’t-ibang mundo.
Tinitigang mabuti ni Humphrey kung sino nga ba si Lucy. Ilang sandali rin niya itong tinitigan bago mag-click kung sino nga ba ito.
Napansinghap siya at hindi makapaniwalang pinakatitigan ito. Hindi rin siya sigurado kung paanong kilala niya ito gayong iyon ang unang pagkakataong nagkakilala sila. "Ikaw ang bagong Keeper."
"Ako nga." Muli siyang napasinghap nang makita niya ang lola niya sa katauhan ni Lucy. Iniabot nito ang kamay. "Ikinagagalak kitang makilala, Humphrey."
Inabot niya ang kamay nito para makipagkamay.
"Kukunin mo na ba ang susi?" tanong niya rito.
Tumango si Lucy at inilabas mula sa back pack nito ang libro na kamukha nang librong nakita ni Thorn sa silid-aklatan ng lola niya sa Baler.
May pahinang tila ginupitan para maghulmang susi. Napatingin siya sa hawak na susi nga apoy at sa libro. Ilang beses na pinaglipat-lipat niya ang tingin. Malakas ang pakiramdam niya na si Lucy ang totoong Keeper dahil wala siyang pag-aalinlangang nararamdaman dito. Kaya naman maingat na inilagay niya sa nakabukas na libro ang susi. Umilaw iyon at unti-unting hinigop ng libro hanggang sa maging isang litrato na lamang iyon.
Hindi pa niya naipagbubunyi ang pagkahanap niya sa susi nang makaramdam siya ng maitim na awra. Naghanda siya, ganoon din ang lalaking kasama ni Lucy. Naglagay ito ng kamay sa harap ni Lucy para protektahan ang dalaga.
Lumitaw sa harap nila si Aerthen. At nabuhay ang galit sa puso niya. Sinaktan nito si Ashelynn noon. Hindi niya ito mapapatawad. Ipaghihigante niya sina Francheska at Ashelynn.
Naghanda siya para lumaban pero naunahan siya ng nakaitim na lalaki. Wala pa mang nakakakilos sa kanila ay nakagawa na ito ng malaking harang sa paligid ni Lucy at nagpakawala ng malakas na pwersa na siyang ikinatapon niya at ni Aerthen.
Humphrey uttered an expletive word, cursing the black guy.
HUMPHREY woke up with a gasp. Pinagpapawisan siya ng tudo. Nilibot niya ng tingin ang paligid pero nasa loob lang siya ng kanyang silid. Alam niyang totoong nakita na niya ang susi at nakaharap ang bagong Keeper. Sigurado siya roon. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung paanong nagising siya sa kanyang silid.
What happened seems real but he found himself waking up in his bedroom. He shook his head to shake his sleepiness. Hindi na dapat siya nagugulat sa mga ganitong bagay. Pero hindi pa rin siya nasasanay hanggang ngayon.
It was like riding a roller coaster.
Malakas siyang napasinghap nang makita si Phanoer na nakatayo sa gilid ng kwarto niya. Muntik na yata siyang atakihin sa gulat.
"Phanoer!"
Tinaasan siya ng kilay nito pero hinintay na makabangon siya. Bago pa man siya makapagtanong dito ay inunahan na siya nito.
"Sinagip kita mula kay Aerthen. Maaaring nabuksan mo noon ang kapangyarihan ng apoy pero hindi ibig sabihin ay mabubuksan mo iyon kapag gusto mo. Isa ka pa ring mortal."
"Wala naman akong sinasabi." Pakiramdam kasi niya ay pinapagalitan siya nito. Noon baka nagalit na siya sa paninermon nito pero ngayon may kunting saya siyang nararamdaman.
Hindi man sila matagal na magkakilala ni Phanoer, itinuturing na niya itong kaibigan. At alam niyang walang kasiguraduhan ang buhay kaya dapat hindi na sinasayang sa mga walang kwentang bagay ang buhay. He could lost someone in just a blink of an eye. He learned that the hard way. Ngayon ay alam na niyang dapat pahalagahan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya.
"At nagpapaliwanag lang din ako." sagot naman ni Phanoer.
Tiningnan niya si Phanoer pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin dahil baka kung ano ang isipin nito. Oo at pinapahalagahan na niya ngayon ang bawat sandali kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay, pero hindi ibig sabihin ay magbabago na siya. Hindi siya ang tipo ng taong ini-express ang nararamdaman, maliban nalang siguro kung talagang galit siya.
"Ah," kinamot niya ang batok. "salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin."
"Hindi." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ako dapat ang magpasalamat sa iyo. Maraming salamat dahil nahanap mo ang susi sa mundo ng Apoy. Sapat na iyon para kay Ashelynn."
Nagkibit-balikat siya. He was feeling awkward at the moment. He doesn't know what to say and what to do.
Nabigla siya nang yumuko sa harap niya si Phanoer. Iwinasiwas niya sa harap ang mga kamay. "Hindi mo na kailangang gawin iyan."
"Hanggang sa muli, Seeker of Fire. Salamat sa pagtapos sa iyong misyon." and with that, Phanoer vanished into thin air.
Nilibot niya ng tingin ang kwarto. Sa tingin niya ay kailangan na niyang ipagpatuloy ang buhay. Mag-move on na kung baga. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kakalimutan na niya sina Francheska at Ashelynn.
IT HAD BEEN three days since Phanoer said goodbye. Tahimik ang buhay ni Humphrey sa tatlong araw na iyon. Nakikipag-usap siya sa mga kapatid minsan. May ilan sa mga itong nahanap na ang kanya-kanyang susi. Ang iba naman ay naghahanap pa rin.
Kapag may kailangan ang mga ito sa kanya ay tinutulungan naman niya. Hindi rin niya maiwasang huwag mag-alala paminsan-minsan sa mga ito. Lalo na’t nakaka-encounter ng mga ito ang taga ibang mundo. Alam ni Humphrey na kahit papaano ay may mga bantay ang mga kapatid niya pero ayaw niyang maranasan ng mga ito ang naranasan niya. Ayaw niyang mawalan ang mga ito ng mahalagang tao sa buhay nito.Pero alam din niyang kailangan nilang tapusin ang paghahanap sa mga susi.
Naging abala rin siya sa pagpapatakbo ng race track nila ni Franky kaya hindi na niya masyadong binigyang pansin ang malulungkot na alaala. Pero kapag mag-isa na lamang siya sa gabi ay naiisip pa rin niya, hindi na nga lang katulad ng dati na puno ng sakit. Ngayon, medyo natanggap na niya. Medyo lang.
"Boss, kami na dito. Umuwi ka na."
"O, sige. Ayusan niyo `yang pagtatrabaho ninyo ha para may bonus uli kayo."
Nagsigawan ang mga tauhan niya sabay saludo. Natatawang tinalikuran niya ang mga ito.
Nasa kalagitnaan na siya nang biyahe nang mapansin ang kotseng nakahinto sa gitna ng kalsada. Wala ng masyadong dumaraan doon kaya mahirap ng makahanap ng tulong.
Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada at nilapitan ang babaeng kumakaway sa kanya. Madilim na kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng babae.
Suminghap ang babae. "Humphrey?"
Kumunot ang noo niya. Kilala ba niya ang babaeng ito? Pero hindi niya natatan—nagbalik sa memorya niya ang panahong hinahanap niya si Francheska. Minsan na siyang nilapitan ng babaeng ito.
"Ah, Skye?"
Kuminang ang mga mata nito na para bang binigyan niya ito ng ginto. "Naaalala mo ako?"
Namulsa siya. "Yeah."
Skye grinned at him and she was...beautiful under the moonlight. He found himself, giving a half smile.
"May problema ba sa kotse mo?"
Ngumiwi ito. "Hindi ko alam kung anong nangyari."
"I'll take a look at your car."
Tumango ito. "Thanks."
Tumango lang din siya at sinuri ang kotse nito. Nasa gitna siya ng pagutingting sa kotse nito nang makarinig siya ng batang umiiyak.
Medyo tumaas ang kilay niya habang nakayuko pa rin sa harap ng sasakyan. May anak na ito? Pero kung makipag-flirt ito sa kanya noon parang...
Umiling siya. That was none of his business. Ipinagpatuloy niya ang pagtingin sa kotse. Pero pinapakiramdaman pa rin niya si Skye.
"Shh... Tahan na baby."
Skye was trying to comfort the baby but it wasn’t working at all. Hindi nito mapatahan ang bata.
Nang malaman niya ang problema ng kotse, umayos siya ng tayo. "Maliit lang ang problema ng kot—"
Napahinto siya nang humarap sa kanya si Skye karga ang bata. Para siyang kinunan nang hangin nang makita ang mukha ng bata. His eyes roamed around the little girl's face and Humphrey felt his throat close up.
"Humphrey? Ayos ka lang ba?"
Kumurap siya pero hindi inalis ang tingin sa bata.
"Anak mo?" he almost choke on his words.
Umiling si Skye. "Natagpuan siya sa kakahuyan at dinala sa bahay ampunan. May outreach program ako every now and then and I saw this cute little girl and felt myself falling in love. I decided then that I'll adopt her."
Humphrey felt a strong pull from the baby. "Pwede ko ba siyang kargahin?"
"Sure."
Nang madama niya sa bisig ang batang babae ay tumulo ang luha niya. The little girl look so much alike with Franky and Ash. The girl has midnight hair just like Franky, but there was a part of her hair that was as white as a snow. And her eyes, it's brown like Franky. But with the moon's reflection, it wonderfully glowed golden, just like Ash.
He hugged the kid with so much care and his throat closed up tighter as he felt himself love the kid right there and then.
"Humphrey? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Skye.
"May pangalan ba siya?" nanginginig ang mga labi niya kaya kinagat niya iyon. Makati ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak. Hindi niya akalaing bibiyayaan siya ng ganoon. He had no doubt in mind that the baby was Francheska and Ashelynn’s combination.
Hindi niya itatanong kung paanong naging posible iyon. Maaaring iyon ang paraan ng kapalaran para makabawi sa kanya.
Humphrey kissed the baby’s forehead and she stopped crying and laughed. He found himseld falling in love. Her heart melted at the sight. He wanted to protect the child with his life if it comes to it.
Umiling si Skye. "Hindi ako makapag-decide sa ipapangalan ko sa kanya."
"Can I name her?" he asked, feeling hopeful.
Medyo nagulat si Skye pero tumango pa rin ito at hindi nagkomento kung bakit gusto niyang siya ang magpangalan sa sangol. Instead, Skye smiled adoringly at him. Maybe he’s hallucinating.
Puno ng pagmamahal na tinitigan niya ang batang babae na nakatitig din sa kanya. He kissed her forehead again. "Franlynn."
The little girl in his arms clapped her little hands and was bouncing with a big smile on her face, a big missing tooth smile.
He found himself grinning at the little girl.
"Looks like she liked her name. Franlynn." Skye commented, looking at Franlynn with soft eyes.
He rested his cheek on the girl's head and smiled at Skye. "Thank you."
IT HAD been a month, Humphrey was visiting Franlynn regularly. He was also able to spend time with Skye and get to know her personally. The woman was willful and headstrong.
Hindi niya akalain na magagawa niyang i-share rito ang tungkol kay Francheska at Ashelynn, bagamat hindi ang buong katotohanan, tinanggap iyon ni Skye ng walang anumang panghuhusga.
“Humphrey!”
“Hey.”
Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya. Medyo magulo ang bahay nito, pati na rin ang sarili nito na wala sa ayos.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Dinaanan ba `to ng bagyo?”
Binigyan siya ni Skye ng nakamamatay na tingin. “Huwag ka ngang mang-asar. Tara sa kusina, nagluluto ako bago ka dumating.
Napangiwi siya nang makita ang lagay ng kusina nito. Nagkalat ang mga gamit at may mga mantsa rin sa mesa. Mas malala ang lagay niyon kaysa sa sala. Nasa counter top ang baby monitor nito.
Nagsalita na ito bago pa siya makapagkomento. “Oo, alam kung hindi kaaya-aya ngayon ang lagay nitong kusina ko pagpasensiyahan niyo na po. Bigla-bigla ka kasing nagte-text na bibisita ka. Nataranta na tuloy ako.”
“Kaya pala para kang aswang na nakatakas ngayon.”
Nanlaki ang mga mata nito. “What?!”
Mabilis na tumakbo ito bago pa niya mabawi ang sinabi. Nagjo-joke lang naman siya. Maganda pa rin naman ito kahit magulo ang buhok at ayos. Hindi lang niya mapigilan ang sarili na asarin ito minsa.
He rolled his sleeves and began cleaning the area. Mukhang hindi nga nito inaasahan na darating siya ngayon kaya heto at parang dinaanan ng malakas na bagyo ang lugar.
Nang bumalik si Skye ay maayos na ito at hindi na magulo ang buhok. Napahinto ito nang makita siyang nagpupunas ng mesa. “Hindi mo kailangang gawin iyan.”
“It’s okay.”
Pumwesto na ito sa harap ng chopping board. “I’m not a good cook so don’t expect so much from this. Mga simpleng putahe lang ang kaya kong lutuin.”
“Ayos lang iyan, hindi naman ako mapili sa pagkain.” Tiningnan niya saglit ang baby monitor. “Hindi ka ba binibigyan ng sakit na ulo ni Franlynn? I heard most babies wake up at night.”
“You’re not wrong. Pero may routine si Fran para mapagod siya sa umaga at makatulog ng mahimbing sa gabi.” Sinulyapan siya ni Skye. “Why don’t you go to Franlynn?”
“Mamaya pagkagising niya.”
Tinulungan niya si Skye sa paghahanda ng tanghalian nila. Komportable ang katahimikang namayani sa kanila habang ginagawa nila ang mga trabaho nila. Hinahanda na niya ang mesa nang marinig nilang umiyak si Fran sa baby monitor.
“Ikaw na ang kumuha kay Fran.” sabi ni Skye, abala ito sa pagtitimpla ng juice.
He’d been in Skye’s apartment twice already, this is the third time. Pinupuntahan kasi niya roon si Franlynn kapag busy si Skye sa trabaho. Madalas sa labas na sila nagkikita. He really wanted to be there for Fran.
Binuksan niya ang pinto sa nursery room, madilim ang kwarto dahil nakababa ang blinds pero nakikita pa rin naman niya ang paligid. Napahinto siya nang may kuminang sa crib ni Fran. Nanlaki ang mga mata niya nang mas lalong nanginang iyon at huminto sa pag-iyak si Fran.
Lumapit siya sa crib, kinakabahan. “Fran?”
Napasinghap siya nang makitang kumikinang ang puting buhok nito pati na rin ang gintong mga mata.
“What?”
Naramdaman niya ang presensiya nina Francheska at Ashelynn. Muntik na siyang maiyak dahil doon. He didn’t expect to feel them again, but it was like they were hugging him.
Humphrey felt like it was the last time he’d feel them around him. It was goodbye.
The lump in his throat made it difficult to say a word. Alam niyang kailangan na niyang magpaalam. Humugot siya ng malalim na hininga saka dahan-dahan iyong pinakawalan. Hindi siya magiging malungkot.
Maaaring hindi na niya makita pa o maramdaman sina Francheska at Ashelynn pero alam niyang hindi niyang nakabantay lang sa kanya ang dalawa.
Kinarga niya si Franlynn at maingat itong niyakap. Hinalikan niya ito sa noo. “Maraming salamat sa lahat at sa magagandang alaala, Franky. Salamat din at kahit kaunting panahon lang tayong nagkakilala, naging mabuting magkaibigan tayo, Ashelynn.”