Kabanata XV

3163 Words
SUSI NG APOY *** NANLAKI ang mga mata ni Humphrey nang makitang pinrotektahan sila ni Ashelynn. Iniharang nito ang sarili para hindi sila matamaan ni Francheska ng mga lumulutang na espada. At dahil doon, ito ang tinamaan, na tumagos sa katawan nito. "Ashelynn!" Nangilid ang mga luha niya nang makitang napaubo ng dugo si Ashelynn bago bumagsak sa lupa. Maingat na ipinaloob niya sa bisig ang dalaga. "Ashelynn..." Bumuka ang bibig nito na para bang may sasabihin pero naunahan ito ng pag-ubo ng dugo. Umiling siya para hindi na ito magsalita pa. Hindi na niya namalayan ang pag-agos ng mga luha niya. Hindi alam kung ano ang gagawin. Ni hindi nga siya sigurado kung tama bang ikinalong niya sa bisig si Ashelynn dahil baka mas lalong lumala ang sugat nito. "H-Humph..." mahinang saad nito at halatang nahihirapan. Bago pa siya makasagot para sana pagbawalan itong magsalita, pumikit na ang mga mata ni Ashelynn, sabay tulo ng luha. Napasigaw siya nang hindi na niya maramdaman ang presensiya nito. "Ashelynn!" Hindi niya alam kung paanong alam niyang wala na ito. Ang alam lang niya parang may bahagi ng kaluluwa niya ang kinuha. He wanted to destroy everything within sight. Bakit ba kailangan pang mangyari ang lahat ng iyon? Bakit kailangang may magbuwis ng buhay? Hinigpitan ni Humphrey ang pagkakahawak kay Ashelynn. His tears were dropping on her face but Ashelynn never stirred. Binigyan niya ito ng halik sa ulo. Sa pagkamangha niya ay bigla na lang itong naging gintong abo sa mga bisig niya. "Wha—" Hindi makapaniwalang hinawakan niya ang gintong abo. "Once a Phoenix is dead, he will turn into ashes and be reborn again." Nagtaas siya ng tingin kay Phanoer. May hindi maipaliwanag na kinang sa mga mata nito habang nakatingin sa abo ni Ashelynn. Pero batid niya ang sakit ng nararamdaman nito. Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay. "But in Ashelynn's case, I don't know what will happen to her," His heart is twisting in pain and he can only cry for the life that was gone. Hindi siya makapagsalita dahil masikip ang lalamunan niya sa pagpipigil na ngumawa. Mapapanatag sana ang loob niya kung mabubuhay muli si Ashelynn. Wala siyang pakialam kung bumalik man ito sa pagkabata at mawala siya sa memorya nito. Ang mahalaga ay buhay ito. Pero kalahating Pheonix lang si Ashelynn. At walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari rito. "Umalis ka na. Habang naliligaw pa ang atensiyon ng norn sisters." Lumunok siya. "Pero paano ka?" "Huwag kang mag-alala. Hindi ako mamamatay. Isa akong guardian. At hindi kami pwedeng mamatay hanggat hindi kami pinapakawalan ni Lady Lucija sa tungkulin namin." Tumango siya at kinarga si Francheska na wala pa ring malay hanggang ng mga sandaling iyon. Phanoer chanted a spell and Humphrey found himseld in the mountains far from the castle where he first arrived with Phanoer. Nag-igting ang mga ngipin niya. Hindi pwedeng masayang ang isinakrepesyo ni Ashelnn. Kailangang makabalik sila ni Francheska sa kanilang mundo. Ilang minute na siyang tumatakbo. Hindi niya alam kung paano bumalik sa mundo niya. Dinala lang siya roon ni Phanoer kaya hind sigurado kung paano sila makakalavas sa mundong iyon. Nasa likod niya si Francheska na wala pa ring malay at unti-unti na siyang nanghihina. Pakiramdam niya ay may kakaibang enerhiya ang mundong iyon. At hindi siya pwedeng magtagal doon. Kaya siguro hindi pa rin nagigising si Francheska. At kapag hindi siya nakagawa ng paraan para umalis sa lugar na iyon, baka pati siya hindi na magising pa. Masyado siyang abala sap ag-iisip ng mga paraan para lang makalabas sa mundong iyon kaya huli na nang maramdaman niya na malambot ang lupang natapakan niya. Awtomatikong hinigptan niya ang pagkakahawak kay Francheska habang gumugulong-gulong silang dalawa pababa. Ilang beses siyang nauntog at napaigil nang tumama sa kung saan-saan ang katawan niya. Halos mawalan siya ng ulirat nang huminto na sila sa paggulong. Pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampong tao ng wala man lang kalaban-laban. Umungol siya dahil sa sakit ng buong katawan niya. Halos hindi rin siya makahinga sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Pinilit niyang tumagild para tingnan si Francheska. Napansin niyang may bago itong sugat sa gilid ng mukha at dumudugo iyon. "Franky..." Maingat siyang bumangon at nilapitan si Francheska. Kinabahan siya nang mahawakan niya ito. Dahil malamig ang balat nito na para bang... Umiling-iling siya. Hindi siya pwedeng mag-isip ng negatibo. Bahagya niyang niyugyog si Francheska para gisingin ito. Pero nanatili itong walang malay. "Franky? Franky, please gumising ka na. Kailangan nating mag-isip ng paraan para makabalik sa mundo natin." Nang muli niyang yugyugin si Francheska sa balikat ay nahulog ang kamay nito mula sa tiyan papunta sa tagiliran nito. Napalunok siya at maingat na kinalong ang ulo nito. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha niya habang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Hinalikan niya sa noo si Francheska at muling niyugyog pero hindi pa rin ito nagigising. "Franky, gising ka na o." Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Francheska pero hindi pa rin talaga ito nagre-react man lang. Mas napansin din niya ang paninigas ng katawan nito, ni hindi na niya maramdaman ang init mula sa katawan nito. "Franky! Bawal mag-joke ng ganyan. Please, gumising ka na. Hahanap pa tayo ng paraan para makabalik kina Kuya Zane. Franky..." Napahagulhol siya ng malakas nang mapagtanto niyang wala na si Francheska dahil hindi na niya maramdaman ang paghinga nito at malamig na ang katawan. Nagsisimula na rin itong manigas. "Franky! Ang sama mo. Sabi mo sa `kin hindi mo ako iiwan. Bakit iniwan mo pa rin ako?" Pagsigaw na lang ang nagawa niya habang kalong ang katawan ng dalaga. "Francheska!" Sa gitna ng pagdadalamhati niya, bigla na lang sumulpot sa harap niya si Urd. May kung anong mahika itong binanggit hanggang sa mawala sa bisig niya si Francheska at mapunta rito. Tinitigan lang siya nito bago unti-unting naglaho si Francheska mula sa pagkakahawak nito. "Wala na ang babaeng pinakamamahal mo, Seeker of Fire. Mas mabuting tanggapin mo na lang iyon." Bigla siyang nanghina at bumagsak sa kanyang mga tuhod habang nanginginig ang buong katawan. Napuno ng matinding lungkot at puot ang puso niya habang pinakatitigan si Urd. Namumuhi siya sa pagmumukha nito. Dahil dito ay wala na sina Ashelynn at Francheska. Hindi maintindihang damdamin ang bumalot sa dibdib niya at unti-unti siyang napupuno niyon. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang sandali. Nararamdaman niya ang apoy sa ugat niya na mabilis na kumakalat sa buo niyang katawan hanggang sa tuluyan siyang mapuno niyon at sumabog. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya dahil sa paghihinagpis at galit sa nangyari sa dalawang taong mahalaga sa kanya. Kasabay ng sigaw niya ay ang paglindol ng lupa. "Anong..." Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang tatlong magkakapatid ng tadhana, dahil sa tindi ng nararamdaman niya, hindi niya napansin na dumating na rin pala ang dalawa. Malalaki ang mga matang pinakatitigan siya ng mga ito, yari bang hindi makapaniwala sa nangyayari. Biglang sumulpot sa harap niya si Phanoer na duguan at maraming pasa sa katawan. Hinawakan siya nito sa balikat. Naramdaman niya ang tila kung anong kapangyarihang humihigop sa apoy na nasa loob ng katawan niya. Napatingin siya kay Phanoer, hindi maintindihan ang kalungkutang nararamdaman. "Si... Ashelynn...at Franky." Walang sinabi si Phanoer, tinitigan lang siya nito hanggang sa bumigat ang mga talukap niya. Wala na siyang nagawa nang bigla na lang nagdilim ang mundo niya at tuluyan siyang mawalan ng malay.   HUMPHREY, felt like his body has been crashed under tons of rocks. Umungol siya at pinilit ang sariling tumagilid. Ayaw pa sana niyang gumising pero nasisilaw na siya sa kung anong liwanag na tumatama sa mukha niya. Kinusot niya ang mga mata at dahan-dahang bumangon. Ilang minuto muna ang lumipas bago rumehistro sa kanya na nasa loob siya ng kwarto niya sa Maynila. Napasimangot siya at umiling-iling para mawala ang antok niya. Saka lang bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari mula nang mamatay ang Lola Lucija niya. "Franky! Ashelynn!" Lumingon-lingon siya pero nag-iisa lang siya sa loob ng kanyang madilim na kwarto na tinatamaan ng munting liwanag ng araw mula sa bintana. Nagmamadaling bumangon siya sa nanginginig na katawan. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga nangyari sa lungga ni Lacresia. Sa nanginginig na kamay ay idinayal niya ang numero ng ina ni Francheska. "Hello, sino 'to?" tanong ng nasa kabilang linya na halatang ina ni Francheska, Tumikhim siya dahil sa bara sa lalamunan niya. Kinutuban siya sa paraan ng pagsagot nito sa tawag niya. "Auntie, si Humphrey po ito. Nandiyan po ba si Franky?" "Hindi ko kilala iyang hinahanap mo. At hindi rin kita kilala." Bumilis ang t***k ng puso niya at humigpit ang pagkakahawak sa telephono. "Auntie, si Francheska po, yung anak n'yo. Nandiyan po ba siya sa inyo?" "Hijo, baka nagkakamali ka ng numerong dinayal. Wala akong anak. Hindi kami pwedeng magkaanak ng mister ko." Lumuwang ang pagkakahawak niya sa cellphone hanggang sa nahulog iyon at kusang naputol ang linya. "No, no, no, no! Ahhhhhhrggg.." Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at sinabunutan ang sarili. Hindi pwede. Hindi pwedeng basta mawala na lang ang buong pagkatao ni Francheska. Sa labis na paghihinagpis ay itinulak niya ang mga gamit sa ibabaw ng cabinet hanggang sa mabasag ang mga iyon. "Francheska...!" Humagulhol siya ng iyak at nagwala ng husto sa loob ng condo niya. Wala siyang pakialam kung masira ang lahat ng gamit niya. Hindi maibabalik ng mga iyon ang buhay nina Francheska at Ashelynn. "Phanoer!" sigaw niya. "Hindi pwedeng mawala sa akin si Francheska!"   WALANG emosyon ang makikita sa mukha ni Phanoer pero nararamdaman niya ang pighating nararamdaman ngayon ni Humphrey. Hindi nga lang siya pwedeng maglabas ng nararamdaman dahil maraming nakabantay sa kanya ngayon. At maaring gamitin ng mga ito ang kahinaan niyang iyon para makuha ang susi sa mundo ng apoy. Nakatayo lang siya sa loob ng kwarto ni Humphrey pero hindi siya nakikita nito. Dahil sa labis na sakit na nararamdaman ng mortal, itinulak nito sa likod ng isip ang tungkulin bilang isang Seeker. At isinarado nito ang isip sa mga bagay na iilan lamang ang nakakakita. Tatlong araw na sa mortal na mundo mula nang mamatay sina Ashelynn at Francheska, at sa mga panahong iyon, hindi niya iniwan si Humphrey dahil alam niyang magwawala ito oras na magising. At kailangan nito ng magpoprotekta rito ngayong nasa mahinang kalagayan ito. Pinanood niya itong magwala at umiyak. Wala siyang magawa para ibsan ang nararamdaman nito. Masakit din para sa kanya ang mga nangyari. Pero kailangan niyang magpatuloy para hindi mabale-wala ang isinakripisyo nina Ashelynn at Francheska. Hindi na niya namalayan ang pagdaloy ng oras hanggang sa makatulog dahil sa pag-iyak si Humphrey. Bumuntong-hininga siya at kinarga ito pahiga sa kama nito. Bibitawan n asana niya si Humphrey nang biglang may kung anong kuryente ang dumaloy sa loob ng katawan niya. Dahil sa pagkabigla ay nabitawan niya si Humphrey. Napatingin siya sa natutulog na mortal nang mapansin niya ang kumikinang na gintong abo sa damit nito. Napasinghap siya nang mapansin ang tila hibla ng puting buhok na nasa damit lang ni Humphrey. Para siyang namamalikmata nang makitang kuminang iyon sandali bago bumalik sa dating anyo. "Ashelynn." Naisambit na lang niya habang titig na titig sa damit ni Humphrey. Nag-igting ang mga ngipin niya nang maramdaman ang tila paghila sa kaluluwa niya. Napahawak siya sa dibdib at kuminang ang kulay bughaw na apoy niyang mga mata. May gustong lumabas sa mundo ng mga apoy.   UMUNGOL si Humphrey dahil sa sakit ng ulo niya pero hindi kaagad siya nagmulat ng mga mata dahil ayaw muna niyang bumalik sa reyalidad kung saan wala na si Francheska at Ashelynn. Habang nakapikit ay pinakiramdaman niya ang sarili. Halatang namamaga ang mga mata niya. Medyo masakit ang ilang bahagi ng katawan niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Nagmulat siya ng mga mata at tumitig sa kisame. Wala na ang dalawang babae na mahalaga sa kanya. Pero kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay niya gaano man siya nasasaktan ngayon. Hindi niya pwedeng balewalain ang isinakripisyo nina Ashelynn at Francheska. Kailangan niyang pahalagahan ang buhay niya para sa dalawa na nawalan. Humugot siya ng malalim na hininga at dahan-dahang pinakawalan iyon kagaya ng itinuro sa kanya noon ni Francheska. Pagdating niya sa banyo ay naghilamos siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Kailangan niyang pahalagahan ang buhay niya. Tinapik-tapik niya ang mga pisngi bilang paggising sa sarili. Hindi niya napansin ang pagkinang ng gintong abo sa kama niya at isang hibla ng puting buhok.   HUMPHREY needed to feel like himself again in order to return to his life and focus on finding the key. He knew he had to find it, he just lost the motivation to do so. But Humphrey can’t ignore the fact that he was the Seeker of Fire. His grandmother needed his help. And the only thing that could make him free himself is racing. Kaya naman kahit mahamog pa, nasa racing track na siya nap ag-aari niya. Nasa tuktok siya ng lugar kung saan maaabot ng tingin ang buong lugar na ipinundar nilang dalawa ni Franky. Sa kanilang dalawa ang lugar na iyon, at habang buhay niya iyong ituturing na kayamanan. Tinanaw niya ang parte kung saan siya naaksidente at nagsimula ang lahat ng kababalaghang nangyari sa kanya. Naitanong niya sa sarili kung may posibilidad na maibalik ang nakaraan, babalik ba siya para baguhin ang lahat at kalimutan na isa siyang Seeker. Humphrey found himself a bit shock at his certain answer of no. Hindi niya hihilingin baguhin ang nakaraan gaano man kapait iyon. Dahil hindi niya matatalikuran ang lola Lucija niya. May mga nangyari mang hindi kanaisnais, alam niyang may rason ang lahat. Katulad na lang kung bakit siya ang naging apo ni Lola Lucija, na isa palang reyna sa mundong hindi alam ng mga mortal. Umihip ang malamyos na hangin at alam niyang nasa tabi lang niya sina Francheska at Ashelynn. Magaan ang loob na pumasok siya sa kotse at nakipagkarera sa mga kaibigan niya. Hindi na niya namalayan ang pagdaloy ng oras hanggang sa magdapit hapon na. He was watching the sunset with a smile on his face. There was so much peace in his mind until a memory opened up to him. Franky had always been a frustrated painter. Napakakampante nito sa larangan ng racing pero pagdating sa pagpipinta ay wala itong tiwala sa sarili. He always found it cute when she tried to hide her drawings from him. Na kaagad din naman niyang nakikita dahil kinukuha niya iyon mula rito. May naalala siyang sinusulat o dinudrawing ni Francheska noong papunta sila sa Baler. Sa pagkakatanda niya ay inilagay nito iyon sa dash board ng kotse niya. Gusto niya iyong makita dahil iyon ang huling bagay na ginawa nito. Tiningnan niya ang loob ng kotse pero hindi niya mahanap ang papel. Saan kaya iyon nilagay ni Francheska? Isa lang naman ang lugar kung saan nagkakampo si Franky kapag gusto nitong mag-drawing at alam niya kung nasaan iyon.   PAGKALIPAS ng isang oras ay nag-park siya sa harap ng isang lumang apartment. Para iyong hunted house kung titingnan sa labas dahil sa bulok nitong itsura. Pero sa loob niyon ay parang isang magarang cabin. Pinadaan ni Humphrey ang kamay sa likod ng sofa kung saan madalas silang tumambay noon ni Francheska. Maraming alaala ang lugar na iyon para sa kanilang dalawa. Bumalik sa kanya ang lahat ng panahong pinagsamahan nila pero hindi na mabigat ang dibdib niya dahil doon. Hindi niya alam kung paanong natanggap niya iyon kaagad. Alam niyang hindi kalian man mawawala sa puso niya si Francheska at Ashelynn. Kaya siguro natanggap niya agad. Napatingin siya sa pinto ng silid na kahit kailan ay hindi niya napasok dahil ayaw siyang papasukin doon ni Franky. Napaka-defensive nito sa silid na iyon. Noong minsan na sinubukan niyang pumasok doon, grabe ang pag-iyak ni Franky kaya hindi na siya umulit pa. Ngayong wala na ito, ayaw pa rin niyang pumasok dahil pakiramdam niya ay tinatraydor niya ang dalaga. Pero may nagtutulak sa kanya na buksan iyon. Hawak na niya ang siradura nang huminto siya. Magagalit kaya si Francheska kapag binuksan niya ang pintong iyon? Matagal na tinitigan niya ang kamay na nakahawak sa seradura hanggang sa maramdaman niya ang pangangati ng pilat niya na hugis susi. Napangiwi siya habang kinukuskos ang pilat. Para iyong tumitibok at hindi niya magawang bitawan ang seradura. Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya at napatingin sa nakasirang pinto. Posible kayang nasa loob ang matagal na niyang hinahanap na susi? Napalunok siya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Ipinasok niya ang ulo pero madilim ang paligid kaya wala siyang makita. Tuluyan niyang binuksan ang silid. Humanga siya nang mabuksan ang ilaw. Maraming painting ang nakasabit sa dingding. Kahit na hindi matatawag na perpekto ang pagkakagawa sa karamihan ng nandoon ay napahanga pa rin siya sa determinasyon at pagsisikap na inilagay ni Franky sa bawat obra. Isa-isang sinuri niya ang mga painting. Nakita niya ang unti-unting pagbuti ng mga pinta nito. He felt proud at how far she'd come in her passion. Humphrey was about to leave the room when he caught sight of a darkened corner where a painting hang. His brows furrowed as he walked slowly towards the painting. He gasped as he felt the air was sucked out of him. The painting wasn't perfection, Franky had better paintings in the room, but what really caught his attention was the child Franky painted. Claire was long dead before he met Franky. And Claire didn't in her life went out of Baler, Aurora, and Franky was from Manila. So it was impossible for Franky to see Claire. And he'd forgotten about her so it was impossible for him to tell Franky about Claire. So it was such a big mystery why a painting of Claire is inside Franky's secret room, with a big smile on her face and handing out... a golden key, with a stone in the upper part of it that seems to cage a fire. As he stared hard at the painting, he thought, was it really impossible though? With all the things that happened in his family this past few months, something like this shouldn't be so shocking. Napalunok siya habang nakatitig sa susi. Hindi nga perpekto ang pagkakagawa ng painting na iyon pero masasabi niyang kuhang-kuha ni Franky ang susi. Napakadetalyado niyon at nararamdaman niya ang kapangyarihan ng susi kahit nakatitig lang siya. His eyes moved around the painting. Nakita niya ang pirma ni Francheska sa ibabang bahagi ng larawan. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit napapanag-inipan din ni Francheska ang kanyang abuela, kung bakit sinasabi ng huli na kailangan tulungan siya ng una. Kaya rin siguro napunta sa "Dark Room" si Francheska. At kaya rin hindi siya nito pinapasok sa kwartong iyon. Dahil hindi pa tamang oras para makita niya ang painting na iyon. Mariing naglapat ang mga labi niya para pigilan ang mga luhang nais kumawala. Sampong taon na ang nakakaraan nang ginawa ni Francheska ang painting na iyon base sa petsa na nakalagay sa ilalim ng pirma nito. At hindi pa sila nagkakilala ng mga panahong iyon. Itinadhana nga sigurong magtagpo ang mga landas nila. Para siguro hindi siya humantong sa kasamaan. Dahil sa "destructive mood" niya nitong mga nakaraang taon. Na sanhi ng pagkamatay ni Claire. Humugot siya ng malalim na hininga bago inabot ang susi. At nang mahawakan niya iyon ay nilukob siya ng apoy. Pero hindi siya nasasaktan sa apoy. Waring niyayakap pa siya nito at dinadamayan sa pagkawala ng tatlong taong mahalaga sa kanya. Naluha siya nang maramdaman ang presensiya nina Ashelynn at Francheska. Sandali lang iyon pero labis niyang ipinagpasalamat na sa huling pagkakataon ay naramdaman niya ang dalawa. May ngiti sa mga labi siya habang hawak ang susi na inilapit niya sa dibdib. "Salamat, apo. Mahal kita." bulong ng lola Lucija niya sa hangin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD